Jennifer Dellosa's POV Matapos ang naging sagutan namin ni Sir Theodore ay hindi na kami kailanman nag-usap pa. Sa t'wing magkasalubong kami sa bahay ay siya ang umiiwas at wala naman akong ginagawa kundi ang hayaan siya. Bukod sa naging abala siya sa kanyang kumpanya ay naging abala din ako sa pag-aalaga sa dalawang kambal. Magdadalawang buwan na rin kasi mula nang pumasok na sila sa school, mas natutok pa sa kanilang dalawa ang aking atensyon kaya halos hindi ko na napapansin si Sir. Kung tutuusin ay mas maganda na rin iyon. Para mas makapag-focus siya sa trabaho niya at sa mga anak niya. Hindi 'yong hinahati niya pa ang kanyang atensyon tungkol sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. "Jen! pasuyo naman ng asin!" rinig kong sigaw ni Teresa mula sa labas. Agad ko naman iyong kinu

