17

2011 Words
AKIRA’S POV Matapos ang makapigil hiningang nangyari kanina ay lumabas na ulit ng kwarto si Shin. Halos kalahating oras din siyang nagkulong sa kwarto niya habnag ako ay nakaupo lang sa may sofa habang nanonood ng TV. Nakabihis na siya at sa tingin ko ay may pupuntahan siya ngayon. Hindi ko na lang siya pinansin dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Nagulat na lang ako nang tinanggal niya ang salamin ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nginitian niya lang ako. “Malabo ba talaga ang mata mo Akira?” seryosong tanong niya sa akin. “Malamang. Magsasalamin ba ako kung hindi,” mataray ko namang sagot sa kaniya. Kinuha ko sa kaniya ang salamin ko at isinuot ulit iyon. Katatapos ko lang ayusin ang mga pinamili namin. Hindi niya kasi natapos ang pag-aayos dahil pumasok siya sa kwarto niya. Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga. Bumalik na naman ang kakulitan niya at parang nakalimutan ang nangyari kanina. “Pwede ka namang mag-contact lens 'di ba imbes na salamin?” suhestiyon pa niya. “E bakit ba nangingialam ka sa gusto ko at trip ko?” inis na sabi ko sa kaniya. NAgsisimula na naman akong mainis sa kaniya at hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya nababahala kahit na sungitan ko pa siya. “Alam mo ang sungit sungit mo talaga. Bakit ka ba ganyan? Pakiramdam ko tuloy nai-inlove ka na sa akin,” pang-aasar pa niya sa akin. See? Sa halip na umiwas na lang ay mas lalo pa niya akong inasar. Ewan ko na lang talaga sa lalaking ito. Hindi ko na alam kung paano pa siya kakausapin. Hindi ko na rin napigilan ang mamula sa mga sinabi niya kaya binato ko siya ng unan na hawak ko. Tumawa naman siya ng malakas na lalong ikinainis ko. Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin ang mga ganoong salita. Hindi man lang siya nangilabot sa mga sinabi niya. “Lumayas ka na nga dito! Maghanap ka nang malilipatan mo,” asar na asar na sabi ko pa. Pinaghahampas ko pa siya ng unan habang pinapalayas ko siya sa unit ko. Mas lalo pa akong nainis dahil tumawa lang ng tumawa si Shin. “Joke lang. Tara na nga,,” biglang seryosong sabi niya. Kinuha niya ang susi ng kotse ko at dumeretso palabas ng unit. Agaad naman akong naalarma at napatayo sa kinauupuan ko. “Hoy teka, saan ka pupunta?” tarantang tanong ko sa kaniya. “Sumama ka na lang sa akin,” ang tanging sinabi na lang niya. Hinabol ko siya dahil hindi ako papayag na kunin niya ang kotse ko. Lumabas na kasi siya ng condo kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya. “Kung gusto mong umalis, mag-commute ka. Huwag kotse ko ang gamitin mo,” mataray kong sabi sa kaniya. Kumindat lang siya sa akin at naglakad na ulit papalayo kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Pagkarating sa parking lot ay binuksan niya ang kanang pintuan ng kotse ko. “Sakay na,” nakangiting sabi niya sa akin. Inirapan ko siya at sumakay sa sarili kong kotse na siya ang magmamaneho. “Alam mo bang k********g ang ginagawa mo?” Napatawa naman siya. Tumingin pa siya sa akin bago niya ini-start ang kotse ko. “Bakit? Kid ka ba?” “Nagpapatawa ka ba?” pangbabara ko pa sa kaniya. “Hindi. Seryoso akong nagtatanong,” sabi naman niya sa akin. Napairap na lang ako at hindi na nagsalita pa. Sa pagkakataong ito ay tatanggapin ko na lang na natalo niya ako. Kapag kasi nagsalita pa ako, paniguradong hahaba pa ang usapan namin at baka literal na ma-highblood pa ako nang dahil sa kaniya. Buong biyahe ay hindi ako nagsasalita, hindi rin naman siya nangungulit hanggang sa makarating kami sa mall kaya nagkaroon ng pansamantalang katahimikan sa kotse ko. Nang tumigil siya ssa parking lot ng mall ay humarap ako sa kaniya. “Alam mong hindi ako pumupunta sa mga ganito,” seryosong sabi ko sa kaniya. “Oo pero dahil boyfriend mo ako, makakapunta ka na sa mga ganito,” nakangiti naman niyang sabi sa akin. Hinila niya ako papasok sa mall. Nagderetso agad kami sa optical clinic pero hindi na ako pumayag na mahila niya ako doon sa loob. “Sige na Akira. Hindi ka ba napapagod sa pagsuot ng salamin?” Pinipilit ako ni Shin na magpagawa ng contact lens para raw hindi na ako magsalamin. Nandito kami sa harap ng clinic at halos magmakaawa na siya sa akin. Halos pinagtitinginan na rin kami dahil dito kami sa harap ng optical clinic nagtatalo. “No,” mariin kong sabi sa kaniya. “Hindi ka na ba talaga mapipilit?” nakangusong tanong pa niya sa akin. “Hindi,” seryosong sabi ko naman. “Sure ka na talaga dyan? Natatakluban ng salamin mo ang ganda ng mata mo,” seryoso niyang sabi sa akin. Nagpakawala ako ng bunting hininga. “Wala naman akong balak na ipangalandakan ang mata ko sa mga tao,” masungit kong sabi sa kaniya. “Sige doon na lang tayo.” Nang mapagtanto niyang wala talaga akong balak na mag-contact lens ay hinila ulit ako ni Shin. Sa salon naman niya ako dinala at agad na sinalubong kami ng tao doon. “Make-over po Ma’am,” nakangiting bungad sa akin ng staff doon. “No,” mariin kong tanggi. Dahil hindi hawak ni Shin ang kamay ko ay nakatakbo ako palabas ng salon. Kung ano ano na lang ang gustong gawin nitong si Shin. Naiinis na naman ako sa kaniya. “Akira, bakit ka tumakbo?” tanong niya sa akin nang maabutan niya ako. “Umuwi na tayo,” seryosong sabi ko sa kaniya. “Teka lang naman.” “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Akala mo ba pwede mo na lang akong baguhin kapag ginusto mo? Sino ka ba sa akala mo? Hindi ako nagpakaganito para lang baguhin mo ako,” galit kong sabi sa kaniya. Natigilan naman siya at biglang lumambot ang mukha niya. “I’m sorry. Gusto lang naman kitang tulungan.” “Tulungan? Pwede ba Shin. Hindi ko hinihingi ang tulong mo. Wala akong kailangan na kahit na anong tulong,” seryosong sabi ko. “I’m sorry. Okay sige, kung ayaw mo, kumain na lang muna tayo,” malambing naman niyang sabi sa akin. Naglakad kami papunta sa isang restaurant. Kahit naiinis ako sa kaniya ay sumama na lang ako dahil nagugutom na rin ako. At isa pa, nasa kaniya ang susi ng kotse ko kaya hindi ako basta makakauwi ng hindi siya kasama. Hindi ko na rin kasi nadala pa ang bag ko kaya wala akong dalang pera ngayon. Inasikaso kami ng waiter nang makapasok kami sa restaurant at inihatid sa isang bakanteng table. Binigyan kami ng menu at nag-umpisa nang mamili si Shin nang oorderin niya. Akala mo naman madaming oorderin samantalang gulay lang naman ang kinakain niya. “Isang Vegetarian Combo Soup, Spinach Salad at Green Protein Smoothie. Ikaw Akira, anong sa ’yo?” masiglang tanong sa akin ni Shin. “Isang Asian Baby Back Ribs, Avocado Smoothie at Deep Dark Chocolate Cake,” plain kong sabi. “Anything else Ma’am and Sir?” nakangiting tanong naman ng waiter. “That’s all. Thank you,” sabi naman ni Shin. Ngumiti sa amin ang waiter at lumapit agad siya sa Manager niya. May sinabi sa kaniya ang Manager niya at para itong nataranta bigla. Lumapit ulit ito sa amin na halatang kinakabahan pa. “Ma’am Akira, sorry po, hindi ko kayo nakilala. Baka may gusto po kayo habang naghihintay ng order niyo?” alanganing tanong sa akin ng waiter. “No worries. Okay lang,” nakangiting sagot ko naman. “Ipapa-rush ko na lang po Ma’am Akira kay Chef ang order niyo.” Umalis na ulit ang waiter. Tiningnan ko naman si Shin na nagtataka sa nangyari. Sinundan niya pa ng tingin ang waiter na nagmamadaling pumasok sa kitchen. “Huwag ka nang magtaka. Sina Mommy at Daddy ang may-ari nito,” walang emosyong kong sabi. “Talaga? Kaya pala,” sabi naman niya. “Pero nagtaka rin ako na kilala ako ng Manager nila. Ngayon pa lang ako kumain dito. Usually kasi kapag kumakain kami sa labas, doon kami sa kabilang restaurant. At bihira lang iyon dahil bihira ko namang makasama ang mga magulang ko,” pagkukwento ko naman. “Well, Akira Reyes is Akira Reyes. Buti nga sila nakikilala ka nila, samantalang sa school mo, hindi.” Nagpakawala naman ako ng buntong hininga. “At hindi ko gugustuhing malaman nila ang tungkol sa akin,” seryosong sabi ko pa. “Ang laki talaga ng kaibahan mo sa kanila Akira. ‘Yong iba, proud na proud sa mga bagay na mayroon sila, samantalang ikaw, pinagkakatago tago mo ‘yang pagkatao mo. Mayaman ka ba talaga?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Hindi ako mayaman, ang parents ko lang. Sila lang ang mayaman. Nakaasa pa rin ako sa mga magulang ko kaya wala akong maipagmamalaki,” pagdadahilan ko naman. “Pero sa ’yo rin naman mapupunta ang lahat ng iyon, so mayaman ka rin,” sabi pa niya. “Ang dami mong sinasabi Shin,” imbes ay sabi ko na lang. “What? May mali ba sa sinasabi ko?” painosenteng tanong naman niya sa akin. Hindi na ako nakasagot dahil dumating na ang order namin. Mabuti naman at natahimik na siya. Mukhang nagutom ata siya dahil nag-umpisa na agad siyang kumain. Napailing na lang ako. Kumain na lang din ako at hindi na siya pinansin. “Marunong ka rin palang tumahimik kapag nagugutom ka ano,” nakangising sabi ko naman sa kaniya. Katatapos lang namin kumain at hindi ako pinansin ni Shin. Nakatingin lang siya sa may bandang pintuan ng restaurant. “Okay ka lang Shin?” tanong ko pa sa kaniya. Hindi pa rin niya ako pinansin kaya tumingin na ako sa tinitingnan niya na sana hindi ko na lang pala ginawa. Masayang nagkukwentuhan sina Miro at Inaki. Mukhang katatapos lang din nilang kumain dahil mga pinagkainan na lang din ang nasa table nila. Ito ang iniiwasan ko sa mga ganitong lugar. Dahil sa anak mayaman ang mga estudyante ng Academy, hindi talaga imposible na lagi silang nandito kapag weekends. Tinawag ko na lang ang waiter na naka-assign sa amin at hiningi ang bill. Pero sabi niya ay okay na raw ‘yon. Oo nga pala, kami nga pala ang may-ari nito kaya hindi ko na kailangang magbayad. Ayos na rin iyon dahil wala nga pala akong dalang pera. Isa rin kasi iyon sa gusto ni Mommy, kapag daw kakain ako sa mga isa sa restaurant namin ay hindi ko na kailangang magbayad. Ang gusto pa nga ni Mommy ay dito na lang ako lagi kumain para daw hindi na ako nagluluto sa bahay. Umiiwas lang talaga ako sa lugar na ito dahil puntahan din ito ng mga schoolmate ko. “Tara na Shin,” seryosong sabi ko kay Shin. Tumayo na ako pero si Shin ay nanatiling nakaupo lang at nakatingin pa rin kina Inaki. Hindi pwedeng dito sila magkagulo dahil paniguradong makakarating ito kina Mommy. Pilit kong tinatawag si Shin pero parang hindi niya ako naririnig. Nakatitig lang siya sa dalawa na masaya pa ring nagkukwentuhan. At nagsisimula na akong kabahan dahil sa mga pwedeng mangyari. Hanggang sa mapadako na rin ang tingin ni Miro sa gawi namin. Sa inis ko ay hinila ko patayo si Shin na ikinagulat naman niya. Maglalakad na sana kami palabas ngunit huli na iyon dahil lumapit na sa amin si Miro at Inaki. Nakita ko pang tiningnan ako ni Inaki mula ulo hanggang paa. Hindi maganda ang kutob ko sa pagkakataong ito. Lalo na sa mga tingin nina Miro at Inaki, idagdag pa si Shin na nakakuyom na ang mga kamao. Ako lang yata ang nasa matinong pag-iisip ngayon ngunit anong gagawin ko? Hindi ko na magawang hilahin pa si Shin dahil nakaharang na sa amin si Miro. At base na rin kay Shin, mukhang hindi siya magpapatalo kay Miro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD