Dominic’s pov HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Hindi lamang ang pangarap ni Madi ang kanyang tinupad kundi pati na rin ang pangarap ni Mari. Ang pagkakataon na rin mismo ang gumawa ng paraan upang makilala niya ang babaeng minamahal niya. Hindi niya magawang magalit kay Mari dahil hindi nito pagsabi ng totoo. Maging kay Madizon ay wala rin siyang makapang galit. Nagsinungaling din ito sa kanya dahil ang alam niya ay patay na ang kapatid nito hanggang sa natuklasan niya na ang kapatid pala nitong si Mari ay walang iba kundi si Rica. Maging siya ay hindi niya napigilan ang maiyak sa nasaksihang nakakakilabot na rebelasyon. Ang sakit na nadarama ni Mari ay damang-dama niya lalo na ang pagkawalay sa magulang. Nagsalin siya ng alak sa baso at tinungga iyon.

