CHAPTER 07

3157 Words

SANDALING natigilan si Norman sa sinabi ni April na nahilo ito, nagsuka at nawalan ng malay kanina. Bigla siyang kinabahan. Alam niya kasi na ang mga bagay na iyon ay senyales na buntis ang isang babae. Matiim siyang napatingin kay April habang walang emosyon itong nakaupo sa tabi niya at nakatutok ang mata sa telebisyon. Wala naman sa pisikal nitong anyo na buntis ito pero kung totoong nagsuka at nahilo ito kanina, may posibilidad talaga na buntis nga ito! Tumiim ang bagang niya. “Laura! Laura! Halika nga rito!” tawag niya kay Laura na nasa kusina at naghuhugas ng pinagkainan nila. Narinig niya ang nagmamadaling mga hakbang ni Laura. Ilang sandali lang ay nasa harapan na niya ito. “Bakit, Norman?” Nahalata niya agad ang kaba at pagkabalisa sa pagsasalita nito na nagpalala sa pagdududa n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD