AKIRA'S POV
Maaga akong gumising kahit sabado ngayon. Balak ko kasing mamili dahil kakaunti na ang stock ko ng pagkain, pati mga gulay ni Shin ay kakaunti na rin. Tutal naman ay walang pasok, susulitin ko na para makapag-stock ng maraming pagkain. Para bukas ay maghapon lang ako sa kwarto ko.
“Good morning," masayang bati ni Shin pagkalabas ko ng kwarto ko. Himala, ang aga niyang gumising at naunahan pa niya ako. Nakaupo siya sa may kusina at nakahalumbaba pa.
“Okay ka na?” tanong ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung anong oras siya nakauwi kagabi. Hinintay ko pa siya ng hanggang alas otso ng gabi pero inantok na ako’t lahat lahat, hindi pa siya bumabalik kaya hinayaan ko na lang. Malaki naman na siya at alam na niya ang ginagawa niya. May kapangyarihan din naman siya kaya hindi na dapat pa alo mag-alala na baka may mangyari sa kaniya. Ang iniisip ko na lang ay may lagnat pa siya nang umalis siya. Kaya hindi rin ako agad nakatulog dahil sa paghihintay sa kaniya.
“Oo. Wala na akong lagnat dahil bumilog na ang buwan kagabi," nakangiting sagot niya sa akin.
Tumango na lang ako. Mabuti naman at wala na siyang sakit. Hindi na ako mag-aalala sa kaniya at pwedeng pwede ko na siyang iwasan gaya ng plano ko. Magkakanya-kanya na kaming dalawa simula ngayon.
“Bihis ka ata? Saan ka pupunta?” dugtong na tanong pa niya.
“Mamimili lang ako ng pagkain natin," maikli kong sagot sa kaniya.
“Sasama ako," excited na sabi naman niya.
“No," mariin ko namang pagtanggi. Sana pala ay hindi ko na lang sinabi ang totoo. Naisipan pa tuloy niyang sumama.
“Bakit hindi?” parang batang pagmamaktol naman niya. Nakanguso pa siya at akala mo ay nagmamakaawa na nakatingin sa akin.
“Kaya ko na ito. Kung gusto mo mamili ka ng pagkain mo. Wala ka na ring stock dyan," ang tanging sinabi ko na lang.
Kung gusto niyang mamili, bilhin na lang niya mag-isa ang mga pagkain niya. At least ay mababawasan ang dapat kong i-grocery. Pagkain ko na lang ang poproblemahin ko.
“Kaya nga ako sasama para makasabay na sa ’yo pamimili," pagdadahilan naman niya sa akin.
Napapikit naman ako at napabuntong hininga. “Bahala ka dyan.”
Akmang lalabas na ako pero humarang sa may pintuan si Shin. Sinamaan ko siya ng tingin. Kaya nga ako mamimili ngayon para hindi ko siya makasama ngayong weekend tapos magpupumilit naman siyang sumama.
“Iniiwasan mo ba ako?” seryoso niyang tanong sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko na lang ipinahalata at nagpakawala ulit ako ng malalim na hininga. “Hindi. Gusto ko lang mapag-isa kaya umalis ka dyan," mataray ko namang sabi.
“Sasama ako sa ayaw mo o gusto mo," nakangiting sabi naman niya sa akin.
Binuksan niya ang pinto at hinila ako palabas. Nang makasakay kami sa elevator ay saka niya binitawan ang kamay ko.
“Lalabas ka talaga nang nakaganiyan?” hindi makapaniwalang tanong ko habang pinagmamasdan ang suot niya.
“Kapag kasi nagpalit pa ako ng damit, iiwanan mo ako," seryosong sagot naman niya.
Ang suot niya kasi ay shorts at plain t-shirt. Nakatsinelas lang din siya at g**o g**o pa ang buhok niya. At balak ko talaga siyang iwanan kung sakaling nagbihis pa siya. Maayos naman ang pananamit niya, medyo halata lang na nakapangbahay lang siya.
“Sino ba naman kasi ang may sabing isasama kita?” sabi ko pa.
“Ako," nakangiti niyang sabi sa akin.
Inirapan ko na lang siya. Pagkalabas namin ng building ay dumeretso kami sa parking lot. Nang matanaw ko ang kulay grey na Lexus IS ay agad ko itong nilapitan.
“Marunong ka talagang magdrive ha," paninigurado naman niya.
Binuksan ko ang bag ko at ipinakita sa kaniya ang lisensya ko. Hindi naman kasi ako bibigyan ng kotse ng parents ko kung hindi ako marunong magmaneho at kung wala akong lisensya.
“Pwede ka naman nang bumalik sa unit at huwag nang sumama sa akin," imbes ay sabi ko na lang.
Pero sa halip na bumalik ay dali dali siyang sumakay sa kotse ko. Napailing na lang ako at sumakay na lang din. Hindi ko na talaga alam kung paanong maiiwasan ang lalaking ito. Mas makulit pa siya sa inaasahan ko.
Mabuti na lamang na tahimik lang siya habang nagmamaneho ako. At least, kahit papaano ay nabigyan ako ng katahimikan kahit ilang minuto lang.
Bumaba agad ng kotse si Shin pagka-park ko malapit sa may public market. Umikot siya at lumapit sa may pintuan ng driver’s seat at pinagbuksan ako ng pinto. Consistent talaga ang pagiging maginoo ni Shin and I admire him for that.
“Dito tayo mamimili?” hindi makapaniwalang sabi niya.
“Yes, remember, mahirap lang ako. So hindi ako pwedeng mamili sa Robinsons o SM," sabi ko naman.
“Grabe ka talaga, mahirap ka pero naka Lexus ka," nakangiting sabi naman niya.
“Mahirap mag-commute kapag namimili ako. At saka mas gusto ko pa rin ditong mamili, nakakatipid ako at nakakatulong pa ako sa mga nagtitinda rito," mahabang sabi ko naman.
“Wow! Ang yaman mo pero nagtitipid ka," pang-aasar pa niyang sabi sa akin.
“Pwede ba Shin. Umuwi ka na nga,” naiinis kong sabi sa kaniya.
Hindi talaga siya nauubusan ng sasabihin. Lagi siyang may pangbara sa bawat sinasabi ko kaya mas lalong nadadagdagan ang inis ko. At isa pa, masyado na akong transparent sa kaniya. Hindi ko na kayang itago ang pagkainis ko sa kaniya kaya lagi ko siyang natatarayan. Bagay na ipinagtaka ko rin sa sarili ko. Kung tutuusin ay mas nakakainis si Miro at mas malala ang p*******t na ginagawa niya sa akin pero natiis kong huwag siyang pansinin. Samantalang dito kay Shin, ang dami ko nang naipakitang inis sa kaniya.
“Joke lang. Tara na.”
Hinila ako ni Shin papasok sa loob ng palengke. Medyo maaga pa kaya hindi pa ganoon kasiksikan. Pumunta siya sa tindahan ng mga gulay at nag-umpisa nang mamili. Pinapanood ko lang siya at pati ang ibang mamimili ay napapatingin sa kaniya.
“Ang gwapo naman niya. Sayang, ang bata pa pero may asawa na!” narinig kong sabi ng isang tindera.
Napatingin ako sa tindera at agad naman siyang tumalikod sa akin. Napailing na lang ako. Hanggang dito ba naman ay naaagaw niya ang atensyon ng ibang tao.
Pumunta ako sa katabing tindahan at namili na lang din ng mga prutas. Pagkatapos naming mamili ng gulay at prutas, pumunta naman kami sa mini grocery dito pa rin sa may palengke. Bumili lang ako ng ilang noodles, chips at chocolates at ibang condiments na wala na ako.
“Ayos, ang dami na ulit nating pagkain," masayang sabi niya sa akin.
“We’re not done yet," makahulugang sabi ko naman.
Inilagay muna namin sa kotse ang mga pinamili. Pagkatapos noon ay hinila ko siya papunta sa wet market. Sa right side ay mga isda at iba’t ibang seafoods at sa left side naman ang baboy, manok at baka.
“Hindi ba kayo naaawa sa kanila?” malungkot na tanong sa akin ni Shin.
“What?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“Look!”
Itinuro niya sa akin ang isang tindera na pinupukpok ang tilapia. Nang hindi na gumagalaw ang isda ay inumpisahan na itong linisin ng tindera.
“Pumapatay kayo ng mga hayop para may makain, samantalang nandyan lang naman ang mga gulay," seryosong sabi niya sa akin.
“Shin," alanganin kong tawag sa kaniya.
“Tapos iyong mga baboy, manok at baka, inaalagaan niyo nga sila pero kapag malaki na sila, kinakatay niyo na para kainin. Inaalagan niyo nga sila hindi dahil may malasakit kayo sa kanila, ginagawa niyo iyon dahil kakailanganin niyo sila in the future,” dere-deretsong sabi niya.
Napaisip at bigla akong nakonsensya dahil sa sinabi ni Shin. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko. Pakiramdam ko kasi ay ang laki laki ng pagkakamaling nagawa ko. Dinaig ko pa si Bea Alonzo sa pelikula niya.
Bakit parang kasalanan ko?
Okay. Ang corny mo na Akira.
Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Shin, nasa lugar ka ng mga tao. Ganito ang kalakaran ng pamumuhay namin. It’s our way of survival. I’m sorry," seryosong sabi ko pa.
Parang bigla namang natauhan si Shin sa sinabi ko. Napakamot siya sa batok niya at alanganing ngumiti.
“Sorry. Nadala lang ako ng emosyon ko. Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ko," nakangiting sabi naman niya.
Matapos niya akong konsensiyahin ay bigla siyang magsasabi ng ganoon. Ewan ko sa lalaking ito. May pagka-bipolar din ata talaga siya.
“Tara na.” Hinila ko na lang siya palayo sa wet market.
“Akala ko ba bibili ka pa ‘don?” nagtatakang tanong naman niya.
“Hindi na,” maikli kong sabi sa kaniya.
“Hindi ka na kakain ng mga karne? Gulay na ang kakainin mo?” masayang tanong niya sa akin.
Nawalan na ako ng ganang mamili dahil sa sinabi niya. Pero hindi niya ako mapipilit na kumain ng gulay. Bahala na kung paano ako magluluto sa bahay. May malapit namang tindahan sa condo, doon na lang siguro ako bibili kapag magluluto ako. Sa ngayon ay wala na talaga akong interes na bumili ng kahit na anong uri ng karne at isda.
“Kakain ka na ng gulay ha," pangungulit niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Tahimik lang akong sumakay sa kotse ko dahil nawala na rin ako sa mood.
Kung kanina ay tahimik lang si Shin, ngayon naman ay patuloy ang pangungulit niya sa akin. Paulit ulit niya akong sinasabihan na kumain na raw ako ng gulay.
Hanggang sa makarating kami sa condo ay hindi pa rin niya ako tinatantanan.
“Pwede ba Shin, tigilan mo ako. Hinding hindi ako kakain niyan kaya tumahimik ka," galit kong sabi sa kaniya.
“Ayaw na ayaw mo talaga sa gulay?” malungkot na tanong naman niya sa akin.
Parang nakonsensya na naman ako. Napakamot ako sa noo ko at saka deretsong tumingin sa kaniya. “Not at all. I just don’t feel them. Pakiramdam ko, hindi ako mabubusog kapag iyon ang kinain ko.”
“Kung ako sa ’yo, pag-aaralan ko nang kumain ng gulay," seryosong sabi naman niya.
“Bakit naman?” tanong ko pa.
“Para mas maging healthy ka. Kaya siguro nanlalabo na ‘yang mata mo, kulang ka sa sustansiya. Kumain ka ng carrots at kalabasa para hindi mo na kakailanganin iyang salamin mo. Mas maganda ka kasi kapag walang salamin," dere-deretsong sabi niya sa akin.
“Ang dami mong sinasabi dyan. Sinabi nang tumahimik e," masungit ko pang sabi.
“Namumula ka Akira. Okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
Sinapo ni Shin ang noo ko kaya tinampal ko ang kamay niya.
“Hindi ka ba talaga tatahimik? Dinaig mo pa ang babae sa sobrang daldal mo.”
“Bakit ba ang sungit sungit mo? May dalaw ka ba?” balik tanong naman niya sa akin.
“Hindi ka talaga nauubusan ng sasabihin ano?”
“Ang cute mo kasing asarin.”
Pinisil niya ang dalawang pisngi ko na lalong ikinainis ko.
“Shin! Ano ba! Hindi na talaga ako natutuwa sa ’yo. Umamin ka nga, bakla ka ba?” deretsong tanong ko sa kaniya.
Biglang natigilan si Shin sa ginagawa niya. Inaayos niya kasi ang mga pinamili namin which is karamihan ay para sa kaniya talaga. Humarap siya sa akin at inirapan ko naman siya.
Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang dalawa kong kamay at isinandal ako sa pader. Tiningnan niya ako ng deretso sa mga mata ko na ikinailang ko agad.
“Ulitin mo nga ang sinabi mo,” seryoso niyang sabi sa akin.
“Alin? Yung bakla ka?” dere-deretso kong sabi sa kaniya.
Mas lalong inilapit ni Shin ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at nag-uumpisa na ring mamawis ang mga kamay ko. Gusto ko siyang itulak ngunit wala akong lakas para gawin iyon. Pakiramdam ko ay hinihigop niya ang lahat ng lakas ko.
Inilapit ni Shin ang labi niya sa tainga ko.
“Sa susunod na sabihan mo pa akong bakla, hindi na sa tainga mo mararamdaman ang labi ko.”
Pagkasabi niya noon ay umalis siya sa kusina at nagderetso sa kwarto niya. Ako naman ay napaupo sa upuan dahil nanlambot ang mga tuhod ko.
What does he mean?