MIRO’S POV
Pagkatapos nang morning class ay agad kong pinuntahan si Inaki sa classroom niya. Kanina pa kasi ako hindi makapag-isip nang ayos dahil sa nangyari kaninang umaga. Paulit ulit na naglalaro sa utak ko ang mga sinabi ni Inaki kaya kailangan ko na siyang makausap. I need to clarify some things. At alam kong hinid rin siya okay dahil sa mga pictures nila ni Kanji na kumalat sa Academy. Isa rin iyon sa kailangan kong malaman. At kung ano ba talaga ang mayroon sa kanila ni Kanji.
“Inaki,” pagtawag ko kay Inaki nang makalabas siya ng classroom niya. Nakatayo ako sa may pintuan nila at halos pinagtitinginan na rin ako ng mga kaklase niya.
Tumingin lang siya sa akin at nag-umpisa na ulit siyang maglakad. Kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila siya palayo sa maraming estudyante.
“Ano ba Miro? Anong problema mo?” galit niyang tanong sa akin habang pumapalag siya sa paghila ko sa kaniya.
“Kailangan nating mag-usap," seryosong sabi ko naman.
Patuloy lang ako sa paghila sa kaniya hanggang sa makarating kami sa garden kung saan walang masyadong tao at walang makakarinig ng pag-uusapan namin. Ayoko nang madagdagan pa ang issue na kumakalat sa buong school.
“Ano pa bang gusto mong marinig bukod sa mahal kita?” deretso niyang sabi sa akin.
Hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako kapag binabanggit niya iyon. Gusto kong isipin na baka pinagtitripan niya lang ako. Gusto ko siyang pagtawanan at sabihin sa kaniya na hindi niya ako maloloko. Pero alam ko kapag nagloloko at kapag seryoso si Inaki. At sa nakikita ko ngayon, mahirap mang paniwalaan pero parang seryoso siya. At hindi ko kayang tanggapin ang mga sinasabi niya.
“Inaki, kung balak mo akong pagtripan, itigil mo na dahil hindi ako natutuwa,” seryosong sabi ko sa kaniya.
“Sa tingin mo ba nagloloko ako? Kilala mo ako Miro. Alam mo kapag nagsasabi ako ng totoo,” mariin niyang sabi sa akin.
“Imposible,” iiling iling na sabi ko.
“Imposible? Nakakatawa ka Miro. Sa lahat nang pinakita ko sa iyo, imposible pa rin ba na mahal kita?” hindi makapaniwalang sabi niya.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Para na tayong magkapatid Inaki. Kaya imposible iyang sinasabi mo.”
Tumawa nang mapakla si Inaki habang tumutulo ang mga luha niya. “Kapatid? Iyon lang ba ang tingin mo sa akin?” malungkot na sabi niya sa akin.
Hindi ako nakasagot agad kahit ang totoo ay kapatid lang talaga ang tingin ko sa kaniya. Kung totoo ngang mahal niya ako, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya dahil kapatid lang talaga ang turing ko sa kaniya. Ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin at hindi ko alam kung anong dapat na gawin. Ayokong mawala ang friendship na mayroon kami pero naging kumplikado na ang lahat.
“What about the pictures? Sa nakita ko, alam kong may namamagitan sa inyo ni Kanji,” seryosong sabi ko sa kaniya nang maalala ko ang mga pictures na bumulaga sa amin kaninang umaga.
Marahang ngumiti si Inaki. ”Kanji? Siya lang naman ang kaisa-isang nagparamdam sa akin na kamahal-mahal ako. But sad to say, nagawa ko siyang iwan dahil sa pagmamahal ko sa ‘yo.”
Napaiwas ako ng tingin kay Inaki. “I’m sorry,” ang tanging nasabi ko na lang.
Ngayong napatunayan ko na hindi totoo ang relasyon nina Akira at kanji, nagkaroon ako ng pag-asa na mamahalin din ako ni Akira. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at handa akong sumugal sa kung ano man ang maaaring mangyari. Papatunayan ko kay Akira na totoo ang nararamdaman ko.
“No. Hindi ako papayag na ganito lang Miro. I will make you fall inlove with me,” matapang na sabi pa ni Inaki.
“Inaki, si Akira ang mahal ko. And this time, sigurado at seryoso ako sa kaniya,” sagot ko naman.
Marahang umiling si Inaki. “Hindi. Natapakan lang ni Akira ang ego mo kaya ka nagkakaganyan. Sigurado ako na dagdag lang siya sa koleksyon mo.”
“I want to save our friendship Inaki. Kaya nakikiusap ako sa iyo, kung ano man ang nararamdaman mo sa akin, itigil mo na dahil nakakabatang kapatid lang ang tingin ko sa iyo. Sana ay maintindihan mo iyon.”
Tumalikod ako kay Inaki at akmang maglalakad na palayo ngunit hinigit niya ako. Sa lakas nang pagkakahigit niya ay nadala ako palapit sa kaniya. Naglapat ang aming mga labi na hindi ako agad nakakilos dahil sa pagkabigla.
Nang iginalaw niya ang kanyang labi ay doon ako natauhan at marahas akong lumayo sa kaniya.
“Miro,” umiiyak na sabi sa akin ni Inaki.
“Kaibigan kita Inaki at sana maintindihan mo na hanggang doon na lang ang kaya kong ibigay sa iyo,” seryosong sabi ko sa kaniya.
“Ano bang pwede kong gawin upang mahalin mo rin ako? Ano bang mayroon si Akira na wala ako?”
“Ayaw ko nang masaktan ka pa Inaki. Mas makakabuti na lang din siguro na mag-iwasan muna tayo hanggang sa makalimot ka. I’m sorry.”
Pagkasabi ko noon ay umalis na ako sa garden. Ayokong saktan si Inaki pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya. Ito na lang siguro ang pinakamainam na gawin upang hindi siya mas lalong masaktan. Sana dumating ang oras na matanggap niya at makalimutan niya ang pagmamahal niya upang bumalik ang pagkakaibigan namin. Inaki is one of my treasures that I don’t want to lose. Sana ay ma-realize niya iyon. Ngunit nang makita ko si Kanji sa hindi kalayuan ay muli akong humarap kay Inaki.
“What about you and Kanji? Base sa picture na nakita ko, mukhang mahal ka pa rin niya,” seryosong sabi ko sa kaniya. Sa mga litrato kasi ay nakita kong si Kanji ang naghahabol sa kaniya. Kaya ang hinuha ko ay gusto pa ring makipagbalikan ni Kanji sa kaniya.
“You don’t understand. Matagal na kaming tapos,” wala sa sariling sabi naman niya.
“Alam mo bang ginamit lang ni Kanji si Akira para pagselosin ka?”
Nauunawaan ko na ngayon kung bakit nagpapanggap sina Kanji at Akira. Ginawa nila iyon upang pagselosin si Inaki at upang makipagbalikan ito kay Kanji. Ang kailangan ko na lang malaman ay kung hindi nahulog ang loob ni Akira sa lalaking iyon. Dahil kung nahulog siya, paniguradong nasasaktana siya ngayon.
Hindi nagsalita si Inaki bagkus ay nagpakawala siya ng mapaklang tawa. Kumunot naman ang noo ko dahil sa iniakto niyang iyon. Hanggang sa may itinuro si Inaki na agad ko namang tiningnan. It’s Kanji and Akira. Magkayakap silang dalawa.
“Sa tingin mo ba ay ginagamit lang ni Kanji si Akira? I don’t think so.”
Pagkasabi noon ni Inaki ay umalis na siya habang ako ay naiwang nakatingin lang sa dalawa na magkayakap pa rin hanggang ngayon. Naikuyom ko ang mga kamao ko.
AKIRA’S POV
Pagkatapos ng morning class ay hindi na ako tinigilan ni Shin sa pangungulit kaya heto, nandito kami sa may dulo ng hallway kung saan wala masyadong nagagawing estudyante rito.
“Regarding doon sa litrato Akira,” panimula niya.
“Let’s break up,” pagputol ko sa sinabi niya.
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Shin. Tumingin ako sa kaniya at mababakas ang pagkagulat sa mga mata niya. Ito lang ang naiisip kong paraan para tuluyan ko na siyang iwasan, ang pagtigil nang pagpapanggap naming dalawa. At isa pa, bakit pa ba siya magugulat gayong may nakakaalam naman na nagpapanggap lang kami at si Miro pa iyon.
“What?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Nalaman na ng lahat na magkakilala kayo ni Inaki. Ito na ang pagkakataon mo para mas makumbinsi siyang sumama sa iyo. Paniguradong mas hindi siya mamahalin ni Miro dahil may isang Kanji sa buhay niya. Mas mawawalan ng rason si Inaki na manatili dito. At isa pa, alam naman na rin ni Miro ang totoo. Nakakapagtaka nga na hindi pa niya ikinakalat sa lahat ang nalaman niya,” dere-deretso kong sabi sa kaniya.
“Bakit ba pakiramdam ko, ipinagtatabuyan mo na ako?” may himig na pagtatampong sabi niya.
“Bakit Shin? Hindi ba ito naman talaga ang misyon mo kaya ka nandito? Tinutulungan na kita para mas mapabilis ang pangungumbinsi mo kay Inaki,” seryosong sabi ko naman.
“Sandali, huwag mong sabihin na ikaw ang may pakana ng mga litrato?” nagdududang tanong naman niya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sinabi niya. “Sa tingin mo ba gagawa ako ng ganiyan na alam kong madadawit ako sa issue na ‘yan?” inis kong sabi sa kaniya.
Napabuntong hininga naman si Shin at saka malumbay na tumingin sa akin. “I’m sorry. Ang dami na lang kasing nangyayari at hindi ko na alam ang gagawin.”
“Exactly, ang dami nang nangyayari. At matatapos lang ang lahat ng ito kapag bumalik na kayo ni Inaki sa lahi niyo,” seryosong sabi ko naman.
“Ipinagtatabuyan mo na talaga ako Akira. Bakit?”
Bahagya akong natigilan at napaisip. Pero kalaunan ay nakabawi ako at tumikhim muna bago magsalita. “Ano bang gusto mong sabihin ko? Shin, kahit anong mangyari, manatili ka lang, huwag kang aalis. Ganoon ba? Ganoon ba ang gusto mong sabihin ko?” sunod-sunod kong tanong.
Nabigla ako nang yakapin ako ni Shin. Ang higpit ng yakap niya na halos hindi na ako makahinga. Napapikit na lang ako kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Mas lalo lang pinapagulo ni Shin ang isip ko.
“Pwede bang ganoon na nga lang ang sabihin mo imbes na ipagtabuyan mo ako?” mahinang sabi niya.
“Hindi na kita maintindihan Shin,” mahina kong sambit.
“Maski ako, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano nang dapat gawin.”
Pinunasan ko ang mga luha ko at itinulak ko nang bahagya si Shin upang makaalis sa pagkakayakap sa kaniya.
“Ayoko nang makagulo sa pag-iisip mo Shin.”
“Teka lang, ayokong iniiwasan mo ako Akira. Ikaw lang ang kaisa isang tao na nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Ikaw lang ang kaibigan ko dito. Please, huwag mo akong iwasan. At hindi rin ako papayag na makipag-break ka sa akin,” nakangising sabi naman niya.
“Aba teka, ang dami mo nang request.”
Ginulo ni Shin ang buhok ko kaya tinampal ko ang kamay niya. Ngumiti naman siya sa akin na nakapagpabilis ng t***k ng puso ko.
“Huwag ka na kasing mag-inarte. May paiwas iwas ka pa diyan. Akala ko pa naman natakot ka na sa mga Nine Tailed. Pero mukhang hindi naman dahil sinungitan mo pa si Inaki kanina.”
Inirapan ko siya at tumalikod sa kaniya. Akmang lalakad na ako pero niyakap niya ako. Katulad nang pagyakap niya kay Inaki sa litrato.
“Nakakarami ka na ng tsansing Shin,” mataray kong sabi sa kaniya kahit na halos magkandautal na ako sa pagsasallita.
“Namiss kita Akira,” seryoso niyang sabi sa akin.
Muli kong tinampal ang mga kamay niya kaya napabitaw siya sa akin. Humarap ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Ngunit natigilan ako nang makita si Miro na humahangos palapit sa amin. Hindi siya kita ni Shin kaya pareho kaming nagulat nang biglang hilahin ni Miro si Shin.
Pagkaharap ni Shin ay agad siyang sinuntok ni Miro. Sa lakas ng suntok na iyon ay napaupo sa damuhan si Shin at nakita kong may dugo sa kaliwang labi niya.
“Shin.” Lalapitan ko na sana siya ngunit bigla niyang itinaas ang kamay niya para sabihin na huwag akong makialam.
“Ang kapal ng mukha mo! Balak mo pang pagsabayin sina Akira at Inaki!” galit na galit na sabi ni Miro.
Bahagyang napatawa si Shin. Dahan dahan siyang tumayo at pinunasan niya rin ang dugo sa labi niya.
“Hindi ko alam kung anong sinasabi mo,” seryosong sabi niya kay Miro.
“F*ck you! Hindi mo alam? Matapos na may kumalat na mga pictures niyo ni Inaki, at pagkatapos ay ito, makikita kitang niyayakap si Akira? Baka nakakalimutan mong hindi mo siya tunay na girlfriend,” sabi naman ni Miro.
Hindi nagsalita si Shin bagkus ay humakbang siya palapit sa akin. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa may balikat ko.
“At sa tingin mo ba ay nagpapanggap pa rin kami ni Akira?” nanghahamong tanong ni Shin. Naramdaman ko pa ang marahang pagpisil niya sa balikat ko.
Mas lalong nagalit si Miro at akmang susugudin muli si Shin. Ayoko na ng isa pang g**o kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
“Miro!”
Natigil si Miro sa balak niya at saka siya seryosong tumingin sa akin. Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga at saka tumingin din sa kaniya.
“Totoo ang sinabi ni Shin. Kaya kung pwede lang ay lubayan mo na kami,” deretsong sabi ko.
Napatalikod si Miro sa amin at nagpalakad-lakad na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Maski ako ay hindi rin makapaniwala na nasabi ko iyon. Ang gusto ko ay makaiwas na kay Shin ngunit mas lalo ko lang itinali ang sarili ko sa kaniya.
Muling humarap sa amin si Miro at nagulat ako nang makitang may mga luha siya sa mga mata niya.
“Hindi mo ako mapapasuko Akira. Hindi kita susukuan.”
Pagkasabi niya no’n ay umalis na siya habang kami ni Shin ay naiwan sa pwesto namin. Halos mapigil ko ang paghinga ko. Bakit pakiramdam ko ay mas lalo ko pang pinalala ang sitwasyon?