Mari’s pov KAPAG TADHANA nga naman ang magbiro. Hindi niya akalain na sa paghabol niya sa kanyang ina ay makikita niya si Madizon na kasama nito. Ang kasal pala na gaganapin sa resort ni Dominic ay kasal ng kanyang kapatid. Kung hindi niya pa nakita ang ina ay hindi niya malalaman ang lahat. Nang una ay nagdalawang-isip pa siya kung magpapakita siya sa kanyang kapatid at ina pero nangibabaw ang pangungulila niya sa kanyang Mama Teresa. Nang makita niya ito ay nawala ang lahat ng kanyang hinanakit. Isa lang ang gusto niyang gawin. Ang yakapin ito ng mahigit na mahigpit. “Gusto ko sanang makilala niyo ang kapatid niyo,” wika ng kanilang ina. Hindi niya napansin ang binatilyo na nasa isang sulok at katabi ni Aling Rosa. “Siya si Matthew. Ang anak namin ni Glenn,” dagdag pang wika ng kanila

