Jennifer Dellosa's POV "Dahil wala kayong pasok ngayon... puwede kayong mag pool!" excited kong wika sa kambal. Ang kaninang madilim at seryoso nilang mukha ay agad na nagliwanag dahil sa sinabi ko. At ilang segundo nga lang ay nagsimula silang tumakbo papalapit sa pool at kahit anong sigaw ko ay hindi sila huminto. "Mga batang 'to talaga," bulong ko at napakamot sa aking ulo. Kasalanan ko rin naman. Masyado kasi akong oa kung magsalita. Hindi pa sinabi lahat kaya ayon... nasa pool na silang dalawa. "Hey," baritong boses ni Sir Theodore. Paglingon ko sa pinanggalingan niyon ay bumungad ang nakangiting Theodore sa aking harapan. Sobrang laki ng ngiti na para bang nanalo siya sa lotto kagabi. "Akala ko po ba ay may pasok kayo ngayo--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko sa labis

