8

2144 Words
AKIRA’S POV Alas syete na nang gabi nang mapagpasiyahan kong bumangon. Nakaidlip kasi ako kaya medyo sumakit ang ulo ko. Naghilamos na lang ako para mahimasmasan dahil inaantok pa ako. Pakiramdam ko rin ay napagod ako dahil sa nangyari kanina. Hindi na kami nakapasok sa afternoon class dahil sa nangyari kanina. Tumawag naman na ako kay Tito June at nagdahilan na lang kung bakit hindi kami nakapasok ni Shin. Naintindihan naman niya at siya na raw ang bahalang mag-explain sa mga teachers namin. Lumabas na lang ako ng kwarto para makita si Shin kung anong ginagawa niya ngayon. Hanggang ngayon ay medyo naninibago pa ako dahil sa mga nalaman ko. Hindi naman ako natatakot sa kaniya, actually, marami akong gustong itanong sa kaniya. “Nakaidlip ka ba?” bungad agad sa akin ni Shin nang makalabas ako sa kwarto. Nakaupo siya sa sofa habang kumakain ng sayote. Nakataas pa ang isa niyang paa at nanonood pa ng TV. Napakunot naman ang noo ko at hindi ko napigilan na mapagmasdan siya. Paano kaya niya napaniwala sina Mommy at Daddy na lumaki siya sa ibang bansa? “Oo, iyan na bang dinner mo?” tanong ko na lang sa kaniya. “Ha? Meryenda ko lang ito,” casual na sagot naman niya. “Ilang kilong gulay ba ang kailangan mo sa isang araw?” hindi makapaniwalang tanong ko. Iyon kasing pinamili namin ay halos nangangalahati na ang bawas. “Depende. Nagamit ko kasi kanina ang mga buntot ko kaya kailangang kong mag-recharge. Nga pala, unang araw ko sa school, kaso hindi agad ako nakapasok ng afternoon class. Kanina ko pa naiisip na baka mapatalsik agad ako,” seryoso niyang sabi sa akin. “Okay na iyon. Tinawagan ko na si Tito June. Nagdahilan na lang ako. Baka kasi kapag sinabi ko ang totoo, maalarma sila para sa seguridad ng mga estudyante,” paliwanag ko naman sa kaniya. “Okay na rin iyon. Nagawan ko na naman ng paraan para hindi na nila ulitin ang pangingidnap.” Tumango lang ako sa kaniya. Alam ko naman iyon dahil nasaksihan ko kung anong ginawa niya. Noong sinabi niya kasi na pumikit ako ay hindi ko ginawa. Pinagmasdan ko pa nga ang ginawa niya at sa tingin ko ay hinipnotismo niya ang mga lalaking iyon. Mabuti na nga lamang na hindi ako nadamay sa panghihinoptismo niya. Pumunta ako sa kusina para tingnan kung anong pwedeng lutuin para sa dinner. Sinundan naman niya ako sa kusina habang kumakain pa rin. Naririnig ko pa nga ang tunog kapag kinakagat niya ang sayote. Mabuti na lang talaga at hindi ako nawawalan ng gana kapag kumakain siya ng mga hilaw na gulay. “Nagluto na ako ng dinner mo,” narinig kong sabi ni Shin. Pinakita niya sa akin ang niluto niya, adobong manok. Kumunot naman ang noo ko dahil umiral na naman ang pagka-curious ko. “Paano ka natuto magluto niyan? Hindi ka kumakain ng manok ‘di ba?” hindi ko napigilang itanong sa kaniya. “Pinanood ko lang sa TV kanina,” sagot naman niya sa akin. Napatango na lang ako. Mukhang mabilis naman siyang makaka-adapt sa environment na mayroon ako. Kayang kaya niyang mabuhay bilang isang tao, well maliban lang siguro sa way ng pagkain. Kumuha na lang ako ng kutsara at platito para tikman ang niluto niya. Naglagay ako ng konting sabaw at isang hiwa ng manok. Tinikman ko iyon at napatingin ako kay Shin na nakaabang sa sasabihin ko. “Infairness, maayos kang magluto,“ puri ko sa kaniya. “Dapat talaga maappreciate mo ang luto ko. Hindi mo alam kung gaano ako nagtiis na huwag maawa sa manok,” seryosong sabi naman niya. Ang totoo ay sobrang sarap ng luto niya. Nakuha niya iyong tamang alat, tamis at anghang ng adobo. Sakto rin iyong pagkaluto ng karneng manok. At hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako sa kaniya dahil halatang nahirapan talaga siyang lutuin ang manok. "Sana hinintay mo na lang akong magising para ako na ang nagluto,” ang tanging nasabi ko na lang. Kahit na medyo gumaan ang pakiramdam ko sa kaniya ay ayoko pa ring magpakita ng emosyon ko. “Sana matuto ka rin kumain ng gulay Akira,” imbes ay