AKIRA’S POV “Akira, kakausapin ko lang si Inaki. Hintayin mo ako dito, mabilis lang ako,” seryosong sabi sa akin ni Shin. Napatango na lang ako sa sinabi niyang iyon dahil ayoko nang makipagtalo pa. Katatapos lang ng afternoon class namin at katulad ng sinabi niya, kakausapin niya muna si Inaki. At pinag-stay niya ako dito sa classroom habang nasa labas ang sampu kong bodyguard. Mas okay na rin na dito ako maghintay sa kaniya kaysa sa labas. Lumabas na si Shin at ang naiwan na lang dito ay kami ni Nathalie. Humarap naman sa akin si Nathalie at nginitian niya ako ng malawak. “Nakakasakal ba?” tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko. “Ang alin?” naguguluhan kong tanong. “Ang maging isang bantay sarado, walang kalayaan at bawat galaw ay naka-monitor,” seryosong sagot naman niya. Tuming

