Madi’s pov Wedding day. SABAY silang nagbihis ng kanyang Ate Mari nang damit pangkasal. Kasama din nila sa silid ang kanilang Mama Teresa. Si Anna naman ang nag-ayos sa kanila. Hindi lamang siya masaya para sa sarili kundi ay masaya na rin siya para sa kanyang Ate Mari. Alam niyang magiging masaya ito sa piling Dominic. Saksi siya kung gaano kamahal ni Dominic ang kanyang kapatid at masasabi niyang kilala niya rin ang lalaki. Kung alam niya lang noon na si Rica ang kanyang Ate Mari ay baka noon niya pa tinulak na magpakasal ang mga ito pero sabi nga ay may tamang oras para sa lahat ng bagay at sa tingin niya ay ito na ang araw na iyon. The perfect time for all of them. Hindi niya mapigilang hindi humanga nang makita niya ang suot na wedding gown ng kanyang kapatid. Bagay na bagay sa Ate

