WARNING: Mature Content 🔞 Jennifer Dellosa's POV "Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Theodore sa mababang boses. Ngumiti ako habang maingat na isinara ang pintuan ng kwarto ng mga bata. Pagkatapos ay dahan-dahan akong humarap sa kanya. "Oo naman. Nag-enjoy ako, pero mukang mas nag-enjoy ang kambal." Sagot ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at nakatitig lamang sa akin. Tuloy ay hindi ko napigilang mapalunok nang sunod-sunod habang nakikipagtitigan sa kanya. Nakasandal na ako pinto. Nakatingala pa rin sa kanya na ngayon ay palapit nang palapit sa akin ang mukha. "Puwede ko na bang makuha ang reward ko?" biglang bulalas niya. Mababa at nakakapanindig balahibo ang kanyang boses. Kumunot ang aking noo at hindi ko napigilang iwasan ang kanyang tingin. Nakakailang kasi dahil kay may nang

