MIRO’S POV
“Badtrip ka yata Miro?”
Napatingin ako kay Inaki. Lunch ngayon at kasalukuyan kaming nasa cafeteria. Kanina pa kasi ako tahimik at hindi pinapansin ang mga kaibigan ko. Narinig ko naman ang mahihinang tawa nina Richard at Leo kaya agad ko silang sinamaan ng tingin. Heto na naman sila sa pagiging mapang-asar.
“Inaki, nabalitaan mo na ba iyong transferee?” seryosong tanong ni Leo.
“Iyong poging lalaki raw na kasama ni Akira, iyong laging pinagtitripan nitong si Miro?” tanong naman ni Inaki.
“Guess what, boyfriend daw iyon ni Akira,” natutuwang sabi naman ni Richard. Ang laking usapin talaga kapag ang nerd ang nagkaroon ng boyfriend.
“So? Babae si Akira, normal lang na magkaboyfriend siya,” casual na sabi naman ni Inaki.
“Exactly, kaya nga hindi namin maintindihan kung bakit nagagalit itong si Miro,” sabi naman ni Leo.
Napatingin sa akin si Inaki na nagtataka. Nakakunot ang noo nito at nagdadalawang isip kung itutuloy ba niya ang sasabihin niya o hindi. At hindi ko gusto ang mga tinging ipinupukol niya sa akin.
“Say it,” plain kong sabi sa kaniya.
“Don’t tell me nagugustuhan mo na si Akira?” seryosong sabi ni Inaki na nakakunot pa ang noo.
Narinig ko ang mahihinang tawa nina Leo at Richard kaya agad ko silang sinamaan ng tingin. Bigla naman silang sumeryoso kaya binalingan ko ulit si Inaki.
“Seryoso ka ba sa tanong mo?” tatawa tawa kong tanong sa kaniya.
“So bakit ka naiinis?” deretsong tanong niya sa akin.
“Dahil nayayabangan ako sa Kanji na iyon. Akala mo kung sino. Hindi niya yata nakikilala kung sino ako. At saka sa tingin niyo, may magkakagusto talaga kay Akira?” dere-deretsong sabi ko naman.
“Teka lang Pare, paanong naging mayabang iyon? Sinabi niya lang naman sa lahat na boyfriend siya ni Akira 'di ba?” singit naman sa amin ni Leo.
“Kanji?” gulat na tanong ni Inaki.
“Oo, si Kanji Shin, iyong transferee na boyfriend daw ni Akira,” sagot naman ni Richard.
Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon ni Inaki. Nabitawan niya ang kutsara niya at bigla siyang namutla. Kumunot ang noo ko at nagtaka sa reaksyon niya. Maski sina Leo at Richard ay napatigil sa pagkain at nag-aalalang tumingin sa kaniya.
“Okay ka lang Inaki?” tanong ni Leo.
“Yes. May kailangan pa pala akong puntahan,” natatarantang sabi ni Inaki.
Tumayo si Inaki pero agad kong hinawakan ang kamay niya na ikinatigil niya. “Hindi mo pa natatapos ang pagkain mo,” seryosong sabi ko sa kaniya.
“Okay lang. Sige Miro. Magkita na lang tayo mamaya after class,” nakangiting sabi niya sa akin.
Dali-daling umalis si Inaki. Hindi ko na siya nagawang pigilan dahil parang nagmamadali talaga siya. Saan naman kaya siya pupunta? Nakakapagtaka ang mga ikinilos niya. Si Inaki ang klase ng tao na hindi nag-aaksaya ng pagkain. Never ko pa siyang nakitang nagtira ng pagkain sa plato niya. Pero iba ngayon, halos kaunti pa lamang ang bawas ng pagkain niya pero nagawa niya itong iwan na lang. At bigla siyang nagmamadali at parang natataranta siya.
Ano kayang problema niya?
KANJI SHIN’S POV
Halos kalahating oras din ata ang itinagal ng biyahe bago tumigil ang van na sinasakyan namin. Nakatutok pa rin sa amin ang kanilang mga b***l habang pinapababa kami ng sasakyan. Ipinasok kami sa lumang bodega at itinali sa upuan.
Tiningnan ko si Akira at nag-uumpisa na naman siyang matakot. Hindi ko magawang mahawakan ang kamay niya dahil masyado siyang malayo sa akin. Tiningnan ko ang limang lalaki na kasalukuyang kumakain. Kung tutuusin ay madali ko lang silang matatalo pero inaalala ko ang magiging reaksyon ni Akira kapag nakita niya ang tunay kong pagkatao.
“Sigurado ba kayo na estudyante sila ng Kitsune?” tanong nang isang maedad na lalaki na kararating lang. Siya marahil ang leader nila dahil nagsitayuan pa ang limang lalaki at tumango sa tanong ng leader nila.
"Mukhang walang pera 'yang babae. Sigurado ba talaga kayo?" galit na tanong pa nito.
Kumpirmado ngang hindi sinasadyang si Akira ang ma-target nila. Napailing na lang ako at pinagmasdan si Akira. Napagtanto kong hindi nga mahahalata kung gaano kayaman ang magulang niya. Napakasimple niya at walang arte sa katawan.
"Nakita po namin na lumabas sila ng academy," sagot nang isa.
“Nasaan ang mga cellphone nila?” tanong pa ng leader nila.
“Iyong sa babae boss, nakuha na namin. Pero iyong sa lalaki, wala kaming nakita.”
Tumingin sa akin ang leader nila at hindi ko napigilan ang ngumisi. Akala ko ay maaasar siya sa ginawa ko pero tinawanan niya lang ako. At parang ako ang nainis sa pagkakatawa niyang iyon.
“Sige, bantayan ninyo iyan at kalkalin ang cellphone ng babae para matawagan ang magulang niyan. Hihingi tayo ng ransom sa kanila.”
Umalis ang leader nila habang ang lalaking may hawak ng cellphone ni Akira ay inumpisahan nang kalkalin ito. Madali na lang niyang nabuksan iyon dahil sapilitang pinaamin si Akira kanina sa kung anong password ng cellphone niya. Habang busy silang lima ay sinamantala ko na ang pagkakataon. Ginamit ko ang pwersa ko upang maputol ang tali sa kamay ko. Nagawa ko naman iyon ng walang kahirap hirap. Mabuti na lamang na hindi nila ako napansin dahil busy sila sa pagkalikot sa cellphone ni Akira.
“Akira, you trust me right?” bulong ko kay Akira.
“What do you mean?” naguguluhan niyang tanong sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Tumayo ako at huminga ng malalim. Agad naman akong napansin ng limang lalaki. Bumunot sila ng kanilang b***l at itinutok sa akin.
“Shin,” umiiyak na sabi ni Akira.
“Umupo ka sa upuan mo kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo,” banta sa akin ng lalaking pinakamaedad sa lima.
“Go on,“ nakangiti kong sagot sa kaniya.
Huminga ulit ako ng malalim at unti-unting lumabas ang siyam kong buntot. Ang tagal ko na ring hindi napapalabas ang siyam kong buntot. Nagulat naman ang limang lalaki at bahagya silang napaatras. Nakita ko pa na nanginginig ang kamay nila pero nakatutok pa rin sa akin ang mga b***l nila.
“Halimaw!” takot na sabi noong isa.
Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw kong ipakita kay Akira ang anyo ko. Ayaw kong isipin niya na isa akong halimaw. Pero dahil nasa hindi kami magandang sitwasyon, wala akong choice kung hindi ang ipakita ang totoong ako. Mamaya ko na lang poproblemahin si Akira. Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. At kung mananaig pa rin ang takot niya, wala na akong magagawa kundi ang lumayo sa kaniya.
Kahit takot ay sumugod sa akin ang dalawang lalaki na agad ko namang naiwasan. Tiningnan ko ang mga b***l nila at nalaglag ang mga bala nito. Mas lalong nahintakutan ang limang lalaki dahil wala na silang panlaban sa akin.
“Akira, close your eyes,” seryosong sabi ko kay Akira.
Hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil nakatalikod ako sa kaniya. Lumiwanag ang siyam kong buntot at napatingin ang limang lalaki doon.
“Hindi niyo maaalala ang nangyari ngayong araw. At kahit anong utos na gawin nang leader niyo ay hindi niyo ito susundin. Hindi na muli kayo mangunguha ng estudyante ng Kitsune Acedemy para manghingi ng ransom sa mga magulang nito.”
Pagkatapos kong sabihin iyon ay nawalan ng malay ang limang lalaki. Agad kong pinuntahan si Akira at tinanggal ang pagkakatali sa kaniya. Tumingin pa ako sa kaniya dahil wala man lang siyang reaksyon. Ine-expect ko na matatakot din siya katulad nang limang lalaki. Ngunit mas nakakakaba ang reaksyong binibigay niya sa akin ngayon.
Hindi na ako nag-isip pa. Niyakap ko siya at pinalibutan kami ng siyam kong buntot. Sa isang kisap mata ay nandito na kami sa unit niya. Agad naman akong humiwalay sa kaniya. Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. Mahaba-habang explanation ang gagawin ko kaya kailangan ko ng liquid sa katawan ko.
“Sabi ko na nga ba at hindi kita imagination noon,” narinig kong sabi ni Akira.
Agad akong napalingon sa kaniya. Nakangiti siya habang nakasandal sa may sink. First time niyang ngumiti sa akin na labis kong ipinagtaka. Ang inaasahan ko kasi ay papalayasin na niya ako dahil sa takot niya sa akin ngunit kabaligtaran ang nangyari.
“What do you mean?” ang tanging natanong ko na lang.
“5 years old yata ako noon. Nagbakasyon kami nina Mommy sa probinsiya ni Daddy. Sa sobrang pagkasabik ko sa probinsiya, napadpad ako sa isang gubat. May nakita akong batang lalaki na naglalaro sa ilog. Lumapit ako sa kaniya para maghello,” pagkukwento niya.
Biglang nagliwanag ang mukha ko at hindi ko napigilan ang mapangiti. Biglang gumaan din ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.
“Kaso biglang lumabas ang siyam niyang buntot. Pero sa halip na matakot ay natuwa ka pa noon. Ako ang natakot kaya tumakbo agad ako palayo sa'yo noon,” pagpapatuloy ko sa sinabi niya.
Hindi ko akalain na siya pala ang batang babae na nakakita sa akin noon. Hindi pa kasi ako masyadong bihasa noon sa pagkontrol sa mga buntot ko kaya aksidente ko itong naipalabas noong makita ko siya. Sa sobrang gulat at takot ay tumakbo ako palayo sa kaniya.
“Ikaw nga ang batang lalaki na iyon,” tuwang tuwa na sabi ni Akira.
Sa ilang araw ko pa lang na nakakasama siya, ngayon ko lang yata siya nakita na ganito kasaya.
“At ikaw pala ang babaeng iyon na kaisa-isang tao na hindi man lang natakot noong makita ang tunay kong anyo,” nakangiting sabi ko naman.
“Wait, alam ba nina Mommy ang katauhan mo?” seryosong tanong pa niya sa akin.
Natigilan ako sa tanong niyang iyon pero agad naman akong nakabawi at bahagyang ngumiti sa kaniya. “Hindi nila alam. Kilala nila ang pamilya ko pero hindi ang totoong pagkatao namin. Walang ibang pwedeng makaalam nang pagkatao namin. Hindi pwedeng malaman ng iba na nag-eexist kami.”
“Weird. Knowing Mommy, wala kang maililihim sa kaniya,” nagtatakang sabi naman niya.
“So bakit nailihim mo sa kaniya na nagpapanggap kang mahirap sa school?” pag-iiba ko ng usapan.
Hindi sumagot si Akira at inirapan niya lang ako. Pero agad din siyang humarap sa akin dahil parang may naalala siya. “Sino pala si Inaki?”
“Si Inaki Tanara, isa rin siyang nine tailed fox na lumayo sa amin. Kailangan ko siyang pabalikin sa lugar namin dahil kapag matagal siyang na-expose sa pakikisama sa mga tao, nababawasan ang buhay niya at manghihina siya.”
Tutal ay alam na niya ang tunay kong pagkatao, sinabi ko na lang kung ano talaga ang pakay ko rito.
“Inaki Tanara,” wala sa sariling sambit niya.
“Bakit? May kilala ka bang Inaki Tanara?” tanong ko naman.
“Oo, lower year siya na kaibigan ni Miro. Hindi ko lang alam kung ang kakilala ko ang siyang hinahanap mo,” sagot naman niya sa akin.
“Kung siya nga ang hinahanap ko, kailangan ko siyang makausap.”
“So kung makumbinsi mo na siya na sumama sa 'yo, ibig sabihin ay tapos na rin ang pamamalagi mo dito?” tanong pa niya sa akin.
Marahan akong tumango. Halos magdadalawang taon na rin simula nang lumayo sa amin si Inaki. Ang mga Nine Tailed kasi ay may special bond na tinatawag. Humahaba ang buhay namin kapag napapaligiran kami ng mga kapwa namin Nine Tailed. Pero kapag lumayo kami sa mga kalahi namin at napaligiran kami ng mga tao, humihina ang pangangatawan namin at nababawasan ang buhay namin. Iyon ang dahilan kung bakit s*******n ko nang sinundan dito si Inaki. Noong unang taon na umalis siya, bumibisita siya sa amin isang beses sa isang buwan. Pero nitong taon, hindi na siya bumisita at all na ikinabahala na naming lahat. Kaya napagdesisyunan kong sundan na siya rito.
“Sige. Magpapahinga muna ako,” paalam sa akin ni Akira.
“Teka, okay ka lang ba? Nasaktan ka ba kanina?” pahabol kong tanong sa kaniya.
“Hindi naman. Okay lang ako. Salamat Shin,” sagot naman niya sa akin.
“Akira, wala ka namang pagsasabihan ng nalaman mo ‘di ba?”
“Oo naman. You can trust me.”
Ngumiti siya ng bahagya at pumasok na sa kwarto niya. Ako naman ay umupo sa sofa at ipinikit ang mga mata ko. Kung nasa Academy nga si Inaki, hindi na ako mahihirapan na hanapin pa siya. Ang iisipin ko na lang ay kung paano siya makukumbinsi na bumalik na sa amin.