Theodore's POV "Umalis na siya," mahinang bulong sa akin ni Cheska at saka ko lamang hinayaan ang sarili kong lingunin ang direksyon kung saan niya nakita si Jennifer. At gaya ng sinabi niya ay umalis na nga ito. Tanging anino na lamang niya ang nakita ko at umaakyat sa hagdan. "Isn't she the babysitter of your kids?" muling tanong niya sa akin. Tipid akong tumango at ininom ang alak na nasa loob ng babasaging baso. Cheska was my friend, a close one at siya rin ang nakaisip na gawin naming ang eksenang iyon nang nakita niya si Jennifer na nakasilip sa amin dito sa garden. Wala naman talaga akong balak na gawin iyon, but I wanted to prove something. Gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon niya sa uras na makita niya akong malapit sa ibang babae. Hindi ko lang matiyak kong

