Mari’s pov HINDI MAPIGILAN hindi magduda ni Mari sa pagkatao ni Joaquin. Kanina pa siya nakamasid kay Joaquin at sa lalaking kasama nito na walang iba kundi si General Vince Angeles. Ang taong utak ng sindikato. Ang taong gusto niya patayin at pagbayarin sa lahat ng kanyang sinapit. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang manibela habang nakamasid sa mga ito. Sa tingin niya ay hindi lang basta katrabaho ang trato ni Joaquin kay General Angeles. Mukhang mas mahigit pa roon ang kanilang ugnayan. Bumaba siya ng kanyang sasakyan nang makitang lumabas ng restaurant si Joaquin at si General Angeles. Naghiwalay ang mga ito at pumunta sa kanya-kanyang sasakyan. Gusto niyang magpakita kay Joaquin kaya nagmamadali siya upang maabutan ito. Gusto niyang malaman ang totoong ugnayan nito kay Gener

