INAKI'S POV Pagkatapos naming mag-usap ni Kanji ay naabutan pa ako ni Miro. Tatakbuhan ko na sana siya ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko. "Let me go Miro," inis kong sabi sa kaniya kahit na ang totoo ay ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa pagkakalapit naming dalawa masyado. Sa halip na bitawan ako ay tinanong niya ako ng isang tanong na hindi ko inaasahang manggagaling sa kaniya. "Inaki, please be honest. May relasyon ba kayo ni Kanji?" Napakaseryoso ni Miro at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong isagot. Mabilis lang namang sabihin na wala kaming relasyon ngunit hindi ko magawang sambitin ang mga salita.. "Inaki, please answer my question," nagmamakaawang sabi pa ni Miro. Mapakla akong napangiti. Nakakapagtaka na pinipilit ako

