Jennifer Dellosa's POV Nakahawak ako sa railings ng yate.. Ilang oras na rin ang nakalipas ng bumyahe kami ni Theodore. Hindi ko na naisama sa bilang ang byahe gamit ang kanyang kotse nang pumunta kami ng pantalan kung saan naghihintay ang kanyang uate. Habang dahan-dahang hinihiwa ng yate ang dagat ay hinahayaan ko rin ang hangin na salubungin ang mukha ko. At liparin ang iilang hibla ng aking buhok. The sea stretched endlessly before us, deep blue, calm, almost unreal... na kahit kanina pa ako nakatingin sa malawak at kalmadong dagat ay hindi pa din ako makapaniwala sa aking nakikita. Lalong-lalo pa na nandito ako ngayon at kasama si Theodore. “Malapit na,” sabi ni Theodore sa tabi ko, his voice steady.. as always. Tumango ako at tipid siyang nilingon. Pilit akong ngumiti sa kan