sabi naman niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Naalala ko kasi noong bata pa ako, tinuturuan ako nina Mommy na kumain ng gulay pero hindi ko talaga kayang lunukin ito. Dumadating pa nga sa mga oras na nagagalit sa akin si Daddy. Pero kahit ano kasing gawin ko ay hindi ko talaga kaya. Hanggang sa ang mga magulang ko na lang ang sumuko. At hindi na nila ako pinilit pang kumain ng kahit na anong gulay. Nakuntento na sila na kumakain naman ako ng prutas. At halos araw-araw ay pinapakain na lang nila ako ng prutas para raw magkaroon ng sustansya ang katawan ko. Kumuha na lang ako ng pinggan at naghain na ng pagkain. Bukod sa adobo ay nagluto rin si Shin ng chopsuey. Umupo siya sa harapan ko habang ako naman ay nagsasandok ng kanin. “Kumakain ka rin pala ng kanin,” sabi ko sa kaniya. “Oo naman. Tanging kanin, prutas at gulay lang ang kinakain namin. Hindi niyo katulad na may mga chocolate pa, mga candy, chips at mga karne,” sagot naman niya sa akin. “I see.” Unti-unting nababawasan ang mga tanong sa isipan ko dahil sa mga simpleng usapan namin na ganito. “Simula noong insidente kanina, nagiging madaldal ka na sa akin,” nakangiting sabi niya sa akin. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. “Napansin ko nga rin iyon. Sa unang pagkakataon, ikaw pa lang bukod sa parents ko at kay Tatay Damian ang nakakausap ko nang ganito. Maswerte ka na gumaan ang loob ko sa ‘yo noong malaman ko ang totoo mong pagkatao,” mahaba kong sabi sa kaniya. “Utang na loob ko pa talaga? Salamat ha. Lalo na at damang-dama ko ang emosyon mo sa bawat sinasabi mo. Hindi ko alam kung galit ka ba o natutuwa,” sarcastic nitong sabi na ikinairap ko naman. Katulad nga ng sinabi ko, kahit madaldal na ako sa kaniya ay plain lang ang boses ko. Dere-deretso lang at walang kahit na anong emosyon. “Paano mo pala makakausap si Inaki bukas? Tuwing lunch, sina Miro ang kasabay niya. Kung kakausapin mo siya, it’s either before or after class lang,” pag-iiba ko ng usapan. “Kahit anong oras pa iyon, basta makausap ko lang siya,” seryoso niyang sabi sa akin. “You love her, don’t you?” deretsong tanong ko sa kaniya. “Well, first love ko siya,” pag-amin naman niya sa akin. Marahan akong napatango. “Mahal mo nga. Imagine, iniwan mo ang lugar niyo para sundan siya dito. Kahit na alam mong maaari mo ring ikapahamak ang pagpunta rito.” “It’s a Nine Tailed Fox Love Code. Kung totoong mahal mo ang isang Nine Tailed Fox, gagawin mo ang lahat para sa kaniya,” seryosong sabi ko naman. “Ang sarap sigurong mahalin ang isang katulad mo,” wala sa sariling sabi ko naman. At huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. Si Shin naman ay nakatingin lang sa akin at parang nabigla sa sinabi ko. “I mean yung lahi niyo dahil may love code kayo,” palusot ko na lang. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa sobrang lame ng excuse ko. Kung pwede nga lang na tumakbo sa kwarto ko at hindi na magpakita sa kaniya. Sana pinanindigan ko na lang ang pagiging tahimik. Masyado na kasi akong nakampante sa presensiya ni Shin kaya kung ano-ano na lang din ang nasasabi ko sa kaniya. “I guess, it was a Universal Love Code. Kahit sino naman siguro, gagawin ang lahat para sa mahal niya,” seryosong sabi naman niya. “Hindi lahat Shin. May mga tao kasi na kahit mahal nila, hindi nila magawang panindigan at sa huli ay iiwan lang din nila,” pagsalungat ko naman. “Naranasan mo na?” deretsong tanong niya. “No, nabasa ko lang sa mga libro.” Being alone in this condo for a long time, ang dami ko nang nabasang mga libro. “Hindi ka pa nai-inlove?” tanong pa niya. “No. Just a waste of time,” deretsong sagot ko naman sa kaniya. “So you mean, pag-aaksaya lang ng oras ang pagpunta ko rito?” biglang sabi niya. “That’s not what I mean. Magkaiba tayo ng perspective pagdating sa love,” pagdepensa ko naman. Medyo na-guilty ako sa sinabi ko dahil nakita kong nalungkot si Shin. Wala naman sigurong mali sa sagot