Mari’s pov NAPATINGIN siya kay Madi nang marinig niya ang putok ng baril. Kaagad niyang niyakap ang kanyang Mama Teresa. Hindi siya maaaring magkamali. Putok ng baril ang kanyang narinig. Nasundan pa iyon ng maraming putok at papalapit ng papalapit sa kanila. Mabuti na lamang at hindi siya nag-aalis ng baril sa kanyang katawan. Inangat niya ang kanyang gown at kinuha ang nakatago niyang baril. Kaagad niya iyong ikinasa. “Ma! Pumasok kayo sa loob!” sigaw ni Madizon. Nataranta silang lahat pero kailangan niyang maging alerto at sa kanilang lahat ay siya lang ang may baril. Mabilis na pumasok sa loob ng silid si Joaquin upang kumuha ng baril at ganoon din naman ang ginawa ni Madizon. Si Gab ay nasa tabi niya at may hawak din baril. Kaagad niyang inalis ang suot na sapatos at isinuot ang be

