27

1936 Words
AKIRA’S POV “Akira, sige na. Pumayag ka na,” pagpupumilit ni Shin sa akin. “Ayaw,” maiksing sabi ko naman. “Akira naman e,” parang batang sambit pa niya. Napangiti na lang ako dahil sa inasal ni Shin. Kahapon pa kasi siya nagyayaya na mamasyal daw kami mamaya pagkatapos ng klase. Wala namang problema sa akin dahil gusto ko rin munang mag-unwind mamaya. Inaasar ko lang siya na ayaw kong samahan siya. And yes, bumalik na ang pakikitungo ko sa kaniya. Nag-uusap na ulit kami katulad ng dati. And patuloy pa rin ang pagpapanggap naming dalawa. May narinig pa ako kanina na nagsabing bakit mukhang wala kaming problema kahit na naglabasan ang mga litrato nina Shin at Inaki. May nagsabi pa na ang martir ko raw dahil kahit niloloko na ako ni Shin ay patuloy ko pa rin daw siyang minamahal. May nagsabi rin na nagbubulag-bulagan na lang daw ako dahil mayaman si Shin. Gusto kong matawa sa mga naririnig ko pero hindi na lang ako nag-react. Kahit si Shin ay hindi na rin pinatulan ang mga naririnig. Nasanay na rin yata siya na kami lagi ang laman ng mga usapan ng mga estudyante ng Academy. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang classroom nang biglang magtakbuhan ang mga estudyante papunta sa gymnasium. Halos lahat ay taranta at hindi malaman ang gagawin. Maski ang mga teachers ay abala sa kani-kaniyang ginagawa. “Anong nangyayari?” nagtatakang tanong naman ni Shin. Hindi ko nasagot ang tanong ni Shin dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakitang si Mommy ang tumatawag. “Hello Mom!” masayang bati ko. “Hey sweetie! Where are you?” malambing na tanong naman sa akin ni Mommy. “Nasa school po. Bakit po?” “Great. Nandito kami ngayon sa office ng Tito June mo.” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Tumingin ako kay Shin na nagtataka sa reaksyon ko. Inisip ko kung anong araw ngayon ngunit Wednesday pa lang. “Akala ko po ba sa Friday pa kayo pupunta rito?” kinakabahan kong tanong. “Ngayon lang kasi kami free anak. Kaya minove namin ang pagpunta namin dito. Actually kakagaling lang namin sa airport at dito na kami dumeretso dahil alam naming hindi ka na namin maaabutan sa condo mo,” masayang sabi naman ni Mommy. “Ganoon po ba?” “Yes, pumunta na kayo ni Kanji dito. Hintayin namin kayo. Bye!” Hindi ko na nagawang makapagsalita pa dahil ibinaba na ni Mommy ang tawag. Tumingin naman ako kay Shin na nag-aalalang nakatingin pala sa akin. “Ayos ka lang?” tanong sa akin ni Shin. “Nandito na sina Mommy, Shin,” maiyak iyak kong sagot. “Kaya pala biglang nataranta ang mga tao dito,” seryosong sabi naman niya. “Anong gagawin ko?” problemadong tanong ko sa kaniya. “Wala ka nang magagawa Akira. You need to face them as the daughter of Montenegro’s. Mukhang hindi talaga tayo makakagala niyan mamaya.” Pinoproblema ko na nga na nandito sina Mommy tapos iyong paggala pa rin ang nasa isip niya. Hindi ko tuloy alam kung totoong kaibigan ko ba itong si Shin. “Shin.” Hinila ako ni Shin papunta sa office ni Tito June. Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kaniya. Kumatok nang tatlong beses si Shin bago buksan ang pinto ng office. Nakaupo sina Mommy at Daddy habang kausap nila si tito June. Tumingin pa ako kay Tito June pero umiling lang ito sa akin. Maski si Tito June ay hindi na ako matutulungan sa pagkakataong ito. “Mom, Dad,” pag-agaw ko ng atensyon sa kanila. Agad namang lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako. Ganoon din ang ginawa ni Daddy. Kinamayan naman nila si Shin. “Maupo muna kayo dahil maya maya ay mag-uumpisa na ang programme,” sabi sa