ko? It’s my own opinion about love. “Alam mo bang three months from now, kailangan kong bumalik sa lugar namin upang maging isang Celestial Fox,” seryosong sabi naman niya sa akin. “Celestial Fox? Ano iyon?” kunot noong tanong ko naman. “Ang mga Celestial Fox ang isa sa pinakamalalakas na Nine Tailed. Sila ang katuwang ng hari at reyna sa pagpapatakbo ng kaharian namin,” pagkukwento naman niya. “May hari at reyna sa inyo?” tuwang tuwa kong sabi. Mahilig kasi ako sa mga fantasies. May part kasi sa akin na gusto kong maranasan ang maging isang prinsesa o kaya naman ay maging pinakamalakas sa lahat. Weird man pero it’s my fantasy. Halos lahat ng librong binabasa ko ay fantasy. At habang binabasa ko iyon, ini-imagine ko na ako iyong bidang babae. At nang ma-realize kong nakangiti na pala ako ay agad akong nag-poker face. “Yes,” maiksing sagot naman niya. Good thing hindi niya napansin ang pagngiti ko. “Wow! Pwede ba akong bumisita sa inyo? Gusto kong makita ang kaharian niyo.” Biglang nabulunan si Shin kaya agad ko siyang inabutan ng tubig. Ininom naman niya agad ito at saka siya hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “Bakit naman gusto mong pumunta sa amin?” tanong niya sa akin nang maging okay na siya. “Gusto ko lang makita ang kaharian niyo,” sagot ko naman. “Kung pupunta ka sa amin, mararamdaman nila na tao ka. Sorry pero hindi ka pwedeng pumunta doon,” seryosong sabi naman niya. "I know, nagbabaka sakali lang. Pero matanong ko lang din, what if ayaw sumama sa ‘yo ni Inaki, anong gagawin mo?” “Hindi ko pa naiisipan iyan dahil isa lang ang gusto kong mangyari, ang sumama siya sa akin para na rin sa kaligtasan niya,” mabilis niyang sagot. “Mahal na mahal mo siya pero nagawa pa rin niyang lumayo sa inyo. Anong dahilan ng paglayo niya sa inyo?” curious na tanong ko pa. “Sabi niya sa akin, may minamahal daw siyang tao kaya siya nandito,” malungkot niyang sagot sa akin. “Sorry.” Hindi ko na dapat pa iyon tinanong. “Okay lang. Tanggap ko naman na hindi niya ako kayang mahalin. Ang sa akin lang, iyong kaligtasan niya ang mahalaga kaya kailangan ko siyang makumbinsi.” “Iba ka rin magmahal, hindi selfish,” seryosong sabi ko naman. “Nabanggit mo na laging kasabay ni Miro si Inaki sa lunch, gaano ba sila kaclose?” Kumunot naman ang noo ko. “Iniisip mo ba na si Miro ang taong mahal ni Inaki?” “Oo,” walang pakundangan niyang sagot. “Sabagay, hindi na nakakapagtaka iyon dahil halos lahat ng babae ay nagkakagusto kay Miro. Pero imposibleng magkarelasyon sila ni Inaki. Si Miro kasi ay halos every week, nagpapalit siya ng babae. Never ko ring narinig na naging girlfriend niya si Inaki. Though maraming naiinggit sa kaniya dahil siya lang ang kaisa-isang babae na kaibigan ni Miro,” mahabang pagkukwento ko naman. “Lahat ng babae ay nagkakagusto sa kaniya, so kasama ka doon,” seryosong sabi naman niya. “Lahat ng babae EXCEPT ME. Hinding hindi ako magkakagusto sa lalaking iyon,” sabi ko naman. “Okay. Sabi mo e. Pero bakit hindi mo siya magugustuhan?” tatawa tawang sabi ni Shin. "Nakita mo naman siguro kung paano siya mangmata ng ibang tao. Mayaman nga siya pero hindi naman maganda ang ugali niya. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ng mga babae sa lalaking iyon e,” sabi ko naman. "Sabi nga nila, ang pag-ibig ay bulag." "No. Hindi pag-ibig ang bulag. Ang mga nagmamahal ang bulag. Parang ikaw," deretso kong sabi sa kaniya. "Aray! Wala ka man lang pasintabi." "Masanay ka na. Mas mabuti na 'yong sinasabi ko ang totoo. Baka sakaling matauhan ka,” masungit ko namang sabi sa kaniya. "Ikaw Akira, kailan ka kaya mabubulag sa pagmamahal?" nakangiti niyang tanong sa akin. Inirapan ko na lang siya na lalo naman niyang ikinangiti. Siguro kailangan ko na lang din sanayin ang sarili ko na makulit at mapang-asar din itong si Shin. At sa tanong niyang iyon, sa tingin ko naman ay hindi ako mabubulag sa pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD