Jennifer Dellosa's POV Kusang namulat ang aking mga mata dahil sa biglaang paggalaw ng kung sino sa tabi ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Suzuine, pilit na isinisiksik ang kanyang katawan sa akin. Kahit antok na antok pa ako ay pinilit kong bumangon mag bahagya upang silipin ang kanyang mukha. "Hey," mahina kong sambit, hinawakan ko ang kanyang balikat upang iharap siya sa akin. "Hindi ka makatulog sa kwarto mo?" Hindi siya sumagot, bagkus ay nag-pout lang ay bigla siyang humarap sa akin sabay yumakap sa aking bewang. "Okay, Suzuine. Pwede kang matulog sa tabi ko," nakangiti kong saad. Bumalik ako sa aking pagkakahiga at niyakap siya pabalik. Aminado akong masarap matulog kapag ikaw lang mag-isa ang nakahiga sa kama. Pero iba pa din talaga kapag ganito, magaan ay masarap sa pa

