15

1686 Words
AKIRA'S POV Pagkarating ko sa unit ay dumeretso agad ako sa kwarto ko. Hindi ko rin nadatnan si Shin sa salas, baka nasa kwarto niya. Tahimik din ang buong condo ko kaya hindi ko alam kung nandito ba siya o baka lumabas siya. Nagbihis lang ako then pumunta ako sa kusina para i-check kung anong pwedeng lutuin. Wala na pala halos akong stock, pati si Shin ay ganoon din. Mamimili na lang ako siguro bukas tutal naman ay weekend na. Dadamihan ko na talaga ang pagbili para wala na akong maging problema sa mga susunod na araw. Parang tinamad naman ako biglang magluto kaya napagdesisyunan kong um-order na lang ng pagkain. Hindi pa rin lumalabas si Shin sa kwarto niya. Sinabi ko sa sarili ko na iiwasan ko muna siya pero mas umiiral ang pag-aalala ko. Hindi ko alam kung ano nang nararamdaman niya ngayon. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako lumapit sa kwarto niya. “Shin," pagtawag ko sa kaniya. Biglang bumukas ang pintuan niya na ikinagulat ko naman. Napaatras pa ako na ikinatawa naman ni Shin. Tumatawa siya pero halata pa rin sa mata niya ang lungkot. “Akala ko hindi mo na ako ichecheck e," nakangiti niyang sabi sa akin. “Itatanong ko lang sana kung anong dinner ang gusto mo?” walang emosyon kong sabi sa kaniya. Kailangan ko pa rin palang magluto dahil sa pagkain niya. Pero pwede naman siyang kumain ng hilaw na gulay. “Okay na ko sa carrots at sayote na nandyan. Ikaw?” balik tanong niya sa akin. Mabuti naman dahil hindi ko na kailangan pang magluto ng pagkain niya. “Nag-order na ako dahil tinatamad akong magluto," ang tanging sinabi ko na lang. Umupo siya sa may sofa habang ako naman ay tinanggal muna ang salamin ko at uminom ng tubig sa kusina. “May dumating na package pala galing sa Mommy mo. Nilagay ko na lang sa kwarto mo," narinig ko pang sabi niya. “Okay. Thanks," maiksing sabi ko naman. “Alam mo Akira, mas bagay sa ’yo ang walang salamin,” seryoso niyang sabi sa akin nang makabalik ako sa may salas. “Hindi ko tinatanong ang opinyon mo,” masungit kong sabi sa kaniya. Ibinalik ko ang salamin ko sa mata ko dahil naiilang ako sa mga tingin ni Shin. Hindi talaga ako nagtatanggal ng salamin sa harap ng iba. Nakaligtaan ko lang ngayon dahil sa init ng ulo ko. “Bakit ba mainit ang ulo mo? May nangyari ba sa school kanina?” kunot noong tanong naman niya. “Wala," mabilis ko namang sagot. “Imposible," iiling iling na sabi pa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila paupo sa sofa. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko, tinawanan lang ako. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Muntik pa akong mauntog sa kaniya dahil sa paghigit niya sa akin. “Ikwento mo na ‘yan,” pangungumbinsi niya. “Wala akong ikukwento," walang ganang sabi ko sa kaniya. Paano ko ba maiiwasan ang lalaking ito? Ang kulit kulit niya. Sa mga nababasa ko sa libro, ang mga lahing katulad niya, mga seryoso at bihira lang magsalita. Pero iba siya, ang daldal niya at hindi siya nauubusan ng kwento. May sakit na nga siya pero para namang walang pinagbago ang energy niya. Mukha ring hindi siya brokenhearted dahil ang energetic niya. Nakakapag-isip tuloy kung ganito ba talaga siya o bipolar siya. “Si Miro ba? Pinagtripan ka na naman ba niya?” seryoso niyang tanong sa akin. “Actually, kabaligtaran ang nangyari," wala sa sariling sagot ko. Dahil tila wala siyang balak na tantanan ako, ikukwento ko na lang din sa kaniya ang nangyari. Hindi rin kasi ako mapakali at gusto ko nang ilabas ang mga nararamdaman ko. Pero after nito, iiwasan ko na talaga siya. “Paanong kabaligtaran?” naguguluhang tanong naman niya. “Ang daily scenario ko kapag pumapasok ako ng school, lagi akong pinag-uusapan ng mga estudyante. Lagi nila akong kinukutya o nilalait. Minsan pa ay kung ano ano na lang ang humaharang sa daraanan ko. Kapag hindi balat ng saging, lubid na bigla na lang lumilitaw sa dinaraanan ko kaya ako natatalapid lagi. Pero kanina, ang laking pagkakaiba. Tahimik lang ang lahat ng estudyante. Nakatingin sila sa akin pero wala silang sinasabi which is weird. Though, nandoon pa rin ang urge nilang magsalita at asarin ako pero parang natatakot silang gawin. Parang bigla na lang na may nag-utos sa kanila na tumahimik at kapag sumuway sila ay lagot sila," mahabang pagkukwento ko. “Baka alam na nila na ikaw ang anak ng may-ari ng academy?” “Imposible. Kung alam na nila ‘yon, baka ipaglatag pa nila ako ng red carpet sa may hallway. Kahit naman hindi nila ako pinagtripan ngayon, nandoon pa rin ang galit nila sa akin. At isa pa, wala namang nakakaalam ng totoong pagkatao ko kundi ikaw lang at si Tito June," sabi ko naman. “So ano sa palagay mo?” tanong naman niya sa akin. “Hindi ko alam. Isa pa itong si Miro, buong maghapon