amin ni Tito June. “Mr. June, Tito, Tita, kailangan po ako sa labas dahil kasama po ako sa programme,” magalang na sabi ni Shin. Tumingin ako kay Shin. Hindi ko ata kaya na iwan niya akong mag-isa dito. Any moment ay malalaman na ng lahat na ako ang anak ng may-ari ng school. Parang gusto ko na lang umuwi sa condo at magkulong sa kwarto ko ngunit alam kong hindii na ako papayagan pa nina Mommy na lumabas sa opisinang ito na hindi sila kasama. “Sige hijo, magkita na lang tayo mamaya,” sabi ni Daddy. Tumingin muna sa akin si Shin bago siya lumabas. Napabuntong hininga na lang ako. Nakikita ko pang patingin-tingin sa akin si Mommy habang nag-uusap sila nina Tito June. Hindi na lang ako nakisali sa usapan nila dahil tungkol sa school ang pinag-uusapan nila. Maya-maya pa ay may dumating na pagkain. Inorder daw ito ni Tito June dahil hindi pa raw kumakain sina mommy. Kararating lang kasi nila dito sa Pilipinas at dito na sila nagderetso kaya hindi ko alam na nakauwi na pala sila. Biglaan lang din daw kasi ang uwi nina Mommy kaya isinabay na nila ang pagbisita sa school. May dining table si Tito June dito kaya walang problema kahit na dito na lang kami kumain. Kumakain na sina Mommy pero ako ay nanatili lang na nakatingin sa pagkain ko. Wala akong ganang kumain dahil bukod sa maaga pa lang ay dahil nate-tense na ako. “Akira, you should eat,” utos sa akin ni Daddy. “Hon, alam mo namang hindi nag-aalmusal ang anak natin. Let her be,” sabi naman ni Mommy. “Thanks Mom,” nakangiting sabi ko naman. “Kaya hindi na natutong mag-almusal iyang anak mo dahil kinukunsinte mo,” seryosong sabi ni Daddy. “Hon,” may pagbabantang sabi ni Mommy. Hindi na nagsalita pa si Daddy at nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Ngumiti naman sa akin si Mommy na parang sinasabi niyang ayos lang ang lahat. Ngumiti na lang din ako. “Akira.” Natigilan ako nang biglang parang may nagsalita sa isip ko. Hindi ko alam kung ini-imagine ko lang ba iyon pero boses ni Shin ang narinig ko. Tiningnan ko naman sina Mommy pero tuloy lang sila sa pagkain nila at parang wala naman silang narinig. “Wag kang masyadong mag-isip. Kaya kitang kausapin gamit ang isip.” Lihim akong napairap. Isa pala ito sa kakayahan niya bilang isang Nine Tailed Fox, ang kausapin ako gamit ang isipan namin. “Anong kailangan mo?” Isinigaw ko talaga iyan para marinig niya at malaman niyang badtrip ako dahil iniwan niya ako dito. “Ayos ka lang ba Akira? Natataranta na sila dito dahil 9am daw magsisimula ang programme,” may himig na pag-aalalang tanong niya sa akin. “So may ilang minuto pa pala ako para makatakas sa sitwasyon ko ngayon,” malumbay na sabi ko naman. “Akira, hindi mo na matatakasan ito.” “Wow Shin! Salamat. Ang laking tulong.” “Sa tingin mo ba matatakasan mo pa ito Akira?” Napatingin ako kina Mommy na masayang nakikipag-usap kay Tito June. Tama si Shin. Hindi ko na talaga matatakasan ang sitwasyon ko. Hindi ko na maitatago pa sa lahat ang tunay kong pagkatao. Nasa harapan ko na ang siyang tatapos sa pagpapanggap ko. At wala na akong magagawa pa. “See?” Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nakatingin silang tatlo sa akin. Nagtaka naman ako dahil parang hinihintay nila ang pag-react ko. “B-bakit po?” alanganin ko namang tanong. “You need some make-over anak. Hindi pwedeng humarap ka sa mga estudyante na ganiyan ang itsura mo,” seryosong sabi ni Mommy. “Pero nakilala naman na po nila ako na ganito ang itsura ko.” “Kilala ka nila as Akira, not as our only daughter,” sabi naman ni Daddy. Hindi na ako nagulat na alam na nila ang pagpapanggap ko sa school. Noong makita ko sila kanina ay alam kong alam na nila ang totoo. Kaya nga hindi ko rin magawang makatingin sa kanila ng deretso. “I’m sorry Mommy and Daddy,” mahina kong sabi. “Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan iyan,” sabi ni Daddy. May himig ng galit sa boses niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil ang laki ng kasalanan ko sa kanila ni Mommy. “Yes anak, for now, kailangan muna kitang ayusan. Come here.” Niyaya ako ni Mommy sa may sofa sa opisina ni Tito June. Hinalungkat niya ang bag niya at inilabas ang mga make-up niya. Tinanggal niya ang salamin ko at inumpisahan na niya akong ayusan. Mahilig si Mommy sa mga ganitong bagay kaya sanay na sanay siyang mag-ayos. Naalala ko pa noong umabay ako sa kasal ni Tito June, si Mommy ang nag-ayos sa akin at tuwang tuwa siya sa kinalabasan nang itsura ko. Iyon lang ang oras na naayusan ako ni Mommy, ngayon na lang ulit iyon naulit. Kaya hindi ko mapigilan ang pagmasdan si Mommy habang inaayusan ako. Na-miss ko si Mommy. Namimiss ko na ang pag-aasikaso at pag-aalaga niya sa akin. Matapos akong ayusan ni Mommy ay iyong buhok ko naman ang inayos niya. Mahaba ang buhok ko at hinayaan niya lang iyon na nakalugay. Kinulot lang niya ang dulo nito kaya naging wavvy ang buhok ko. Hindi ko alam kung saan nakakuha si Mommy ng pangkulot. Pakiramdam ko tuloy ay pinaghandaan nila ito. May dala rin silang dress at sapatos kaya alam kong pinaghandaan nga nila ito. Hindi ako sanay mag-dress pero dahil alam na nila ang kasalanan ko sa kanila, wala akong karapatang tumutol. Kulay peach ang dress na dala ni Mommy. Sleeveless ito at fit sa upper part ng katawan ko. Sa baba ay flowy ito. Ang sapatos naman ay may taas na 2 inch at kulay itim ito. May sariling CR si Tito June dito sa opisina niya kaya dito na ako pinagbihis ni Mommy. Hindi ko alam kung anong itsura ko dahil walang salamin sa CR. Sana ayos lang ang itsura ko, pakiramdam ko kasi ay hindi bagay ang dress sa akin. Pagkalabas ko ng CR ay nakangiting nakaabang sina Mommy sa akin. “Ang ganda ganda mo anak,” tuwang tuwa na sabi sa akin ni Mommy. “Medyo nahihilo na ako Mommy, 'yong salamin ko po sana,” naiilang na sabi ko sa kaniya. “No need na anak. Here. Wear this.” Iniabot sa akin ni Mommy ang contact lens. Hindi na lang ako tumutol at tinanggap iyon. Medyo sanay naman akong magsuot ng contact lens dahil nagsusuot ako nito minsan. Mabilis ko lang iyon nailagay sa mga mata ko. “Hindi na talaga maipagkakaila na anak niyo siya,” nakangiting sabi ni Tito June. “Well, nasa lahi iyan,” sabi naman ni Daddy. “Nagbolahan pa kayong dalawa. Halina kayo at mag-uumpisa na ang programme. Let’s go Akira.” Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Tumingin siya sa akin dahil naramdaman niya ang panlalamig ng kamay ko. “Don’t be nervous anak,” pagpapagaan niya ng loob ko. Ngumiti lang ako sa kaniya kahit na mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Lahat ng estudyanteng makakakita sa amin ay bakas sa mga mata nila ang pagkabigla at pagtataka. Ikaw ba naman, makita mo ang taong binu-bully mo na kasama ang may-ari ng school, magtataka at mabibigla ka talaga. Napabuntong hininga na lang ako. Wala na talagang atrasan ito. Tapos na ang pagpapanggap ko sa school na ito. Makakaramdam na naman ako ng special treatment sa mga taong noong una pa lang ay hindi na ako tanggap. Gagalangin lang nila ako at rerespetuhin dahil anak ako ng may-ari ng school na pinapasukan nila. Maglalabasan na ang mga taong plastic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD