Theodore's POV "D*mn it! dapat ako ang naghatid sa kanila kung hindi lang dahil sa l*ntek na trabahong 'to!" Pagkatapos nang meeting kanina ay halos liparin ko na ang distansya ng pintuan para makaalis. Hindi ko naman kasi inasahan na biglang magtatawag ng meeting ang isa sa mga business partner ko. Umasa pa naman ako na ako ang maghahatid kina Jennifer at sa mga kambal dahil ito ang unang araw nilang pumasok sa mismong eskwelahan. Ngayon ay kasalukuyan akong nasa byahe at sobrang bilis nang pagpapatakbo ko ng kotse dahil gusto ko silang maabutan sa school. I don't want to miss my children's first day of school. Baka iyon pa ang unang beses na magtampo sila sa akin, mahirap pa namang suyuin ang mga batang iyon so I have to do something.. Mabuti na lang din at nakisama sa akin ang

