9

2044 Words
AKIRA’S POV “Shin, bilisan mo. Baka mahirapan tayong maghanap ng jeep,” sigaw ko kay Shin. Nagmamadali na akong kuhanin ang mga gamit ko habang siya ay naman ay nasa kwarto pa niya. Maya-maya pa ay lumabas na siya ng kwarto niya. Bihis na rin siya kaya lumabas na ako ng unit. Medyo tinanghali kami ng gising kasi marami pa kaming napag-usapan kagabi. Kaya heto, nagmamadali na kami dahil baka wala na kaming masakyang jeep. Hindi na nga rin nakapag-almusal si Shin dahil tanghali na. Kasalukuyang nasa elevator kami nang magsalita siya. “Hindi na natin kailangan magjeep Akira,” seryosong sabi niya. “What do you mean?” nagtatakang tanong ko naman. “Tumawag ako kay Tita kahapon at nag-request ako na ihatid sundo tayo ni Tatay Damian,” sagot naman niya sa akin. “Ano? Sandali, anong karapatan mong mag-request ng ganyan kay Mommy? Hindi mo man lang ako tinanong,” inis kong sabi sa kaniya. “Dahil alam kong hindi ka papayag,” mabilis na sagot naman niya. "Hindi talaga ako papayag Shin,” halos maiyak-iyak kong sabi. “Exactly. Kaya nga hindi ko sinabi sa 'yo,” seryosong sabi naman niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga upang pakalmahin ang sarili ko. Tumingin ako ng deretso kay Shin. “Shin, alam mo ang sikreto ko sa school.” “Mas mahalaga pa ba iyon kaysa sa kaligtasan mo? Hindi sa lahat ng oras, kaya kitang protektahan. Hindi sa lahat ng oras, nasa tabi mo ako,” seryosong sabi sa akin ni Shin. “Hindi mo obligasyon na protektahan ako. Now what? Paniguradong magtataka ang mga estudyante sa academy kapag nakita nilang bumaba ako sa sasakyan.” Masyado nang sineseryoso ni Shin ang pagprotekta niya sa akin at hindi na ako natutuwa. Unti-unti niyang sinisira ang tahimik kong buhay. “Bakit? Ikaw lang naman ang mahirap sa ating dalawa,” makahulugan niyang sabi sa akin. “Ano?” naguguluhan ko namang tanong. “Mayaman ako at boyfriend mo ako. So normal lang naman siguro na isabay kita sa pagpasok at sa pag-uwi 'di ba?” nakangisi niyang sabi. “So nasa isip mo na ito the moment na kinausap mo ang Mommy ko?” galit kong tanong sa kaniya. “Iyon lang ang nakikita kong paraan para protektahan ka at ang sikreto mo,” seryoso naman niyang sagot sa akin. “Paano mo ipapaliwanag kay Inaki iyan? At para sabihin ko sa ‘yo, panandalian ka lang dito. So hindi mo ako kayang protektahan at all,” mataray kong sabi sa kaniya. Ayokong dumating sa puntong ako pa ang sisihin ni Shin kapag lalong hindi sumama sa kaniya si Inaki. Baka mamaya ay ako pa ang maging dahilan para lalo silang hindi magkatuluyan. “Well, at least habang nandito ako, mapoprotektahan kita,” casual naman niyang sabi sa akin. “Alam mo bang mas lalo mo lang paguguluhin ang lahat. Sasabihin mo sa kanila na boyfriend kita na mas lalong ikakagalit ng mga babae sa school. At pagkatapos na makumbinsi mo si Inaki, aalis ka na rin sa school na iyon. Ano na lang mangyayari sa akin? Naprotektahan mo nga ako pero sa oras na aalis ka na, mas malaking panganib na ang ibinigay mo sa akin.” Sa oras na mapaniwala niya ang lahat na boyfriend ko nga siya, paniguradong lahat ng babae ay lalong magagalit sa akin. At kapag umalis na si Shin, paniguradong hindi magdadalawang isip ang mga babaeng iyon na saktan ako. “So anong gusto mo, na hindi na rin ako umalis?” seryosong tanong niya sa akin. Medyo natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi naman iyon ang gusto kong iparating sa kaniya. Pero bakit ang interpretation niya ay ayaw ko siyang umalis at bumalik sa mundo nila? May pagka-slow din talaga minsan itong si Shin. “Ang sinasabi ko, huwag kang masyadong maging malapit sa akin dahil at the end of the day, iiwan mo lang din ako,” deretsong sabi ko sa kaniya. Pagkasabi ko noon ay saktong bumukas ang elevator. Agad akong sumakay sa sasakyang nakaparada sa harap dahil alam ko namang kotse namin iyon at si Tatay Damian ang nagmamaneho no’n. “Good morning Akira,” masayang bati ni Tatay Damian. “Good morning Tatay Damian,” bati ko rin sa kaniya. Pagkasakay ni Shin ay hindi na ulit ako nagsalita. Naba-badtrip ako sa kaniya. Mas mabuti pa ata na nanatili akong malayo at cold sa kaniya kaysa sa ganito. Nakakainis. Pakiramdam ko ay unti-unti niyang nako-kontrol ang buhay ko. Nakita ko pa ang pagsilip sa amin ni Tatay Damian pero hindi na lang ako nagsalita. Alam din kasi ni Tatay Damian na aloof ako sa ibang tao. At marahil ay iniisip niya kung ayos lang ako at kung magkasundo ba kami nitong si Shin. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa school. Maraming estudyante pa ang nakatambay sa labas kaya panigurado, madami ring makakakita sa akin na bababa ako sa sasakyang ito. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses akong nagpakawala ng buntong hininga. Ang lakas ng t***k ng puso ko at nanlalamig na ang mga kamay ko. Nauna nang bumaba si Shin. Ipinikit ko sandali ang mga mata ko at huminga ng malalim. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ngunit naunahan na ako ni Shin. Muntik pang magkabungguan ang mga mukha namin dahil sumilip pa siya sa akin. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko at namamawis na ang mga kamay ko. “Wear your emotionless face. Tara na sa classroom dahil baka ma-late pa tayo,” seryosong sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ako pagbaba. Agad kong binawi sa kaniya ang kamay ko dahil lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin. Nakakahiya pati sa kaniya dahil basa ng pawis ang kamay ko. At isa pa, hindi ako sanay na may humahawak sa kamay ko. “Totoo nga? Boyfriend siya ni Kanji?” “Paano niya nabilog ang ulo ni Kanji?” “I can’t believe this!” “For sure, yaman lang ang habol niya kay Kanji.” “Gold digger.” Ilan lang iyan sa mga narinig ko na hindi ko na lang pinansin. Mukhang nasanay na lang din si Shin sa mga naririnig niya dahil hindi na siya nag-react pa. Ewan ko rin ba sa mga estudyante dito, ang hilig nilang magbulungan pero rinig na rinig ko naman. At ang hilig nilang mag-komento sa buhay ko kahit hindi naman nila alam kung sino talaga ako. Sabay na kaming pumasok sa Academy ni Shin pero natigilan kami pareho dahil nakita ko si Inaki, naglalakad siya sa may hallway. Mukhang kagagaling lang niya sa classroom namin. Tiningnan ko si Shin. Base sa reaksyon niya, mukhang si Inaki nga ang tinutukoy niyang first love niya. Nakatitig siya kay Inaki at nanginginig ang mga kamay niya. “May 15 minutes ka pa para makausap siya Shin,” seryosong sabi ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin. Confusion were written all over his face. “Oras ang kalaban mo rito Shin. Kailangan mo na siyang makausap 'di ba?” dugtong na sabi ko pa. “Pero paano ka?” alanganin niyang tanong sa akin. “Okay lang ako.” Nginitian ko siya. Okay lang naman talaga ako. Sanay na ako sa mga mapanghusgang mata ng mga estudyante ng Academy. Tumango naman siya sa akin at tumakbo na para habulin si Inaki. Habang ako naman ay poker face na naglakad papuntang classroom. Hindi pa man ako nakakalapit sa classroom ay natalapid ako at dere-deretso na bumagsak sa hallway. Sa lakas ng pagkabagsak ko ay ramdam kong nasugatan ang mga tuhod ko. Pinilit kong tumayo kahit na sobrang sakit ng tuhod ko. Naririnig ko pa ang mahihinang tawanan ng mga estudyanteng nakapaligid sa akin. Huminga ako ng malalim at nag-umpisa na ulit maglakad. Tiniis ko na lang iyong hapdi ng sugat ko. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko pero sa kasamaang palad, dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko nakita ang lubid na nakaharang sa may hallway. Kaya sa pangalawang pagkakataon ay natalapid na naman ako. Pumikit ako at hinintay na lang ang muling pagbagsak ko pero hindi sa hallway ako bumagsak. Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita si Shin na mababakas sa mukha ang sobrang pag-aalala. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya agad akong umayos ng pagtayo. “Akala ko ba okay ka lang?” nakangiti niyang sabi sa akin. “Si Inaki? Nakausap mo na ba siya?” Sa halip na sagutin ang tanong niya ay tinanong ko rin siya. Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko. Walang kahirap hirap na binuhat ako ni Shin. Nakita ko pa ang ilang babae na halos sugurin na ako sa sobrang galit nila. Dinala ako ni Shin sa classroom namin. Iniupo niya ako sa upuan ko pagkatapos ay pumunta siya sa may first aid kit. “Hindi na kita pwedeng dalhin sa clinic dahil male-late tayo. Hindi rin pwedeng pagalingin ko iyan dahil makikita nila. Ito na lang muna,” mahinang sabi niya sa akin. May hawak siyang betadine at bulak. Dinampian niya ng betadine ang sugat ko sa tuhod. May short naman ako sa ilalim ng palda ko kaya okay lang. "Nakausap mo ba si Inaki?" pag-ulit ko sa tanong ko kanina. "Hindi. Hindi pa siguro ito ang tamang oras para kausapin siya," plain niyang sagot sa akin. "Pagkakataon na 'yon Shin," nanghihinayang kong sabi sa kaniya. Kitang kita ko kasi sa mga mata ni Shin ang pagkasabik nang makita niya si Inaki. Sa tingin ko ay matagal na niyang hinihintay ang pagkakataon na makita at makausap ulit ang mahal niya. "Pero nakita ko kung paano ka nila saktan Akira. May ibang pagkakataon pa para makausap si Inaki." Walang bakas ng panghihinayang o lungkot sa boses ni Shin. Pero nakaramdam ako ng konsensya. "I'm sorry,” seryosong sabi ko sa kaniya. "Don't be," nakangiti niyang sabi sa akin. Pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit hindi niya hinabol si Inaki. Siguro kung hindi ako natalapid, baka nag-uusap na sila ngayon at baka nakumbinsi na niya si Inaki na sumama sa kaniya pabalik sa lahi nila. Tapos na sana ang misyon niya dito. “And by the way, maganda ka Akira kapag nakangiti.” Hindi ko na nagawa pang makapagsalita dahil dumating na ang teacher namin. Mabuti na lang din iyon dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin o kung anong ire-react sa sinabi ni Shin. I’m totally speechless. MIRO’S POV Maaga akong pumasok kaya nakatambay muna ako dito sa may gate ng Academy. Nag-uusap usap lang kami nina Richard at Leo nang biglang may humintong itim na kotse sa harap ng Academy. Hindi pamilyar ang kotseng iyon hanggang sa bumaba ang transferee na si Kanji Shin. Pinagmasdan ko lang ang bawat kilos ng lalaking iyon. Binuksan niya ang kabilang pinto ng kotse at inalalayan niyang bumaba si Akira na ikinakunot ko ng noo ko. “So it’s true,” komento ni Richard na nakatingin din pala sa mga bagong dating. Gusto kong iiwas ang mga tingin ko sa dalawa pero napako ang tingin ko kay Akira. Nag-uusap silang dalawa hanggang sa mapatigil sila sa paglalakad. Hindi pa sila lubusang nakakapasok sa Academy kaya kitang kita ko kung paanong nginitian ni Akira si Kanji, 'yong ngiting iyon na ngayon ko lang nakita, 'yong ngiting ni minsan ay hindi niya pinakita sa iba. Ilang saglit pa ay umalis si Kanji at iniwan si Akira. Pinanood ko kung paano siya talapidin ng kaklase namin. Alam kong nasaktan siya sa pagkakabagsak niyang iyon pero ipinagsawalang bahala niya lang iyon at nagsimula uling maglakad. Hindi ko alam kung bulag ba siya o hindi niya talaga nakita ang lubid na nakaharang sa may hallway. Para sa kaniya talaga ang lubid na iyon at hindi ko inaasahan na hindi niya makikita iyon. Natalapid ulit siya pero bago siya bumagsak ulit ay nasalo na siya ni Kanji na hindi ko alam kung saan nanggaling. At sa pagkakataong iyon ay iniiwas ko na ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ayoko nang makita pa iyon dahil may kung anong nararamdaman ako na hindi ko maipaliwanag. Naiinis ako at biglang uminit ang ulo ko. Ang sakit sa mata ng mga nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD