AKIRA’S POV “Kanji, Ms. Akira, alam kong kalabisan na ito ngunit pwede ba akong sumabay sa inyo sa pagkain ng lunch?” nagniningning ang mga matang tanong sa amin ni Nathalie. Katatapos lang ng morning class at kasalukuyang nag-aayos ako ng gamit ko nang biglang lumapit sa akin itong si Nathalie. Nakatayo siya sa may harapan ko habang si Shin ay nakaupo pa rin sa tabi ko at hinihintay niya lang na matapos ako sa ginagawa ko. Napatingin ako kay Shin dahil hindi ko alam kung anong isasagot dito kay Nathalie. Bukod kasi kay Shin, ito pa lang si Nathalie ang nag-approach sa akin kahit hindi ko pa naman siya gano’n kakilala. “Okay lang naman,” nakangiting sagot naman ni Shin na labis kong ikinagulat. Pumalakpak naman itong si Nathalie na tuwang tuwa. “Great. Hintayin ko na lang kayo sa laba

