10

2092 Words
KANJI SHIN’S POV Nandito ako ngayon sa cafeteria. Mag-isa lang ako dahil pinatawag ng principal si Akira. Pagkatapos kasi ng Morning Class ay agad siyang pinaderetso doon dahil mahalaga raw ang pag-uusapan. Marahil ay nakarating sa principal ang nangyari kanina. Nakausap na kasi ako ng principal at inamin niya sa akin na pinagtatakpan niya rin si Akira dahil nakiusap ito sa kaniya. Alam kasi ni Sir June na anak ako ng kaibigan ng mga magulang ni Akira kaya inamin na rin niya sa akin ang lahat. Wala naman daw siyang magawa dahil matinding pakikiusap ang ginawa ni Akira para lamang maitago ang tunay niyang pagkatao. Tiningnan ko ang mga pagkain dito sa cafeteria pero wala akong nakitang pwedeng kainin. Mayroon namang gulay pero pakiramdam ko ay hindi masarap. Hindi naman sa nanghuhusga ako pero hindi ako masyadong kumakain ng gulay na hindi ako ang nagluto. Hindi rin ako masyadong komportable dahil halos lahat ng babae rito ay nakatingin sa akin. Hindi pa naman ako sanay na maging center of attraction. Sabi rin ni Akira ay dito lagi kumakain sina Inaki at Miro. Pero nilibot ko na ang paningin ko sa buong cafeteria ay wala naman sila. Lumabas na lang ako at tumambay sa may garden. Malapit ito sa Principal’s Office para makita ako agad ni Akira pagkalabas niya. Kung bakit ba naman kasi oras ng tanghalian pa napiling kausapin si Akira ng principal. Pwede namang during class hours or mamaya na pag uwian na. “Kanji Shin.” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Naglalakad palapit sa akin si Miro at hindi niya kasama si Inaki. Baka nakarating na rin kay Inaki na ako ang transferee kaya iniiwasan niya ako. Pero alam kong magtatagpo pa rin ang landas namin dahil maliit lang ang school na ito. “Kung hinahanap mo si Akira, nandoon siya sa loob ng Principal’s Office,” ang tanging sinabi ko na lang kay Miro. “Hindi siya ang hinahanap ko kung hindi ikaw Kanji,” seryosong sabi naman niya sa akin. “Bakit? Anong kailangan mo?” walang ganang tanong ko sa kaniya. Wala akong balak na makipag-usap sa kaniya dahil siya ang dahilan kung bakit laging binu-bully si Akira at paniguradong siya rin ang dahilan kung bakit ayaw nang bumalik sa amin ni Inaki. “Ako dapat ang nagtatanong sa ‘yo niyan Kanji. Anong kailangan mo kay Akira?” tanong naman niya sa akin. “What do you mean? Hindi ko maintindihan,” nakangiti kong sabi sa kaniya. “Pinaglalaruan mo lang ba siya?” naiinis niyang tanong sa akin. Tiningnan ko ang galit na si Miro. Why all of a sudden ay bigla niyang itatanong sa akin kung pinaglalaruan ko lang ba si Akira? Something’s off. At hindi ako manhid para hindi maramdaman iyon. “Ano naman sa ‘yo kung pinaglalaruan ko lang siya?” nakangising tanong ko naman sa kaniya. Napakuyom ng kamao si Miro. At hindi ko napigilan ang magsalita ulit. “Bakit parang nagagalit ka? Nagagalit ka ba dahil hindi lang ikaw ang may kayang paglaruan siya?” nang-aasar kong sabi sa kaniya. Bigla akong sinuntok ni Miro. Malakas ang pagkakasuntok niya dahil ramdam ko ang sakit sa kanang pisngi ko. Gusto ko mang gantihan siya pero alam kong mas lalaki lang ang g**o. At isa pa, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na gamitan siya ng lakas ng isang Nine Tailed Fox. Sinusubukan ko lang naman ang temper niya ngunit hindi ko alam na ganito pala siya. “Layuan mo si Akira. Binabalaan kita,” galit na galit na sabi niya sa akin. “Nakakatawa ka pare. Ikaw ang numero unong nanti-trip sa kaniya. Hindi ba dapat natutuwa ka dahil may katuwang ka na sa pangti-trip sa kaniya? Or baka naman ayaw mo ng may kahati? Gusto mo bang ikaw lang ang nanti-trip sa kaniya? Medyo selfish iyon pare. Kung ayaw mong paglaruan ko siya, edi sabihin mo sa kaniya ang totoo. Hindi ko naman na kasi kasalanan kung nagpauto siya sa akin ‘di ba?” mayabang ko pang sabi. Nginitian ko siya bago ako tumalikod sa kaniya. Hindi ko naman na narinig na nagsalita pa siya o ano. Muli akong lumingon sa kaniya pero wala na siya. Napangiti na lang ako. Hindi ko ine-expect na ito ang magiging reaksyon niya sa mga sinabi ko. Ang kumplikado rin pala ng mga tao. At hindi nila alam kung paano iha-handle ang mga nararamdaman nila. AKIRA’S POV “Tito,” alanganin kong pagtawag kay Tito June. Nandito ako ngayon sa Principal’s office dahil gusto raw akong makausap ni Tito. Seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako sa mga sasabihin niya. Alam na alam ko na kung bakit niya ako pinatawag. Paniguradong nakarating sa kaniya ang nangyari kaninang umaga. “Nakarating sa akin ang nangyari sa iyo kaninang umaga. I’m sorry hija, pero kailangan na itong matigil. Kailangan nang malaman ng lahat kung sino ka para matigil na ang p*******t nila sa 'yo," seryosong sabi niya. I knew it. Pinapatawag lang naman niya ako kapag may mga ganitong insidente na nakakarating sa kaniya. Ngunit nagulat ako sa sinabi niyang kailangan ko nang ibulgar ang tunay kong pagkatao. “Tito naman. Please naman po,” pakiusap ko sa kaniya. “Alam mo ba kung gaano ako nakokonsensiya sa tuwing nalalaman ko ang ginagawa nila sa 'yo. Akira, ikaw ang may-ari ng school na ito. Hindi mo dapat dinadanas ang ganito. At paano kung malaman ng mga magulang mo ang totoo? Alam mo kung gaano sila masasaktan kapag nalaman nila ito. Parang anak na rin kita Akira, kung pwede nga lang na i-expel ang lahat ng sangkot sa insidente kanina, ginawa ko na,” seryosong sabi niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Naiintindihan ko naman ang gustong ipunto ni Tito. Pero sa ngayon kasi, hindi ko pa kayang sabihin sa lahat ang totoo. O baka nga hindi na ako magiging handa pa. Itinago rin naman ako sa publiko nina Mommy so bakit ko ipangangalandakan sa school na ito na ako ang anak nila? Narinig kong bumuntong hininga si Tito June na siyang ikanatingin ko sa kaniya. “Alam na alam mo talaga kung paano ako mapapapayag sa mga gusto mo ano,” iiling iling na sabi niya. “Tito, promise po, sasabihin ko sa kanila ang totoo pero not now. Hindi pa ako handa Tito.” “Hala sige. Wala naman akong magagawa. Ikaw pa rin naman ang nagmamay-ari ng school na ito. Ikaw pa rin ang dapat na masunod,” sabi naman niya. “Tito naman.” “Lagi kang mag-iingat Akira. At sa oras na malaman ito ng mga magulang mo, I'm sorry to say, hindi kita maipapagtanggol sa kanila." “I know po. Thank you Tito.” Niyakap ko si Tito June sa sobrang tuwa ko. Si Tito June na rin kasi ang halos nakasubaybay sa paglaki ko lalo na at laging busy sina Mommy at Daddy. Siya na ang tumayong pangalawang ama ko. At every time na gusto na niyang sabihin sa lahat ang tunay kong pagkatao, nakikiusap ako sa kaniya at wala na siyang magawa kung hindi ang pagbigyan ako. “Nasugatan ka ba?” may pag-aalalang tanong pa sa akin ni Tito. “Huwag po kayong mag-alala Tito. Malayo naman po ito sa bituka,” nakangiting sabi ko sa kaniya. Isa si Tito June sa pinagkakatiwalaan ko at pinakikitaan ko ng mga emosyon ko. Kung wala nga siguro siya sa school na ito, baka hindi ako nakatagal sa lugar na ito. Masaya akong lumabas ng office at natanaw si Shin na nakaupo sa may garden. Nag-poker face ako at agad ko siyang nilapitan. “Buti naman at nandito ka na,” nakasimangot niyang sabi sa akin. “Bakit?” seryosong tanong ko naman. “Gutom na ako. Wala akong mabiling pagkain sa cafeteria,” parang batang sabi niya sa akin. Nakalimutan ko palang ibigay sa kaniya ang pagkain niya. Naalala ko kasi na walang masyadong gulay sa cafeteria kaya nag-decide ako na ipagbaon siya ng pagkain niya. Binuksan ko ang bag ko at kinuha doon ang sayote at carrots na nasa baunan. “Nakalimutan kong ibigay sa 'yo kanina. Pasensiya na,” seryosong sabi ko sa kaniya habang iniaabot sa kaniya ang dala ko. “Wow, napakamaalaga naman talaga ng girlfriend ko,” nakangiti niyang sabi sa akin. “Tigilan mo nga ako. Baka gusto mong bawiin ko 'yang pagkain mo,” may pagbabantang sabi ko naman. “Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Teka, ikaw anong kakainin mo?” tanong naman niya sa akin. “Busog pa ako,” maiksing sabi ko naman. “Busog? Hindi ka naman nag-almusal kanina,” seryosong sabi naman niya sa akin. Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Wala pa akong ganang kumain. Kumain ka na lang diyan." "Kaya ang payat mo, hindi ka kumakain. Isusumbong kita kay Tita,” pananakot pa niya. Napairap naman ako. Ang daldal talaga ng Shin na ito. "Ang dami mong sinasabi. Akin na nga 'yan." Akmang kukunin ko ang baunan kay Shin pero inilayo niya ito. Hindi na rin siya nagsalita dahil inumpisahan na niyang kainin ang pagkain niya. Pinagmasdan ko na lang siyang kumain nang mapansin kong parang namamaga ang kanang pisngi niya. Hindi pa ko nakontento sa pagtingin, pinindot ko pa ito ng daliri ko. “Ouch!” daing ni Shin. “Napaano 'yan?” kunot noong tanong ko sa kaniya. Saglit lang akong nawala at ganito na agad ang nangyari sa kaniya. “Kinausap ako ni Miro. Medyo napikon ata sa mga sinabi ko kaya ayan,” nakangiti niyang sagot sa akin. Napailing naman ako. Nasaktan na nga siya pero nagagawa pa rin niyang ngumiti. Ganito ba talaga ang mga Nine Tailed Fox? “Ano ba naman iyan Shin. Dapat hindi mo na pinatulan si Miro,” galit kong sabi sa kaniya. “Kanina ang caring mo, ngayon naman concern ka. Ayos ka palang maging girlfriend e,” pang-aasar niya sa akin. Sa pagkainis ko ay pinindot pindot ko pa ang kanang pisngi niya na ikinaaray naman niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. “Dati wala kang karea-reaksyon. Ngayon naman ang kulit mo na,” sabi pa niya sa akin. Hinigit ko ang kamay ko sa kaniya at agad na tumayo. Pakiramdam ko ay nag-init ang magkabila kong pisngi. Ang lakas din ng t***k ng puso ko. Ang lapit lapit masyado ng mukha niya sa mukha ko. “Hintayin mo ako diyan,” masungit kong sabi sa kaniya. “Saan ka pupunta?” Hindi ko siya sinagot. Agad akong naglakad palayo at nagderetso sa cafeteria. Kinapalan ko na lang ang mukha ko at nanghingi sa kanila ng yelo. Mababait naman ang tao sa cafeteria at agad na binigyan ako ng yelo. At habang naglalakad ako ay may mga masasamang tingin ang sumasalubong sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin pa. Ibinalot ko na lang sa panyo ko ang yelo at bumalik na sa garden kung nasaan si Shin. “Ano iyan?” tanong naman niya sa akin. Idadampi ko na sana ang yelo sa pisngi niya pero inilayo niya ang mukha niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Para saan ba kasi iyan?” pangungulit pa niya. “Para mabawasan ang pamamaga ng pisngi mo,” seryosong sabi ko. Inilapit ko ang ulo niya sa kamay ko at dinampian ang pisngi niya ng yelo. “Sa susunod kasi, kapag nakita mong palapit sa ‘yo si Miro, lumayo ka na. Siguradong mainit ang dugo noon sa ‘yo dahil dumidikit dikit ka sa akin. Baka madamay ka pa sa mga panti-trip niya,” dugtong na sabi ko pa. “Edi idamay niya,” mayabang niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin at idiniin sa pisngi niya iyong yelo. “Aray naman!” pagrereklamo niya. “Ang yabang yabang mong lalaki ka.” Inilagay ko sa kamay niya ang yelo at tumayo na. Tinalikuran ko siya. Naglakad ako palayo sa kaniya. “Teka, saan ka na naman pupunta?” sigaw niya sa akin. “Bahala ka dyan,” mataray kong sabi sa kaniya. Mabilis akong naglakad paalis sa may garden. Sa classroom na lang ako tatambay habang hinihintay na mag-umpisa ang afternoon class namin. “Babe naman.” At ang Shin naman ay mabilis na nakasunod sa akin. “Babe mong mukha mo.” Ang lakas ng loob tawagin akong babe. Paano kasi, nasa gilid si Miro at ang barkada niya. Halata pang natigilan sila nang dumaan kaming dalawa. Kaya lalo akong nanggigigil kay Shin. Mas lalo niya lang pinapalala ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD