“BYE po, Mama.” Paalam sa kaniya Aurora. Nasa labas sila ng Airport kasama si Zach. Nagpupumilit kasi ang mga ito na ihatid siya sa kaniyang pinagtatrabahuan. At sino naman siya para tanggihan itong cute na cute na prinsesa niya? Kung maaari nga lang ay hindi na siya hihiwalay pa rito dahil sa tagal nitong nawalay sa kaniya pero hindi naman puwede dahil may trabaho siya at kailangan niyang makapag-ipon ng pera para sa panganganak niya. “Bye, baby…” aniya, karga ito ni Zach kaya kumaway na lang siya sa bata at ngumiti. Gusto sana niyang yakapin si Aurora pero pinili na lang niyang hindi na. Ayaw niyang lumapit kay Zach at baka magkaroon naman ito ng dahilan para mahawakan siya. Hindi pa naman niya malilimutan ang paghalik nito sa kaniya kagabi. Dalawang beses na siya nitong naisahan. N

