Jennifer Dellosa’s POV Nagising ako sa malamlam na liwanag na sumisilip mula sa pagitan ng kurtina. Mabigat ang talukap ng mga mata ko. Mas mabigat ang katawan ko—parang dinapuan ng pagod at init na hindi pa rin tuluyang nawawala kahit tapos na ang gabi.Pero ang unang bagay na napansin ko… Wala na siya sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama, nagsalubong pa ang kilay habang pabaling-baling sa paligid. Ang espasyo sa tabi ko ay malamig na. Maayos na rin ang kumot, parang matagal na siyang bumangon. Napalunok ako at muling napatingin sa bawat sulok ng kwarto niya, pero wala talagang bakas ni Theodore. Wala ang damit niyang suot kagabi. Wala kahit ang amoy niyang karaniwang nananatili sa hangin at lagi kong naaamoy sa kanya. "Maaga siguro siyang bumangon," sa isipan ko

