Glenn’s pov TATLONG GABI na siyang hindi mapalagay simula nang matuklasan niya na tumakas si Teresa at Matthew. Hindi pwedeng mawala sa kanya si Teresa. Hindi pwede! Kung kinakailangan niyang halughugin niya ang kasuk-sulukan ng Subic ay gagawin niya makita niya lamang ang kanyang mag-ina. Mahal na mahal niya si Teresa. Noon pa man at hanggang ngayon. Wala siyang ibang babae na minahal maliban dito. Sa labis na galit ay binato niya ang hawak niyang wine glass. Nagkalat ang bubog sa kanilang silid. Hindi niya akalain na makukuha ni Matthew ang kanyang tools sa kotse at iyon ang ginamit nito upang makatakas sa kanya. “Angeles?” wika niya nang tawagan niya si Vince Angeles. “May balita na ba?” tanong niya sa kabilang linya. “May mga tao na akong kinuha upang magbantay kay Ms. Clemente

