23

1989 Words
AKIRA’S POV Isang tahimik na umaga ang sumalubong sa amin ni Shin pagkarating sa Academy. Literal na tahimik dahil nang makita kami ng lahat ng estudyante ay tumigil sila sa pag-uusap at ang iba ay nagsilayuan pa. Nagkatinginan na lang kami ni Shin at hindi na nagsalita pa. Tahimik lang kaming naglakad papunta sa classroom namin. At isang rose ang nakapatong sa upuan ko nang makarating kami ni Shin sa classroom. Awtomatikong napataas ang kilay ko nang makita ko rin ang note na nakakabit dito. Agad namang dinampot ni Shin ang note. “I’m serious Akira. At patutunayan ko sa 'yo na mahal kita. From Miro.” malakas na basa ni Shin. Ibinaba niya ang note sa desk ko at saka bumaling sa akin. “I told you,” plain na sabi niya. Lumingon ako kay Miro na kasalukuyang naggigitara at kumakanta. Tiningnan din siya ni Shin na nakakuyom pa ang mga palad. Napabuntong hininga ako dahil iba ang kutob ko. “Hindi ko ine-expect na aabot sa ganito ang pantitrip niya,” hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi nagsalita si Shin bagkus ay tumayo siya. Kinuha niya ang bulaklak at naglakad palapit kay Miro. Agad akong naalerto at hinawakan sa braso si Shin para pigilan siya. “Shin, kung ano man ang naiisip mo, please lang. Stop it,” pakiusap ko sa kaniya. HIndi ko na hahayaan pa na may mangyari na naman. Baka mamaya ay magkasuntukan na naman silang dalawa. “I need to say something Akira,” seryosong sabi sa akin ni Shin. Pagkasabi niya noon ay tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglapit kay Miro. Hindi na ako nakasunod dahil hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko. Sobrang bilis na naman ng t***k ng puso ko at namamawis ang mga kamay ko. I need to do something. Pero wala akong magawa dahil na-estatwa na ako sa kinatatayuan ko. “Sinabihan na kita 'di ba? Bakit ba ginugulo mo si Akira?” narinig kong sabi ni Shin kay Miro. Hindi ko malaman kung galit ba si Shin o seryoso lang talaga siya. Maski ang mga kaklase namin ay natigilan sa kani-kanilang ginagawa. Ibinaba naman ni Miro ang gitarang hawak niya at tumayo para makaharap si Shin. “Sinabi ko rin sa 'yo 'di ba na hindi ako titigil. Patutunayan ko na niloloko mo lang si Akira.” Napairap na lang ako. Gustong gusto ko nang sabihin sa kaniya na nagpapanggap lang kami ni Shin pero hindi ko magawang makapagsalita. May kung ano sa akin na ayaw kong itigil ang pagpapanggap namin. Pakiramdam ko ay safe ako kapag alam nang lahat na boyfriend ko si Shin. Weird. “Paano mo patutunayan Miro?” nanghahamon na sabi ni Shin. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para lapitan si Shin. Nagawa ko naman iyon at hinila siya palabas ng classroom. Maaga pa naman kaya may oras pa para kausapin ng mabuti si Shin. Mabuti na lang at hindi na siya pumalag nang hinila ko siya. “Sinabi ko na sa 'yo 'di ba. Huwag mo nang patulan si Miro,” galit na sabi ko kay Shin. “Akira, boyfriend mo ako at hindi ako papayag na harap-harapan ka niyang ligawan. Wala na siyang respeto sa relasyon natin,” naiinis naman niyang sabi. Napabuntong hininga naman ako. “Teka nga, nagpapanggap lang tayong magkarelasyon. Bakit apektadong apektdo ka sa mga ginagawa ni Miro?” dere-deretso kong sabi sa kaniya. Medyo natigilan si Shin at tumawa siya ng mapakla. Tiningnan ko siya ng deretso sa mga mata niya at nakita ko ang lungkot na nakita ko noong binasted siya ni Inaki. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya dahil kay Inaki. Pero hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos niya ngayon. “Oo nga pala. Nagpapanggap nga lang pala tayo. So anong gusto mong gawin ngayon? Tapusin natin ang pagpapanggap pagkatapos ay papayagan mo na si Miro na ligawan ka?” sarcastic niyang sabi sa akin. “Ano? Wala akong sinabing ganyan Shin. Saan ba nanggagaling ang mga sinasabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Nagpapanggap lang kayo?” Natigilan ako nang biglang magsalita si Miro. Hindi ko na napansin na sumunod pala siya sa amin. Nagkapatong patong na ang mga problema ko. At nalaman pa ni Miro na nagpapanggap lang kami ni Shin. “Ayan na Akira. 'Yan ba ang gusto mo? Ang malaman niya? Oo Miro, hindi talaga ako boyfriend ni Akira. Masaya ka na?” “Shin,” naiiyak kong tawag. Sinubukan kong hawakan si Shin pero lumayo siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Sa dami na ng nangyari ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naglakad palayo sa akin si Shin at susundan ko sana siya pero hinawakan ako ni Miro. “Akira.” Hindi ko na kayang magkimkim pa ng saloobin ko. Marahas kong tinanggal ang salamin ko at humarap kay Miro. Wala na akong pakialam kung makita man niya akong umiiyak. “Pwede ba Miro? Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan? Nagkagulo g**o na ang buhay ko dahil sa 'yo. Hindi ka pa ba nakuntento doon? Ano pa bang gusto mong mangyari? Ano pa?” galit na galit na sabi ko sa kaniya. Kusang napabitaw si Miro sa akin. Sinamantala ko naman ang pagkakataon na 'yon upang habulin si Shin. Mabuti na lang at hindi siya nagteleport at natanaw ko agad siya. Tumakbo ako palapit sa kaniya at hinawakan sa braso niya. “Shin, sandali!” mahina kong sabi sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sundan at kausapin si Shin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ang laki ng kasalanan ko sa kaniya at kailangan kong ipaliwanag ang sarili ko. Naguguluhan ako pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na makausap agad si Shin. “Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo kausapin si Miro? Tapos na ang pagpapanggap ko bilang boyfriend mo. Pwede ka nang magpaligaw sa kaniya,” plain niyang sabi sa akin. “Ano ba talagang problema mo Shin? Hindi na kita maintindihan,” inis kong sabi sa kaniya. “Hindi mo ba talaga maintindihan? Nagseselos ako Akira,” deretsong sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niyang iyon. Ang daming pumasok sa isipan ko at hindi ko na alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako. Hindi ko na rin alam kung tama pa ba ang naririnig ko. “Ano bang pinagsasabi mo? Kung nagseselos ka kay Miro dahil siya ang gusto ni Inaki, bakit sa akin ka nagagalit?” pagmamaktol ko pa. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit nagseselos siya, hindi ba? Napatunayan niya siguro na si Miro nga ang mahal ni Inaki kaya siya nagkakaganito. Ang hindi ko na lang maintindihan ay kung bakit pati ako ay nadadamay sa g**o nilang tatlo. Hindi ko alam kung bakit pati ako ay kasali sa g**o nila. Tumingin si Shin sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hinigit niya ang braso niya kaya napabitaw ako sa kaniya. “Oo nga naman. Bakit nga ba sa 'yo ako nagagalit? Ewan ko sa 'yo Akira.” Pagkasabi nya noon ay bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Nakakapag-teleport pala siya na hindi gumagamit ng buntot niya? Ipinilig ko ang ulo ko. Tutal naman ay mukhang wala nang patutunguhan ang pag-uusap namin ay hinayaan ko na lang si Shin. Tahimik akong bumalik sa classroom at katulad ng dati ay pinagtitinginan ako ng lahat. Tumingin ako kay Miro at malungkot siyang nakatingin sa akin. Hindi ko na napigilan na irapan siya bago ako umupo sa upuan ko. Ang g**o g**o na ng buhay ko. Nakakainis. KANJI SHIN’S POV Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan na mag-teleport sa harap ni Akira. Dito ako dinala ng isip ko sa rooftop ng building. Sinuntok ko ang pader para mapakalma ang sarili ko. Hindi ko ginusto ang iniakto ko kay Akira pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan nang emosyon ko. “Mukhang hindi na ako ang dahilan ng pag-stay mo dito.” Napalingon ako kay Inaki na nakaupo sa railings ng rooftop. Nakangiti siya sa akin habang nilalaro ang buhok niya. Mababakas din sa mga mata niya na labis siyang natutuwa Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. “Anong ibig mong sabihin?” seryosong tanong ko. “Narinig ko ang lahat. At hindi ako manhid katulad ni Akira,” nakangising sagot naman niya sa akin. Tumalikod ako sa kaniya pero nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Inaki. Seryoso na ang mukha niya at nakatingin siya ng deretso sa mga mata ko. “Pwede tayong magtulungan Kanji. Mapapasa ‘yo si Akira at sa akin si Miro,” seryoso niyang sabi sa akin. Mapakla akong napangiti. “Si Miro nga ang taong ipinagpalit mo sa lahi mo,” hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi na ako nagulat na si Miro nga ang mahal niya. Noong sa restaurant pa lang ay alam ko na dahil halata naman iyon kay Inaki. Kilala ko na siya at wala siyang maitatago sa akin. “Oo at gagawin ko ang lahat mahalin niya lang ako,” determinadong sabi niya sa akin. “Ano bang mayroon sa lalaking 'yon? Bakit lahat kayo ay napapansin siya?” wala sa sariling tanong ko. “Kaya nga nakikipagtulungan ako sa 'yo. Makukuha mo ang mahal mo at makukuha ko ang mahal ko,” seryosong sabi naman niya. “Nahihibang ka na,” iiling iling na sabi ko. Naglakad ako palayo kay Inaki. Walang patutunguhan ang usapan namin ngayon. At isa pa, wala ako sa mood para kumbinsihin siyang bumalik na sa mundo namin. “Alam mo bang kayang kaya kong saktan si Akira sa oras na mapatunayan kong seryoso sa kaniya si Miro? Dahil hindi ako makakapayag na ang isang katulad niya lang ang mang-aagaw kay Miro,” galit niyang sabi sa akin. “Hindi mo pwedeng saktan si Akira dahil hindi mo alam kung sino siya,” mariin ko namang sabi. Bahagyang napangiti siya sa akin. “Kilala mo ako Kanji. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko,” may pagbabanta niyang sabi sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kaniya pero sadyang alerto siya dahil nasangga niya ang atake ko. Inambahan niya ako ng suntok niya pero nakaiwas din ako. Wala akong balak na saktan siya. Balak ko na lang sana na dalhin siya ng s*******n sa lugar namin upang matapos na ang lahat ng ito, upang matakasan ko ang realidad ng mundong pinuntahan ko. Lumayo ako sa kaniya pero sa bilis niya ay agad siyang nakalapit sa akin at sinipa ako. Hindi ko naiwasan 'yon kaya tumalsik ako at tumama ang likod ko sa pader. “Kilalang kilala mo ako Kanji kaya kung ako sa 'yo, palalayuin ko na si Akira kay Miro,” seryoso niyang sabi sa akin. "Ibig bang sabihin niyan ay wala ka na talagang balak na bumalik sa atin?" tanong ko naman sa kaniya. Mapaklang tumawa sa akin si Inaki. "Ano sa tingin mo?" balik tanong niya sa akin. Bahagya akong napangiti at nagpakawala ng buntong hininga. "Ipaglalaban mo si Miro pero nababawasan ang buhay mo. Gaano ka kasigurado na buhay ka pa sa oras na matutunan ka niyang mahalin?" deretsong tanong ko sa kaniya. Biglang natigilan si Inaki ngunit kalaunan ay nakabawi siya at bahagyang ngumiti. Hindi siya nagsalita at basta na lang siyang umalis sa rooftop at hindi ko na siya nagawang sundan pa. Nagulat ako sa ugaling ipinakita niya sa akin. Mukhang patay na patay talaga siya kay Miro at wala na akong magagawa doon. Ang inaalala ko na lang ngayon ay ang kaligtasan ni Akira. Dahil base na rin sa mga sinabi ni Inaki, hindi siya magdadalawang isip na saktan si Akira oras na magtagpo ang landas nila. Paano ko mapipigilan si Inaki? Paano ko poprotektahan si Akira kung tapos na ang pagpapanggap naming dalawa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD