Joaquin’s pov KANINA pa siya nakatingin kay Madi. Wala pa rin itong kibo pagkatapos niyang aminin ang mga nangyari. Lahat ng nangyari ay sinabi niya rito. Wala siyang inilihim sa babae. Hindi man siya sigurado na ang ama niya ang nagtangka sa buhay nito pero sinabi niya pa rin kay Madizon na posibleng ang ama niya ang may gawa. “Madi,” ginagap niya ang kamay ni Madi. Tumingin sa kanya si Madi. “Sa tingin mo ba ay hawak ng Papa mo si Mama?” tanong ni Madi sa kanya. Napatingin siya sa kanyang Mama Wilma na nasa harapan lamang nila. “Bago nawala si Mama ay kasama niya si Tito Clinton. Siya ang huling kasama,” wika pa ni Madi sa kanya. “Hindi ko masasabing si Glenn nga kumuha kay Teresa pero hindi ko inaalis ang posibilidad na may alam si Glenn. Alam ko kung gaano kamahal ni Glenn ang Mam

