14

2007 Words
MIRO’S POV Tahimik ang buong Kitsune Academy ngayong araw. Nag-instruct kasi ako sa lahat ng estudyante na tigilan na ang pangti-trip at pangbu-bully kay Akira. Yes, I did it. Marami ang nagulat sa sinabi ko pero wala naman silang magagawa kung hindi ang sundin ako. Isa iyon sa pagiging sikat ko sa Academy. Nagagawa kong pasunurin ang lahat ng estudyante maliban na lang kay Akira. Alam kong nagtataka ang mga kaibigan ko sa ikinikilos ko pero hindi sila nagtatanong. Maski ako ay nagtataka na rin sa sarili ko. Simula nang dumating si Kanji Shin sa buhay ni Akira, nagbago na lang din ako bigla. Or siguro ay nagsasawa na rin akong pag-tripan si Akira lalo na at hanggang ngayon ay hindi umuubra sa kaniya ang mga ginagawa ko. Buong maghapon din akong wala sa mood. Ramdam naman iyon ng mga kaibigan ko kaya hindi rin nila ako kinukulit. Maski ang mga babaeng nagpapansin sa akin lagi ay iwas sa akin ngayong araw. Alam din nila na bad mood ako kaya sila na ang umiiwas. After ng klase ay tinext ko si Inaki na hindi ko na muna siya maisasabay pauwi dahil may dadaanan pa ako. Pinakiusapan ko naman si Leo na siya na muna ang maghatid kay Inaki. Kahit kasi na hindi ko maisasabay si Inaki ay hindi ko naman siya hahayaang umuwing mag-isa. Mabuti na lang at pumayag si Leo dahil madadaanan naman niya ang bahay nina Inaki. Agad akong lumabas ng classroom at sumakay sa kotse ko. Absent si Kanji Shin kaya pagkakataon ko na para makausap si Akira. Luckily ay wala pang dumadaan na jeep sa harap ng Academy kaya naabutan ko si Akira na nakatayo doon. Ang bilis niya kasing lumabas ng classroom kanina. Usually kasi ay nagpapahuli siya dahil ayaw niyang makipagsiksikan sa pintuan ng classroom. Pero kanina ay nauna na siyang lumabas na ikinagulat ko. Huminga ako ng malalim habang nakatingin kay Akira. Ito ang unang beses na kakausapin ko siya ng normal at walang halong panlalait. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko ngunit ito ang sinasabi ng isipan ko. I need too talk to her. Pinaandar ko ang kotse ko at tumigil sa harapan niya. Sinubukan kong tanungin si Akira kung wala ba siyang sundo kahit na alam kong hindi niya ako sasagutin. Kahit absent si Kanji ay sana man lang ipinasundo niya ang girlfriend niya sa driver niya. Alam naman niya ang sitwasyon ni Akira sa Academy kaya dapat ay hindi na niya ito hinahayaan pang mag-isa. Bumaba ako ng kotse at binuksan ang kanang pintuan ng kotse ko. Naglakas loob akong tingnan ng deretso si Akira. Nagprisinta na akong ihatid siya upang makapag-usap kami ng maayos. Kahit hindi siya magsalita ay ayos lang, basta pakinggan niya lang ang mga sasabihin ko. Tumingin siya sa akin na ikinaatras ko naman. Alanganin akong ngumiti sa kaniya dahil ang totoo ay kinakabahan ako sa mga pinaggagagawa ko. Tumalikod siya sa akin at akmang maglalakad na kaya hinawakan ko siya sa braso niya upang pigilin siya. Medyo natigilan pa ako nang mahawakan ko siya. Ito ang unang beses na nagkalapit ang mga balat namin at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nagpumilit akong ihatid siya and it’s new to me. Ni minsan ay hindi ako nagpumilit sa ibang babae dahil sila na mismo ang lumalapit sa akin. But Akira is different. Though naiinis na ako sa pang-iisnab niya. I am trying to be nice to her, but still, she ignored me. Hindi ko na kayang tagalan ang mga pangbabalewala niya sa akin. Siya lang ang babaeng gumawa sa akin ng ganito. Nagulat ako ng biglang magsalita si Akira. Punong puno nang hinanakit ang boses niya. For the first time ay kinausap niya ako. Dapat ay natutuwa ako pero nakonsensiya ako bigla. Akala ko wala lang sa kaniya ang mga ginagawa ko pero naiipon lang pala sa dibdib niya ang sama ng loob sa akin. Akala ko ay hindi siya naaapektuhan ngunit nagkamali ako. Kinuwestiyon pa niya ang status naming dalawa sa Academy na siyang nakapanlumo sa akin. Oo nga naman. Ano nga bang status naming dalawa? Ako na rich boy at tuwang tuwa na pinagtitripan siya at siya na mahirap sa school at laging nabu-bully dahil sa akin. Bakit ko nga naman iisipin na sasama siya sa akin at papayag siya na ihatid ko siya? Napasabunot na lang ako sa sarili. Anong isip ba ang mayroon ako? INAKI’S POV Nag-text sa akin si Miro na hindi raw muna niya ako isasabay sa pag-uwi. Si Leo na lang daw muna ang maghahatid sa akin. Bakit kaya? Ngayon na lang ulit siya naging ganito sa akin. Dati-rati ay kahit may girlfriend siya, isinasabay pa rin niya ako pauwi. Never siyang pumayag na hindi ako isabay simula noong maligaw ako dahil hindi ako marunong mag-commute pauwi. Something’s wrong and I need to know it. After class ay nagderetso na lang ako sa labas ng gate ng Academy. Tinext ko na lang din si Leo at sinabi na doon na lang kami magkita. Pero hindi si Leo ang nakita ko kung hindi si Miro at si Akira. Nakahawak si Miro sa braso ni Akira. Sa sobrang pagtataka ay lumapit ako sa kanila para marinig ang pag-uusap nila. Hindi nila ako napansin dahil hindi ako nagpakalapit at isa pa, buong atensyon ni Miro ay na kay Akira. Narinig ko pang gustong ihatid ni Miro si Akira. Para akong nabingi sa narinig ko. So ito ang dahilan kung bakit hindi ako maisasabay ni Miro dahil ihahatid niya si Akira. Weird. Bakit ihahatid ni Miro si Akira samantalang si Akira ang pinakaayaw na estudyante ni Miro? Sa pagkainis niya nga dito ay halos araw araw niya itong pinagtitripan. Na kahit pinagsabihan ko na siya noon ay hindi siya nakinig sa akin. Anong meron at bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin? Mas lalo akong natigilan nang magsalita si Akira. Mas nagulat ako doon sapagkat ni minsan naman ay hindi pinansin ni Akira si Miro ngunit ngayon ay ang haba pa ng sinabi niya. At isa pa, ngayon ko lang narinig ang boses niya at weird mang sabihin pero nangilabot ako sa boses niya. Punong puno ito ng hinanakit at galit. Binitawan ni Miro si Akira kaya agad siyang sumakay ng jeep at iniwan si Miro na nakatayo lang. Sinundan ko ng tingin ang jeep na sinasakyan ni Akira. This can’t be. Of all the girls in academy, bakit si Akira pa Miro? “So si Akira pala ang dahilan?” Hindi ko na napigilan ang lumapit kay Miro at kausapin siya. Nagulat pa siya ng makita niya ako pero kalaunan ay kumunot ang noo niya. “What do you mean?” naguguluhan niyang tanong. “Kaya hindi mo ako isasabay pauwi dahil sa kaniya? May plano kang ihatid siya?” may pagtatampo kong sabi sa kaniya. “Hindi ba sabi ko sa ‘yo, si Leo muna ang maghahatid sa 'yo,” ang tanging nasabi na lang niya sa akin. Pero hindi ito ang gusto kong marinig sa kaniya. “Exactly, for the first time, inihabilin mo ako sa kaibigan mo dahil sa isang babae, pero hindi lang basta babae, iyong babaeng commoner na lagi mong pinagtitripan,” hindi makapaniwala kong sabi. “Inaki, pwede ba? Stop this nonsense,” naiinis niyang sabi sa akin. Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niyang iyon. “Nonsense? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Miro? Tell me, do you fell in love with that girl?” “Ano bang pinagsasabi mo?” inis niyang tanong sa akin. “Hindi ka naman ganyan e. Kapag may girl for a week ka, hindi mo ako isinasantabi. Nagagawa mo pa rin akong isabay sa ‘yo. Kaya nga halos lahat ng babae mo, nagagalit sa akin 'di ba? Pero bakit kay Akira? Anong mayroon sa kaniya Miro?” sunod-sunod kong tanong. Tumingin ng masama sa akin si Miro. Sa reaksyon niyang iyon ay alam kong galit na siya sa akin. But who cares? Kailangan kong malaman kung nahuhulog na