Under the scorching heat of the sun, my eyes accidentally caught an old cabin so I suggested to go there. Hindi naman siya kalayuan ngunit maaari kang pagpasiwan sa paglalakad dahil sa sobrang init. Pumasok kami roon kahit na sobrang maalikabok ang paligid. Matanda man ito sa kanyang panlabas na anyo, ang loob ay tila hindi nasira ng panahon. Madilim ang loob ngunit tanaw ang iba sa mga kasangkapan na naroon dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa butas ng maliit na pahingahang ito. May mga iba't ibang bagay rin na wari ko'y nananatili pa rin sa panahon ngayon. Isang nangangalawang na lumang bisikleta ang matatanaw sa aking kanan, sopa na yari sa kawayan, at isang kwadradong telebisyon na may matambok na likod at antenna sa ibabaw. Sa kaliwa ko naman, kung saan naroon sina Vien at Ro

