25

1972 Words
KANJI SHIN’S POV Dalawang araw na akong hindi pinapansin ni Akira. Ayoko rin naman siyang kulitin dahil baka mas lalo siyang matakot sa akin. Ramdam ko rin ang pag-iwas niya dahil bihira siyang lumabas ng kwarto niya. Kapag naman pumapasok kami sa school ay tahimik lang siya at hindi nakikipag-usap sa akin. Hindi na rin kami sabay kumakain. Ang totoo ay nami-miss ko na siya. Magkasama nga kami sa iisang bubong pero pakiramdam ko ay may malaking pader ang umaagwat sa aming dalawa. Simula noong insidente ay hindi ko pa rin nakakausap si Inaki. Kapag nagtatagpo ang landas namin ay lagi niyang kasama si Miro. Lagi rin siyang paiwas sa akin. Si Miro naman ay tumigil na rin sa pangungulit kay Akira. Hindi ko alam kung sumuko na ba siya o naghihintay lang ng tamang pagkakataon. O baka sinabi ni Inaki ang tunay na pagkatao ni Akira. Wala na ring nagtangkang mang-trip sa kaniya na ikipanatag ko naman ng loob ko. Ang problema ko na lang ay ang hindi niya pagpansin sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang tagalan pa ang pagkatakot niya sa akin. Hindi ko na kayang tiisin ang silent treatment niya. Kailangan ko na siyang makausap. Kasalukuyan kaming nakasakay ngayon sa sasakyan dahil papunta na kami sa Academy. Ramdam ni Tatay Damian ang hindi namin pagkakaunawaang dalawa pero hindi na lang siya nagsasalita. At sa tuwing tumitingin ako kay Akira, nakikita ko sa kaniya ang dating Akira na walang pakialam sa mundo, ang Akirang may sariling mundo. Pagkahinto nang kotse sa tapat ng Academy ay agad nang bumaba si Akira. Mabilis siyang naglakad papasok sa school at agad ko naman siyang hinabol. “Kaya siguro hindi sila nagpapansinan.” “Totoo nga ang sinasabi ni Prince Miro na pinaglalaruan niya lang ang nerd na iyon.” “Kawawa naman siya pero karma niya na iyon dahil yaman lang naman ang habol niya kay Kanji.” Natigil ako sa paglalakad dahil sa mga narinig ko. Maski si Akira ay napatigil din at tiningnan niya ang mga babaeng nag-uusap sa may hallway. Parang nahintakutan naman ang mga babae dahil bigla silang umalis. Agad akong lumapit kay Akira na nakatingin pa rin sa mga babaeng palayo. “Akira. Ayos ka lang?” seryosong tanong ko sa kaniya. “Oo,” maiksing sagot naman niya. Ganito lang lagi ang scenario kapag tinatanong ko siya. Laging one word lang ang isinasagot niya sa akin. Akmang maglalakad na muli si Akira kaya hinawakan ko siya sa braso niya. “Akira, kausapin mo ako,” pakiusap ko sa kaniya. “Wala namang dapat pag-usapan Shin,” walang emosyong sagot niya. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil “Shin” pa rin ang tawag niya sa akin. Pakiramdam ko ay nandoon pa rin ang Akira na nakipagkaibigan sa akin. “Ayokong natatakot ka sa akin. Ayokong iniiwasan mo ako. Ayoko nang pakikitungo mo sa akin ngayon,” pag-amin ko sa kaniya. “Kanji, may problema tayo.” Sabay kaming napalingon ni Akira kay Inaki. Galit ito at nanlilisik pa ang mga mata na nakatingin sa akin. Tiningnan ko si Akira dahil baka natatakot siya pero deretso lang siyang nakatingin kay Inaki. Walang bakas nang pagkatakot sa kaniya. Mukhang si Inaki pa nga ang natakot dahil bahagya siyang kumalma at tumungo. “Anong problema?” seryosong tanong ko. “Halika sa classroom mo.” Naglakad patungo sa classroom si Inaki. Nagkatinginan kami ni Akira at sabay na sinundan siya. Pagkarating namin doon ay mga pictures na nakadikit sa dingding ang bumungad sa amin. Mga litrato namin ni Inaki noong nag-usap kami at kinumbinsi ko siyang sumama na sa akin. Ang mga litratong iyon ay iyong nakayakap ako kay Inaki. Pare-pareho lang ang mga litrato pero sa iba’t-ibang anggulo kinuha. Kaya pala ganoon na lang ang pag-uusap nang tatlong babae kanina dahil sa mga litratong ito. “Sino ang may pakana nito?” tanong ko kay Inaki. Si Akira ay nakatingin lang sa mga litrato. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Imposible namang siya ang may pakana nito dahil hindi niya gugustuhing madamay sa issue namin ni Inaki. Ang alam ng lahat ay boyfriend niya ako kaya damay na siya sa issue na ito. “Hindi ko alam. Sana man lang Kanji, bago mo ako hinabol ay tiningnan mo muna kung may nakakakita sa atin,” inis na sabi niya. “Hindi na kasalanan ni Shin na nagpahabol ka sa kaniya. Kung noong una pa lang ay sumama ka na sa kaniya, hindi na sana mangyayari pa ito. At hindi na sana ako nadamay sa inyo,” seryosong sabi naman ni Akira. Pagkasabi noon ni Akira ay pumasok na siya nang classroom. Sinundan ko siya nang tingin dahil hindi ako makapaniwala na masasabi niya iyon kay Inaki. “Kanji,” pagtawag sa akin ni Inaki. Parang biglang nanlambot si Inaki at napahawak siya sa pader para hindi siya tuluyang bumagsak. Nanginginig ang mga tuhod pati ang mga kamay niya. Naiintindihan ko kung bakit ganito ang naging reaksyon niya sa sinabing iyon ni Akira. Naiintindihan ko rin kung bakit nakakaramdam na siya ng takot. Tinanggal ko ang mga litrato at itinapon iyon sa basurahan. “Hindi ako pwedeng magkaroon ng koneksyon sa iyo Kanji. Anong gagawin natin?” nababahalang sabi sa akin ni Inaki. “Hindi ko rin alam Inaki,” pag-amin ko sa kaniya. “Hindi pwedeng hindi mo alam!” galit na sambit naman niya sa akin. “May sarili akong problema Inaki. Ginusto mong manatili dito hindi ba? Solusyunan mo ang problema mo,” naiinis ko namang sabi sa kaniya. Hindi ko ginustong bastusin si Inaki nang ganoon. Pero naiinis na ako sa kaniya na puro sarili niya lang ang iniisip niya. Wala nang ibang mahalaga sa kaniya kundi ang sarili niya. “Totoo nga na magkakilala kayo,” singit sa amin ni Miro na kararating lang sa harap ng classroom. “Miro,” sambit ni Inaki. “Siya ba ang sinasabi mo na mahal mo pero hindi niya maramdaman at binabalewala ka lang niya?” hindi makapaniwalang tanong naman ni Miro. “No Miro,” pagtanggi ni Inaki. Hindi pinansin ni Miro si Inaki bagkus ay lumapit ito sa akin. “Hindi lang pala si Akira ang pinaglalaruan mo pati pala si Inaki.” Sa galit ni Miro ay kinuwelyuhan niya ako. Hindi naman ako nagsalita at pirming nakatingin lang ako sa kaniya. “Miro, I told you, hindi siya ang lalaking tinutukoy ko,” galit na sabi naman ni Inaki. “Then who?” “Ikaw!” umiiyak na pag-amin ni Inaki. Ayos! Sa harapan ko pa talaga umamin si Inaki sa taong mahal niya. Hindi naman na ako masyadong nasaktan pero sana man lang ay nagpasintabi siya. Unti-unti akong binitawan ni Miro at kunot noo siyang humarap kay Inaki. “Ano?” hindi makapaniwalang sabi ni Miro. Humarap din ako kay Inaki at nakita siyang umiiyak na. Ni minsan ay hindi ko pinaiyak si Inaki pero sa lalaking ito, ang daming nailuha na yata niya. “Nagulat ka pa ba? Napakamanhid mo naman Miro,” sarcastic na sabi naman ni Inaki. Tumakbo palayo si Inaki. Sa sobrang pagkabigla ay hindi alam ni Miro kung susundan ba niya ito o hahayaan na lang muna. Ngunit hindi na niya nagawang sundan pa si Inaki dahil parating na ang teacher namin. Tahimik na lang akong pumasok sa classroom at umupo sa tabi ni Akira na kasalukuyang nagbabasa ng libro. Hindi ko alam kung narinig niya ang usapan naming tatlo sa labas kanina. Hindi man lang siya nababahala o nag-aalala. Kalma lang siyang nagbabasa ng libro niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na nasabi niya ang mga ganoong bagay kay Inaki kanina. Alam ko namang nag-aalala lang siya dahil malaking issue sa school ang mga litrato namin ni Inaki. Siguradong pag-uusapan din siya ng lahat dahil ang alam nila ay si Akira ang girlfriend ko. Napakalaking g**o ang ginawa nang taong nasa likod ng mga litrato. At kahit ganito ang iniaakto ni Akira, alam kong problemado na siya dahil sa mga nangyayari. AKIRA’S POV Tahimik na pumasok si Shin sa classroom at umupo sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at alam ko namang hindi na rin niya ako kukulitin. Sinadya ko ang hindi pagpansin sa kaniya ng ilang araw dahil ayoko nang mapalapit pa sa kaniya. Masyado nang maraming nangyari simula noong dumating siya dito. Nagiging komplikado na ang buhay ko kaya sinamantala ko ang pagkakataon noong sinaktan ako ni Inaki para lumayo sa kaniya. Ang totoo ay hindi naman ako masyadong natakot kay Inaki. Hindi rin ako nakakaramdam ng takot sa lahi ni Shin. Umiiwas lang ako sa kaniya para iligtas ang sarili ko. Tungkol naman kay Miro, wala akong magagawa kung pinagtitripan niya ba ako o totoo na ang mga sinasabi niya. Hindi na rin naman siguro ako sasaktan ni Inaki nang dahil lang doon. Panigurado ay pinagsabihan na siya ni Shin kaya hindi ko na pinoproblema iyon. Ang iniisip ko na lang ngayon ay ang mga litrato nina Shin. Kung tutuusin ay wala dapat akong pakialam doon pero dahil nagpanggap si Shin na boyfriend ko, paniguradong dawit ako sa issue na iyon. Kanina nga lang ay hindi ko napigilan ang sarili ko na samaan ng tingin ang tatlong babae na harap-harapan kaming pinag-uusapan. Gusto ko nang ibalik ang tahimik kong buhay kaya ko iniwasan si Shin, pero heto na naman, nagulo na naman. Hindi ko masabi kina Mommy na ayaw ko nang kasama si Shin sa condo dahil paniguradong hindi sila papayag. Hindi ko rin masabi na ayoko nang magpahatid kay Tatay Damian dahil magagalit lang sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung paano malulusutan ang mga gusot na pinasok ko. Kung sino man ang naglabas ng mga litratong iyon, sana makatulog siya sa gabi habang may ginugulo siyang buhay. Ang laking epekto sa aming tatlo ang mga litratong iyon. At hindi ko alam kung bakit ngayon lang iyon inilabas ng kung sino man ‘yon. Kung sino man ‘yon, paniguradong ang laki ng galit no’n. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may ipinatong na papel si Shin sa desk ko. Tiningnan ko iyon at binasa ang nakasulat. Kailangan nating mag-usap mamaya. Iyon ang nakalagay sa papel. Hindi na makapagsalita itong si Shin dahil nag-umpisa na rin ang klase namin. Kumuha ako nang ballpen at sinulatan din ang papel. Wala tayong dapat pag-usapan. Ayusin niyo ni Inaki ang problema niyo at huwag niyo akong idamay. Pagkatapos kong magsulat ay ibinalik ko ang papel kay Shin. Wala na kaming dapat pag-usapan at ayoko ring makipag-usap sa kaniya. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga. Hindi ko ginusto ang umiwas sa kaniya pero kailangan kong gawin. Alam kong magiging masama ang tingin niya sa akin pero wala akong magagawa. Katulad ng sinabi ko, I need to save myself for whatever I am feeling right now. Ngunit nagulat na lang ako nang biglang hawakan ni Shin ang kamay ko. Agad ko iyong hinila ngunit sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tiningnan ko siya ngunit siya naman ay pirming nakatingin lang sa unahan. Tumingin din ako sa unahan at seryoso nang nagtuturo ang teacher namin. Palihim ko pa ring binabawi ang kamay ko ngunit sa huli ay napabuntong hininga na lang ako. Wala talagang balak na bumitaw itong sii Shin at ayoko namang maagaw namin ang atensyon ng lahat. Marahan akong napailing. At wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lang si Shin na hawak ang kamay ko kahit hindi ako komportable. Ang bilis ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay namamawis na rin ang kamay ko na hawak niya. Bahala na siya dyan. Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay yari talaga sa akin ang lalaking ito. Alam na alam niya kung paano ako mapapa-react sa mga ginagawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD