24

2158 Words
AKIRA'S POV Hindi na pumasok pa si Shin at hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Ayoko na rin naman siyang isipin dahil masyado nang madami akong iniisip. Nandito ako ngayon sa gym at halos lahat nang nandito ay nagpa-practice para sa darating na Friday. Ilang araw na lang at mae-expose na ang pagkatao ko at hanggang ngayon ay wala akong maisip na paraan para mapigilan iyon. Lunch na at hindi ko pa rin nakikita si Shin. Umuwi na siguro 'yon. Lagi na lang siyang absent sa klase. Sabagay, pansamantala lang din naman siya dito. At isa pa, bakit ko ba siya pinoproblema? Isa siya sa nagpapagulo sa buhay ko kaya bakit ko pa ba siya iniisip? Nawalan na ako ng ganang kumain kaya hindi na ako nag-abalang pumunta sa cafeteria. Tumambay na lang ako dito sa library dahil at least dito, walang masyadong tao at walang mga masasamang tingin ang nakamasid sa akin. Umalis na ako sa gym dahil hindi ko kayang makita ang ibang estudyante na abala sa paghahanda para sa pagdating ng mga magulang ko at para sa pagbunyag ng tunay kong pagkatao. “Akira, pwede ka bang makausap tungkol kay Kanji?” Natigil ang pagbabasa ko nang biglang lumapit sa akin si Inaki. Nakangiti siya sa akin at parang ang hirap niyang tanggihan. Hindi ako sanay nang nakikipag-usap sa iba pero tutal naman ay naglakas ng loob siyang lapitan ako, sino ba naman ako para tanggihan siya. Wala pang kinse minuto akong nandito sa library pero mukhang mauudlot agad ang pagbabasa ko. “Anong tungkol sa kaniya?” seryosong tanong ko sa kaniya. “Pwede bang huwag dito?” nakangiting sabi naman niya. Napatango na lang ako at sumunod sa kaniya palabas ng library. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumapit sa akin si Inaki. Wala akong idea kung anong pag-uusapan namin. Na-realize na kaya niya na mahal pa rin niya si Kanji? Pero hindi ba dapat si Kanji ang kausapin niya at hindi ako? Sa likod ng building ako dinala ni Inaki. Wala nang tao ang pumupunta dito dahil nga pinakalikod na ito. Medyo nakaramdam ako ng kaba dahil masyadong isolated area na ang pinagdalhan sa akin ni Inaki. Pero mas pinili ko pa ring ikalma ang sarili ko dahil baka ito na nag matagal na hinihintay ni Shin, ang bumalik sa kanila ang babaeng mahal niya. “Anong tungkol kay Shin?” panimula ko nang tumigil kami sa paglalakad. “Actually, it’s not about Kanji. It’s about Miro,” seryosong sagot naman niya. Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Sumama ako sa kaniya dahil si Shin daw ang pag-uusapan namin. Tapos biglang si Miro ang babanggitin niya. “Tell me Akira, may gusto ka ba kay Miro?” seryoso niyang tanong sa akin. Nagpakawala ako ng buntong hininga. “W-wala. Pati ba naman ikaw Inaki, tatanungin ako ng ganyan,” hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya. Hindi nagsalita si Inaki bagkus ay inilabas niya ang siyam nyang buntot. Kung si Shin ang kaharap ko ngayon ay wala lang sa akin ito. Pero the mere fact na si Inaki ang kaharap ko, nakakaramdam ako ng takot. Nagliwanag ang lahat ng siyam na buntot ni Inaki at kusa akong napatingin sa mga mata niya. Naging kulay green ang mga mata niya. “Akira, makinig ka sa akin. Lilipat ka ng school at hinding hindi na magpapakita pa kay Miro,” seryosong seryosong sabi pa ni Inaki. Napakunot ang noo ko. Anong karapatan ni Inaki na utusan akong lumipat ng school? Dinaig pa niya si Mommy kung mag-utos. Kung sina Mommy nga na siyang may-ari ng school ay ayaw akong paalisin dito, siya pa kaya na kapwa estudyante ko lang. Tiningnan ko lang siya nang nagtataka hanggang sa nawala na ang liwanag ng buntot niya. Itinago na rin niya ito at masamang tumingin sa akin na ikinaatras ko naman. “Bakit hindi ka tinatablan ng hypnotism ko?” galit niyang tanong sa akin. Hypnotism? Kaya pala ganoon siya magsalita dahil sinubukan niya akong I-hypnotize, katulad ng ginawa ni Shin sa mga kumidnap sa amin noon. “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” iiling iling na sabi ko naman. “At hindi ka man lang nagulat sa nakita mo. Ibig sabihin ay alam mo ang sikreto namin ni Kanji,” hindi makapaniwalang sabi niya. Nagulat na lang ako nang sugudin niya ako at hinawakan niya ako sa leeg. Hindi ako agad nakaiwas dahil sa bilis ng pagkilos niya. “I-inaki,” nahihirapan kong tawag sa kaniya. “Sino ka? Bakit hindi tumatalab sa 'yo ang kapangyarihan ko?” galit na tanong niya sa akin. Pahigpit nang pahigpit ang hawak ni Inaki sa leeg ko at unti unti na akong hindi makahinga. Halos nakaangat na rin ako sa lupa kaya mas lalong nakaramdam ako ng takot. Bakit ganito? Paano nagagawa ni Inaki na saktan ako gamit ang lakas ng pagiging Nine Tailed niya? Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang sumigaw sa isip ko. Shin! Tulungan mo ako! KANJI SHIN’S POV Nagulat ako nang biglang sumigaw sa isip ko si Akira. Alam na alam ko ang boses niya kaya alam kong siya 'yon. Bakas sa boses niya ang takot kaya agad kong pinalabas ang siyam kong buntot at nag-teleport. Sa pinakalikod ng Academy ako dinala ng mga buntot ko. Naabutan ko si Inaki na sakal sakal niya si Akira. Halos hindi na makahinga si Akira dahil nakaangat na ito sa ere. “Inaki!” maakas kong sigaw. Nang makita ako ni Inaki ay agad niyang binitawan si Akira pero hinampas niya ito sa batok na siyang ikinawala nang malay ni Akira. Agad akong tumakbo at nasambot si Akira. Chineck ko ang pulso niya at medyo nakahinga ako ng maluwag dahil normal lang ito. Inihiga ko muna siya sa damuhan at hinarap si Inaki. Sa galit ko ay sinugod ko si Inaki at hinawakan ko rin siya sa leeg niya. Pero sadyang malakas pa rin siya dahil nagawa niyang makawala sa pagkakahawak ko. “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Inaki?” galit kong sabi sa kaniya. “Hindi tumalab sa kaniya ang panghihipnotismo ko,” galit din na sabi sa akin ni Inaki. Bahagya akong natigilan ngunit agad ding nakabawi. Sinamaan ko ng tingin si Inaki. “At sa anong dahilan bakit gusto mo siyang kontrolin?” “Sabi ko naman sa 'yo, gagawin ko ang lahat para mahalin ako ni Miro. Wala akong balak na saktan siya pero hindi ko siya makontrol,” sagot naman niya sa akin. Napa-buntogn hininga ako. “Kung ganoon, bakit hindi si Miro ang kontrolin mo? Bakit dinadamay mo si Akira dito?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Dahil gusto kong maramdaman na totoo ang pagmamahal sa akin ni Miro,” mangiyak ngiyak na sagot naman niya. “Sa tingin mo sa ginagawa mong ito, mamahalin ka niya? Inaki, wake up! Wala kay Akira ang problema. Hindi niya kasalanan kung hindi ka ma-appreciate ni Miro.” Isang sampal ang pinadapo ni Inaki sa akin. “Wala kang alam Kanji. Hindi mo alam kung anong mga pinagdaanan ko para lang mahalin ako ni Miro. Pero dahil sa babaeng 'yan, nabalewala ang lahat ng 'yon,” umiiyak na sabi niya sa akin. “Alam ko ang pakiramdam na 'yan dahil ginawa ko rin ang lahat para sa 'yo, pero dahil kay Miro, nabalewala lang ang lahat,” seryosong sabi ko naman. Tumalikod sa akin si Inaki at patuloy pa rin ang pag-iyak niya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka-emosyonal. Ibig sabihin ay mahal niya talaga si Miro. “Hindi ako pwedeng matalo Kanji. Hindi ako pwedeng bumalik sa lahi natin na isang talunan,” sabi pa niya. “Sa kagustuhan mong makuha ang gusto mo, nagagawa mong manakit ng tao. Hindi na tama Inaki. Nakalimutan mo na rin ang batas natin na bawal manakit ng tao nang walang sapat na dahilan,” seryosong sabi ko naman. “Sinabi ko na sa 'yo, gagawin ko ang lahat,” matigas niyang sabi. Napailing ako. Wala akong ibang choice kundi sabihin sa kaniya ang tunay na pagkatao ni Akira. Ito lang ang nakikita kong paraan para maprotektahan siya. “Alam mo ba kung sino ang mga magulang ni Akira?” seryosong tanong ko kay Inaki. Matapang na humarap sa akin si Inaki. “Wala akong pakialam kung sino ang mga magulang niya,” walang emosyon niyang sabi sa akin. Hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay deretso akong tumingin sa mga mata niya. “Si Mr. Alejandro Montenegro at Mrs. Rachell Montenegro ang magulang ni Akira.” Hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumutla ni Inaki. Tumingin siya sa walang malay na si Akira. “Imposible. Reyes ang surname niya,” wala sa sariling sabi niya. “Reyes, ang apelyido ni Mrs. Rachell noong dalaga pa siya,” maiksing sabi ko. Parang nanlambot ang mga tuhod ni Inaki dahil napaupo siya sa damuhan. “Binalaan na kita Inaki na hindi mo kilala si Akira.” “Kaya pala hindi siya tinablan ng hypnotism ko,” hindi makapaniwalang sabi niya. “Hindi ako makapaniwala na magagawa mo ito Inaki. Hindi ko na kayang palampasin pa ito. Ipaparating ko ito sa Hari at Reyna,” mahina kong sabi. “No Kanji. Please!” pagmamakaawa niya. Tumalikod na ako sa kaniya at humarap kay Akira na wala pa ring malay. Kailangan ko siyang madala sa condo para ma-check kung okay lang ba talaga siya. Kailangan kong makasiguro na wala nang ibang ginawa si Inaki sa kaniya. Hahakbang na sana ako palapit kay Akira pero bigla akong niyakap ni Inaki mula sa likod. Mahigpit ang yakap niya na nakapagpatigil sa akin. “I promise Kanji, hinding hindi ko na sasaktan o lalapitan si Akira. Pakiusap, huwag mo akong isumbong. Hindi ko makakaya na s*******n nila akong ibalik sa lugar natin para ikulong. Pakiusap Kanji,” umiiyak na sabi sa akin ni Inaki. “Sana naisip mo 'yan bago mo sinaktan si Akira,” walang emosyon kong sabi sa kaniya. “Shin,” mahinang tawag ni Akira. Tinanggal ko ang mga kamay ni Inaki na nakayakap sa akin at agad kong nilapitan si Akira. Agad ko siyang sa mukha niya para pakiramdaman kung ayos lang ba siya. “Dumating ka Shin,” nakangiti sabi pa ni Akira habang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Pero after noon ay nawalan na ulit siya nang malay. Binuhat ko siya at agad kong nilabas ang siyam na buntot ko at nag-teleport papunta sa condo. Hindi ko na tiningnan pa si Inaki kung anong ginagawa niya. Ang alam ko lang ay umiiyak pa rin siya bago ako makapag-teleport. Pagkarating sa condo ay agad ko siyang inihiga sa bed niya. Itinapat ko ang kamay ko sa noo niya at pinadaloy ang enerhiyang nanggagaling sa mga buntot ko. Unti unting nawala ang marka sa leeg niya dulot nang pagkakasakal ni Inaki sa kaniya kanina. Nagiging normal na rin ang pulso niya kaya alam kong okay na talaga siya. Lumabas na lamang muna ako at nagpunta sa may kusina upang uminom ng tubig. Mabuti na lang at hindi malala ang sinapit niya kay Inaki dahil hindi ko alam ang magagawa ko kay Inaki kapag may nangyaring masama kay Akira. Madami nang pinoproblema si Akira at dumagdag pa itong si Inaki. Hindi ko ata kayang palampasin ang ginawa niya. Kailangan ko na siyang I-report dahil hindi na niya makontrol ang sarili niya dahil kay Miro. I need to do something. Pero sa oras na I-report ko siya, paniguradong ikukulong siya ng Hari at Reyna. Mawawalan na ako ng problema dahil maibabalik na si Inaki sa mundo namin. Ngunit kaakibat din noon ang pagbabalik ko sa mundo namin. Kaakibat noon ang paghihiwalay na namin ni Akira. At hindi ko alam kung handa na ba ako para doon. “Huwag Inaki!” Naputol ang pag-iisip ko nang magising si Akira na pawis na pawis. Takot na takot siya kaya agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya at nakaupo na siya sa bed. “Akira,” nag-aalalang tawag ko sa kaniya. “No! Huwag kang lalapit sa akin!” galit na sabi niya sa akin. “Akira?”gulat na sabi ko. “Please Shin, huwag muna,” umiiyak na sabi niya. Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas ng kwarto niya. Naiintindihan ko kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya. Na-trauma na siya sa ginawa sa kaniya ni Inaki. Ang hindi ko lang inasahan na pati sa akin ay matatakot siya. At nasasaktan ako na makita ang pagkatakot sa mga mata ni Akira. Napakuyom na lang ako. Lalo akong nakaramdam ng galit kay Inaki. Sa lahat nang pwedeng mangyari, ang pagkatakot ni Akira sa lahi namin ang pinaka iniiwasan ko pero heto na nga, natakot na siya. At hindi ko alam kung paano maaalis sa kaniya ang pagkatakot. Hindi ko alam kung ano nang gagawin sa mga oras na ito. Ang alam ko lang ay nasasaktan ako dahil sa mga nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD