AKIRA’S POV Umagang umaga ay parang wala sa mood itong si Shin. Tahimik lang siyang kumakain ng almusal niya at ni pagsulyap sa akin ay hindi niya ginawa. Parang bigla na lang akong hindi nag-eexist sa paningin niya, maski rin sina Louie ay hindi rin niya pinapansin. Hindi ko tuloy alam kung may problema ba siya o wala lang talaga siya sa mood. Pagkatapos niyang kumain ay tahimik lang siyang lumabas ng kusina. Nagkatinginan kami ni Louie at hindi ko na napigilan pa ang magtanong sa kaniya. “May problema ba si Shin?” seryosong tanong ko kay Louie. Alanganin naman siyang ngumiti sa akin. “Hindi ko rin po alam kung bakit bigla na lang naging ganyan si Kanji. Usually, nagkakaganyan siya kapag heartbroken siya or may mabigat na problema siyang dinadala,” paliwanag pa niya sa akin. Marahan