niya akong hindi pinagtripan. Nagprisinta pa siya na ihatid ako pauwi," wala sa sariling sabi ko. “Ano? Gusto ka niyang ihatid pauwi?” hindi makapaniwalang sabi ni Shin. “Oo pero knowing him, baka may pinaplano lang ‘yon laban sa akin," sabi ko naman. Nagpakawala siya ng buntong hininga at saka deretsong tumingin sa akin. “E ano naman sa tingin mo ang pinaplano niya?” Napaiwas naman ako ng tingin. “Hindi ko alam. Kaya nga hindi ako sumama sa kaniya. At kahit anong sabihin o gawin niya, hinding hindi talaga ako sasama sa kaniya.” “Pero what if hindi ka na nga niya pagtitripan? Baka gusto niyang ligawan ka na at nagstart siya sa paghatid hatid sa ’yo," seryosong sabi naman niya sa akin. “Nagpapatawa ka ba Shin?” iiling iling na tanong ko. Never pumasok sa isip ko na liligawan ako ni Miro. At wala akong balak dumagdag sa koleksyon ng mga babae niya. Isa pa, sa itsura kong ito, paniguradong hindi rin niya maiisip ang bagay na ‘yon pwera na lang kung gusto niyang sugurin ako ng mga babae niya. Pero alam kong hindi niya gagawin iyon dahil ego niya ang nakasalalay doon. Mas importante pa rin sa kaniya ang ego niya kaysa sa pangtitrip sa akin. “Bakit? Hindi imposible ‘yon," nakangiting sabi pa niya. Ito na naman si Shin. Nakangiti nga pero may lungkot pa rin sa mga mata niya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung dadating pa ba ang panahon na makikita kong masaya talaga siya. Baka hanggang sa pagbalik niya sa mundo nila ay malungkot pa rin siya. “Hindi ako ipinanganak kahapon,” tatawa tawang sabi ko na lang. “Ako rin naman, hindi ako ipinanganak kahapon," seryosong sabi pa niya sa akin. Literal na napahampas ako sa noo ko dahil sa sinabing iyon ni Shin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Natawa naman si Shin sa ikinilos ko. KANJI SHIN'S POV Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Miro at bigla na lang gusto niyang ihatid itong si Akira. Maaaring na-realize na niya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para dito. Hindi ko lang inasahan na mare-realize niya agad iyon. Masyadong mabilis ang pangyayari at alam kong gulong g**o ang isipan ni Akira ngayon. “Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong sa akin ni Akira. Tumayo ako at inilabas ang siyam kong buntot. Tiningnan ko si Akira at nakatingin lang siya sa siyam kong buntot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala man lang takot ang mababakas sa kaniya. Hindi pa ako magaling at alam kong mas manghihina ako sa gagawin ko. But I need some fresh air. Pakiramdam ko ay nasu-suffocate ako. Sumisikip ang dibdib ko at nahiirapan akong huminga. “Magpapahangin lang muna ako," mahina kong sagot sa kaniya. Pagkasabi ko ‘non ay nag-teleport agad ako. Dito ako napunta sa may rooftop ng building. Napaupo pa ako dahil sa panghihina dahil ginamit ko ang siyam kong buntot kahit na may sakit pa ako. Ito ang kahinaan ng isang Nine Tailed Fox. Hindi kami pwedeng mabasa ng ulan dahil magkakasakit kami at gagaling lang kapag kabilugan ng buwan. At kapag may sakit kami, as much as possible ay iniiwasan naming gumamit ng nine tails namin dahil mas manghihina kami o maaaring mawalan na lang kami ng malay. Tumingin ako sa kalangitan at malapit na rin palang lumitaw ang bilog na buwan. Tinitigan ko ito at nagpakawala ako ng malalim na hininga. Ipinikit ko ang mga mata ko habang naglalaro sa utak ko ang mga sinabi ni Akira kagabi. Nagpanggap lang akong tulog ng mga oras na iyon dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kaniya. Hindi ko rin gustong mapalapit ng husto sa kaniya. Bago pa man ako pumunta rito, sinabi ko sa sarili ko na magfo-focus lang ako sa pagkumbinsi kay Inaki. Pero nang makita at makilala ko si Akira, nag-iba ang lahat. Planado ang lahat bago ako pumunta rito pero ngayon, tila naliligaw ako at hindi ko alam kung saan ang daan pabalik. Pagmulat ko nang mga mata ko ang siyang paglitaw ng buwan. Unti unting bumalik ang lakas ko at nawala na rin ang lagnat ko. Wala nang dahilan pa para mag-alala si Akira sa akin. Alam ko naman kasing gusto niya na akong iwasan at alam kong gagawin niya na iyon dahil wala na akong sakit. Ayokong iwasan ako ni Akira dahil napalapit na rin ang loob ko sa kaniya. As much as possible, gusto kong sulitin ang panahon na magkasama kami bago ako bumalik sa lahi ko. Ngunit may punto rin si Akira. Mapapalapit kami sa isa't isa ngunit dadating din ang oras na kailangan ko siyang iwan dahil sa tungkulin ko sa mundo ko. At hindi ko alam kung gaano siya maaapektuhan no'n. Naiipit ako. Gusto kong sulitin ang araw na kasama siya ngunit kapag ginawa ko iyon, maiiwan ko lang din siya sa huli. Ano bang dapat kong gawin? Naguguluhan na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD