AKIRA’S POV Dahil sa sobrang pag-iinom ko kagabi ay hapon na ako lumabas ng kwarto ko dahil nagugutom na ako. Halos maghapon lang akong tulog at medyo umayos-ayos naman na ang pakiramdam ko. Pasalamat na lang ako dahil pumasok si Shin kaya walang nanggulo sa akin. Paglabas ko ng kwarto ko ay bumungad sa akin ang ilang bodyguard ko na nagkalat sa buong mansion. Nang makita nila ako ay daig pa nila ang nakakita ng multo. Lahat sila ay nag-iwas ng tingin kaya bigla akong nakaramdam ng guilt. Alam ko naman kasing maling mali talaga ang ginawa ko ngunit wala naman akong pinagsisisihan. “Guys, can I talk to all of you?” malakas kong tanong na alam kong rinig ng sampu kong bodyguard. Sabay sabay naman silang tumango sa akin kaya humakbang na ako patungo sa kusina ko. Pagkarating ko doon ay m