nga ba talaga ang loob niya sa babaeng iyon. Dahil kung totoo ang hinala ko, kailangan kong pigilan ang nararamdaman niya habang maaga pa, habang hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman niya. “Anong karapatan mong kwestyunin ako Inaki? Dahil lang sa simpleng hindi ko pagsabay sa ‘yo, nagkakaganyan ka,” hindi makapaniwalang sabi niya sa akin. “Simple? It’s not simple for me,” makahulugan kong sabi sa kaniya. “Umuwi ka na. Nandyan na si Leo.” Iyon lang ang sinabi niya at sumakay na siya ng kotse niya. Pinaharurot niya ito palayo. Tumigil naman sa harapan ko ang sasakyan ni Leo at agad akong sumakay doon. “Inaki, dahan dahan naman sa kotse ko,” reklamo sa akin ni Leo. Sa inis ko kasi ay ibinagsak ko pasara ang pintuan ng kotse niya. Hindi ako makakapayag na si Akira lang ang mamahalin niya. Ako lang dapat dahil ako ang nararapat para kay Miro. “May problema ba kayo ni Miro? Nag-away kayo?” dugtong pa ni Leo. “Tell me Leo, anong nararamdaman ni Miro kay Akira?” deretsong tanong ko kay Leo. “Teka, bakit ako ang tinatanong mo? Dapat kay Miro ka nagtatanong,” sabi naman niya sa akin. “Sa tingin mo ba, aamin sa akin iyon?” inis kong sabi. “Sabagay, kung sa sarili niya nga hindi siya makaamin e,” wala sa sariling sabi naman ni Leo. “What do you mean?” kunot noong tanong ko. “Well, napansin lang namin ni Richard ang pagbabago sa kaniya. Kaninang umaga, pinagsabihan niya ang lahat ng estudyante na huwag nang pagtitripan pa si Akira,” pagkukwento naman sa akin ni Leo. “Ginawa niya 'yon?” hindi makapaniwalang sambit ko. “Yes. Nakakagulat ano? Bago pa man dumating si Kanji, tinanong na namin si Miro kung what if may isang lalaki na magpabago kay Akira. Alam naman natin na ni minsan ay hindi nagpakita ng emosyon si Akira kay Miro.At 'yon na nga, dumating si Kanji Shin at nagpakilalang boyfriend ni Akira. Nakita namin kung paano mag-react si Akira noon. I'm not sure pero pakiramdam ko ay nagseselos 'yang si Miro. Hindi niya lang maamin sa sarili niya na nahulog na ang loob niya kay Akira." “Pero alam naman natin na hindi marunong magseryoso 'yang si Miro,” seryosong sabi ko naman. Umaasa pa nga ako na kaya hindi nagseseryoso itong si Miro ay dahil ako talaga ang mahal niya. Hindi lang niya magawang umamin sa akin dahil iniisip niya ang friendship namin. All this time ay iyon lang ang nasa isip ko. Kaya kumapit ako ng matagal at hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako sa pagmamahal ni Miro. “Yes pero alam din natin na kay Akira lang hindi gumana ang charm niya. Na-challenge siguro hanggang sa ayan, siya ang nahulog sa sarili niyang bitag. Karma na rin siguro dahil sa ilang taong pangtitrip niya kay Akira. Nakahanap na siya ng katapat niya,” seryosong sabi naman ni Leo. “It’s impossible,” iiling-iling na sabi ko. “But it happened already. Teka, bakit parang affected ka?” nagtatakang tanong naman niya sa akin. Bahagya akong ngumiti. “Iniisip ko lang si Miro. Alam mo naman ang kaibigan nating iyon. Minsan ay wala sa tamang pag-iisip,” palusot ko na lamang. Napatango naman si Leo. “Akala ko nahuhulog ka na rin sa kaniya e. Naku, masasaktan ka lang kapag nagkataon. You are his little sister,” seryosong sabi pa niya. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi ako makakapayag na maagaw sa akin ni Akira si Miro. Hindi ako nagsakripisyo na mag-stay dito para lang maagaw siya sa akin. I love Miro and gagawin ko ang lahat, huwag lang masayang ang mga sakripisyo ko para lang maipaglaban ang pagmamahal ko sa kaniya. I will do everything for Miro. At gagawin ko ang lahat mahalin niya lang din ako. Hindi ako papayag na little sister niya lang ako. No, I will not let that happen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD