22

1706 Words
AKIRA’S POV The number you have dialed--- Pabagsak akong umupo sa sofa at ipinatong sa table ang cellphone ko. Kanina ko pa tinatawagan si Mommy pero unattended siya. Gusto ko siyang makausap dahil baka pwede ko pang mapigilan ang pagpunta niya sa school. Baka pwede ko pang malusutan ang problema ko. Ngunit hindi ko naman matawagan si Mommy pati na rin si Daddy. Kinausap ko na si Tito June kanina at humihingi ako ng tulong sa kaniya. Pero sa ganitong pagkakataon ay wala na raw siyang maitutulong sa akin. Hindi nga naman kasi pwedeng pigilan niya ang mismong may-ari ng school na pumunta dito. Ako na lang daw ang makakatulong sa sarili ko. Naiintindihan ko naman si Tito dahil malaki na rin ang naitulong niya sa akin. Kaya kanina ko pa sinusubukang kausapin si Mommy. Hindi ko na alam kung nasaan bang lupalop ng mundo nandoon ang mga magulang ko. Kahit naman kasi malayo sina Mommy at Daddy sa akin, mabilis ko lang silang naco-contact. Ngayon lang ata naging unattended ang mga phone nila. At nakakaramdam na ako ng pag-aalala sa kanila. “Stress na stress ka na. Magrelax ka muna Akira?” sabi sa akin ni Shin na kanina pa nakatingin sa akin. “Relax? Paano Shin? Mabubunyag na ang sikreto ko at hindi pa ako handa. Hindi ko rin ma-contact sina Mommy at nag-aalala na ako. First time mangyari ito,” halos paiyak kong sabi. “I’m sure okay lang sila at kung hindi mo itinago ang tunay mong pagkatao, hindi ka mamomroblema ngayon,” seryosong sabi naman niya. “Wow! Ang laking tulong Shin,” sarcastic kong sabi sa kaniya. Umupo siya sa may tabi ko habang may hawak na sayote. Sobrang kalma niya at naiinggit ako sa kaniya ngayon. Ako kasi ay stress na stress na at hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ngayon lang ako na-stress nang ganito. Samantalang siya ay chill lang. “Ano kayang magiging reaksyon ni Miro kapag nalaman niyang ikaw ang anak ng may-ari ng Kitsune Academy? Na 'yong dati niyang pinagtitripan ang tagapagmana ng school na pinaghahari-harian niya?” seryoso niyang tanong pa sa akin. “Ano kayang magiging reaksyon ng lahat kapag nalaman nila ang totoo?” wala sa sariling tanong ko naman. “Maglakas loob pa kaya siyang ligawan ka?” tanong naman niya. Heto na naman si Shin sa pagkaseryoso niya. Napapansin ko lately, laging seryoso si Shin. May problema kaya siyang pinagdadaanan? At isa pa, lagi niyang nababanggit si Miro. Malaki na ba ang galit niya sa lalaking iyon? “Bakit ba ang big deal sa'yo ng pantitrip sa akin ni Miro?” tatawa tawa kong sabi sa kaniya. “May pag-asa ba si Miro sa 'yo?” imbes ay tanong niya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus ay tinanong niya ang isang bagay na never sumagi sa isip ko. Sa lahat naman ng pwedeng itanong ni Shin, bakit 'yon pa na napakaimposible. Gusto ko na siyang pagtawanan ngunit hindi ko magawa. “Nagpapatawa ka ba Shin?” ang tanging nasabi ko na lang. “Hindi,” seryosong sabi niya. Nagulat ako sa sinabing iyon ni Shin. Medyo nakaramdam ako ng kaba sa sobrang seryoso ng boses niya. Ngayon lang ako parang biglang natakot sa kaniya. Parang na-realize naman niya iyon dahil bigla siyang umiling. “I’m sorry. I didn’t mean to scare you.” “Shin, may problema ka ba? Pwede mo akong sabihan ng problema mo,” seryoso kong sabi sa kaniya. Lumalabas na naman ang pagiging caring ko sa ibang tao. At hindi ko alam kung tama pa ba itong mga ginagawa ko. “Wala. Masyado lang ata akong nadadala sa mga nangyayari,” sagot naman niya sa akin. “Kung iniisip mo na seryoso si Miro, 'wag mo nang pag-aksayahan ng panahon 'yon. Ilang taon ko na siyang kilala at wala sa bokabolaryo niya ang salitang seryoso. Masyado kang nagpapadala sa mga acting niya,” mahabang litanya ko sa kaniya. “Sana nga hindi siya seryoso. Dahil ayokong makitang iiyak ka nang dahil sa kaniya,” seryosong sabi pa niya. “Excuse me. Ako? Iiyak dahil sa kaniya? No way. Sa tinagal tagal na nang panti-trip niya sa akin, never pa akong umiyak,” mayabang ko namang sabi sa kaniya. “Okay. Sinabi mo 'yan e.” “E ikaw, ano nang balak mo kay Inaki?” pag-iiba ko ng usapan. Napabuntong hininga naman siya. “Hindi ko pa rin siya susukuan,” determinadong sabi niya sa akin. “Sweet,” maiksing sabi ko. Hindi ko nakontrol na maging sarcastic ang boses ko. Sa lahat ng pinayo ko sa kaniya noong nakaraan, wala pa rin siyang balak sukuan si Inaki. “Bakit sa tono ng pananalita mo, pakiramdam ko nagseselos ka,” nakangiting sabi ni Shin. “Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo Shin,” mataray ko namang sabi sa kaniya. “Bakit? Hindi ka ba nagseselos?” tanong pa niya sa akin. “Bakit naman ako magseselos?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Tumayo siya at nagpunta sa kusina. “Oo nga naman, bakit ka nga naman magseselos?” Kumunot ang noo ko dahil sa sinabing iyon ni Shin. Exactly, bakit nga ba ako magseselos 'di ba? Ewan ko dito kay Shin. Kung ano ano na lang ang sinasabi niya. Hindi ko na siya maintindihan. Pati ako ay napapaisip sa mga sinasabi niya. At pati sarili ko ay kinukwestyon ko na rin. “Pero nagtataka pa rin ako kung bakit hinahayaan mo lang na pagtripan ka niya,” dugtong na sabi pa niya nang makabalik siya sa may salas. May bitbit na siyang isang basong tubig at iniabot sa akin iyon. Agad ko namang tinanggap at ininom iyon. “Minsan talaga Shin, kailangan mong maging mahina. Hindi sa lahat ng oras, kailangang lumaban. Mas mabuting manahimik na lang because you know why? Silence brings curiosity and curiosity can kill someone slowly,” seryosong sabi ko sa kaniya. “Wow. Ang bigat naman no’n,” manghang sabi ni Shin na nakangisi pa. Napairap naman ako. “Kaya ikaw, huwag mo nang patulan si Miro. Lagi ka rin kasing tuwang tuwang pikunin ang lalaking 'yon,” masungit ko pang sabi. Nagpakawala siya ng buntong hininga at saka deretsong tumingin sa akin. “Nayayabangan lang kasi ako sa kaniya.” “O baka naman naiinis ka lang dahil alam mong close sila ni Inaki,” pang-aasar ko naman sa kaniya. “Sa totoo lang, wala naman na akong pakialam kung close sila at kung si Miro nga ang mahal niya. Gusto ko lang siyang iligtas kaya nagpupumilit pa rin akong ibalik siya sa lahi namin,” seryoso niyang sabi sa akin. “Parang kailan lang nang umiiyak ka dahil ipinagtabuyan ka niya ulit tapos ngayon, ganiyan ang sasabihin mo,” hindi makapaniwalang sabi ko. “Napagtanto ko na kasi na wala naman na talagang pag-asa sa aming dalawa. And this time, totoo na ito. After kong makumbinsi si Inaki, I will move forward with my life.” Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil kakalimutan na niya si Inaki kapag napagtagumpayan niya ang misyon niya o malulungkot dahil babalik na kami sa kaniya-kaniya naming buhay. “That’s good to hear. Marunong ka rin palang makinig sa payo ko,” ang tanging nasabi ko na lang. “Well, ganoon siguro talaga. Hindi siya ang para sa akin,” malungkot na sabi niya sa akin. Magsasalita na sana ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Pagkakita ko sa screen ay agad kong sinagot ang tawag. “Mommy,” bulalas ko. “Hi anak, how are you?” masayang tanong sa akin ni Mommy. “Okay lang po ako Mommy. Kayo po kumusta? Kanina ko pa kayo tinatawagan pero unattended kayo,” seryosong sabi ko naman. “I’m sorry hija, wala kasing signal sa pinuntahan namin kanina.” Napabuntong hininga naman ako. “Ganoon po ba. By the way Mommy, pupunta raw kayo sa school this week?” Tumingin sa akin si Shin habang ako naman ay kinakabahan sa magiging sagot ni Mommy. Tumayo pa ako sa pagkakaupo ko at nagpaikot ikot sa may salas habang hinihintay ang magiging sagot niya. “Hindi pa naman sure 'yon anak. Depende pa rin 'yon sa schedule namin.” Para akong nabunutan ng tinik sa narinig. Hindi pa sigurado sina Mommy kaya may pag-asa pa na hindi matuloy ang pagpunta nila sa Academy. May pag-asa pa akong isalba ang tunay kong pagkatao. “What if Mommy ipa-cancel na muna natin iyon tutal naman ay hindi pa pala kayo sure. Kasi naghahanda po ang school sa pagbisita niyo,” alanganin ko namang sabi. “Ang Tito June mo talaga. Sinabi ko nang huwag na siyang mag-alala. Pipilitin na lang namin na makapunta para naman hindi sayang ang effort ng Tito mo,” masayang sabi naman sa akin ni Mommy. E? Supposedly, pipigilan ko sila pero ang nangyari ay mas lalo silang nagpursigi na makapunta sa Academy. Sa boses ni Mommy ay parang mas naging excited pa siya na makapunta sa school. “Pero Mommy,” alanganin kong sabi. “May problema ba anak? Bakit pakiramdam ko ay ayaw mo kaming pumunta sa school?” nagtatakang tanong pa niya sa akin. “Hindi naman sa ganoon Mommy,” kinakabahan kong tanong. Nawala bigla sa isipan ko ang pwedeng idahilan para mapigilan sila. Parang biglang nablangko ang utak ko. “Sige na anak, may kakausapin lang kami ng Daddy mo. Magkita na lang tayo this Friday. Ingat kayo ni Kanji dyan. I love you.” Hindi na ako nakapagsalita dahil ibinaba na ni Mommy ang tawag. Napatingin ako kay Shin dahil bigla siyang tumawa. Nang makita niyang seryoso ako ay tumigil siya bigla. “Ngayon lang kita nakitang ganito ka-stress. Hayaan mo na lang kasi na malaman ng lahat ang pagkatao mo,” seryosong sabi naman niya sa akin. “Hindi pwede. Tulungan mo ako Shin,” halos paiyak kong sabi. “Sinabi ko na sa 'yo noon, wala akong pagsasabihan ng sikreto mo pero hindi ko pagtatakpan ang pagpapanggap mo.” Napairap na lang ako. So ako lang talaga ang magdadala ng problema kong ito. Ano pa nga bang aasahan mo Akira? Ikaw lang naman ang may problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD