20

2053 Words
AKIRA’S POV Mabilis na lumipas ang tatlong araw at inaasahan ko na paggising ko kaninang umaga ay nasa condo na si Shin pero walang Shin ang umuwi. Sabi niya ay ngayon siya babalik dito pero wala naman siya. Hindi ko alam kung anong oras pa siya makakabalik kaya hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong mag-iwan ng lutong pagkain niya sa condo. Napagdesisyunan ko na lang na ipagluto siya para may makain siya kung sakali mang bumalik siya ngayon. Sa tatlong araw na mag-isa lang ako, wala nang nagbalak na pagtripan ako pero alam kong galit na galit na sa akin ang mga babae sa Academy. Hindi na rin ako kinukulit ni Miro na ipinagpasalamat ko naman. Pero ayoko pa ring magpakakampante dahil baka may binabalak lang siya laban sa akin. Medyo nakakapraning na rin kasi feeling ko anytime ay may bigla na lang mangyari sa akin na hindi maganda. Lagi rin akong hatid at sundo ni Tatay Damian kaya medyo panatag ang loob ko kapag pauwi na ako. Medyo malungkot din dahil mag-isa lang ako sa condo at walang Shin na nangungulit sa akin. Pero pabor na rin sa akin iyon dahil nasasanay na ulit akong mag-isa. Kung pwede nga lang na hindi na bumalik si Shin pero alam kong babalik at babalik pa rin siya dahil hindi pa niya nakukumbinsi si Inaki na sumama sa kaniya. Mukhang desidido pa rin siyang kumbinsihin si Inaki at wala siyang balak sumuko. Lunch time na ngayon at bumili lang ako ng pagkain sa cafeteria. Simula nang umalis si Shin at nagtapat “kuno” sa akin si Miro ay lagi na akong dito sa rooftop kumakain. Hindi ko kasi kayang tagalan ang mga masamang tingin na ipinupukol sa akin ng mga estudyante. At least, ako lang mag-isa dito sa rooftop, tahimik at walang abala. At least dito, may sarili akong mundo. “So dito ka pala kumakain kapag lunch.” Binabawi ko na pala ang sinabi kong tahimik at walang abala dito sa rooftop. Lihim akong napairap nang mapagtantong si Miro ang nagmamay-ari ng boses. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito at hindi ako natutuwa. Gusto ko na lamang na umalis ngunit hindi ko naman magawang ihakbang ang mga paa ko. Para na naman akong naparalisa sa kinatatayuan ko. “Nagtatago ka ba sa kanila? Don’t worry. Sinabihan ko na sila na huwag kang sasaktan. Hindi ka na nila pagtitripan,” seryosong sabi pa niya sa akin. Bakit sa tono nang pananalita niya, parang utang na loob ko pa sa kaniya na tahimik ang buhay ko ngayon? Which is hindi naman talaga dahil nandoon pa rin ang galit ng mga estudyante sa akin. Akala mo naman sobrang laki nang naitulong niya sa akin when in fact, siya naman ang dahilan kung bakit pinagtitripan ako ng mga estudyante rito. At sa halip na mapanatag ako, mas lalo pa nga akong nag-iisip dahil sa mga wirdong ikinikilos nilang lahat. “Bakit ‘yan lang pala ang pagkain mo? Magugutom ka niyan mamaya,” may pag-aalala niyang sabi sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. He sounds so concern pero hindi ko makapa sa puso ko na concern talaga siya. Nandoon pa rin ang pangamba ko na baka nangtitrip pa rin siya. At sa halip na maniwala ay natatawa na lang ako sa kaniya. Hindi ako sanay sa ganitong Miro. At parang mas gusto ko na lang nang dating pakikitungo niya sa akin. “Kailan mo ba ako kakausapin? Kailan mo ako kikibuin?” sunod sunod niyang tanong sa akin. Mas matatanggap ko pa siguro kung pangtitrip pa rin ito ni Miro. Pero bakit sobrang seryoso niya? At mas lalo lang akong nawiwirduhan sa kaniya. “I know it’s my fault kung bakit ganito ang pakikitungo mo sa akin.” Dapat ko na bang ipagpasalamat na inamin mong may pagkakamali ka rin? Bakit pakiramdam ko dumadami ang utang na loob ko? Bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat? “Wala naman kasi talagang eksakto na dahilan kung bakit kita pinagtitripan lagi. At wala naman talagang acceptable reason doon. Siguro iyon ang tanging naiisip kong paraan para magpapansin sa ’yo. Ang hirap mo kasing I-approach kasi nakaka-intimidate ka. I’m sorry Akira,” seryosong sabi pa niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumingin ng deretso sa mga mata ni Miro. Medyo namula pa nga ang mukha niya nang magtagpo ang mga tingin namin. Kung normal na magkaklase lang kami, maniniwala siguro ako sa mga sinabi niya ngayon. Wala kasi akong makitang bakas ng kalokohan sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga sinabi niya o magaling lang siyang umarte. Ito siguro ang paraan niya kaya napapasagot niya ang lahat ng babaeng nililigawan niya. “Akira, seryoso ako sa mga sinabi ko sa ’yo. I love you. Willing akong magbago para mapatunayan sa ’yo na seryoso ako. Just give me a chance to prove myself.” And there it is. Sinabi niya ang mga katagang never kong naisip na masasabi niya sa akin. Ni minsan ay hindi ko naisip na hahantong sa ganito si Miro. At sa totoo lang, ni katiting na pagtitiwala ay wala akong maramdaman. Tapos na ba siya sa physical a***e? Emotion ko naman ba ang target niya ngayon? “Ayos ka rin magtapat sa girlfriend ko Miro. Itinaon mo talaga na wala ako.” Sabay kaming napatingin kay Shin na bigla na lang sumulpot. Napahinga ako ng maluwag. Ipinagpasalamat ko na lang din na dumating siya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko dito kay Miro. Hindi ko alam kung paano makakaalis sa ganitong sitwasyon. At hindi ko alam kung anong ire-react ko. Lumapit sa akin si Shin at inakbayan ako. Naamoy ko pa ang pabango niya na nanuot pa sa ilong ko. Hindi naman masakit sa ilong ang pabango niya. Sakto lang ang amoy at mas nakadagdag pa sa kagwapuhan niya. Idagdag pa ang suot niya ngayon. Simple lang ang outfit niya pero ang lakas ng dating niya. Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata dahil nagawa ko pang mag-isip ng kung ano ano. Nagkaroon pa talaga ako ng oras para suriin ang pabango ni Shin at I-appreciate ang itsura niya ngayon sa ganitong klaseng sitwasyon. Pambihira. “Babe naman, ilang araw lang akong nawala tapos ganito ang makikita ko pagbalik ko. Nakakapagselos naman,” nakangusong sabi pa ni Shin sa akin. Hindi ako nakapag-react sa sinabing iyon ni Shin dahil bahagya akong natulala sa kaniya. Ngayon ko lang ata na-realize na ang cute pala niya kapag naka-pout. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Iniiwas ko na lamang ang tingin kay Shin at bumaling na lamang kay Mito. nakita kong nakakuyom ang mga kamao ni Miro. Palihim kong siniko si Shin pero hindi man lang siya tumingin sa akin. Mas humigpit pa nga ang pagkakaakbay niya sa akin na ikinakaba ko naman. “Nakakalimutan mo na ba Kanji? Inamin mo sa akin na niloloko mo lang si Akira,” mariing sabi naman ni Miro. “Teka lang pare, ganiyan ka na ba talaga kadesperado? Harap harapan mo na akong sinisiraan sa girlfriend ko,” hindi makapaniwalang sabi naman ni Shin. Lihim akong napabuntong hininga. Nandito na naman ako sa sitwasyong pinag-uusapan ako ng harap-harapan ng dalawang lalaking ito. “Hindi kita sinisiraan. Sinasabi ko lang ang totoo,” pagpupumilit naman ni Miro. Naniniwala ako kay Miro. Hindi talaga malabong sinabi iyon ni Shin sa kaniya. Ewan ko ba dito kay Shin kung bakit naisipan niyang sabihin kay Miro ‘yon. Ako ngayon ang naguguluhan at hindi ko malaman ang gagawin. Gusto ko na lang maglaho at takasan ang dalawang ito. Kung may kapangyarihan lang sana ako katulad ni Shin, kanina pa ako naglaho sa kinatatayuan ko. “Babe, please huwag kang maniwala sa mga sinasabi ni Miro. Sinisiraan niya lang ako sa ’yo,” sabi pa sa akin ni Shin. Lihim akong napairap. Gustong gusto niya talaga na napapaniwala niya si Miro sa mga sinasabi niya. At idadamay pa niya talaga ako sa mga kalokohan niya. Gusto ko na tuloy aminin kay Miro ang totoo. Ngunit kapag ginawa ko naman iyon, magiging katatawa lang ako sa kaniya. “Akira,” tawag sa akin ni Miro na ikinatingin ko naman sa kaniya. “Ibang klase ka rin Miro. Noong mga oras na walang boyfriend si Akira, wala kang ginawa kundi ang pagtripan siya at guluhin ang buhay niya. At ngayong may nagmamahal na sa kaniya, nakikigulo ka at sinasabi mong mahal mo siya. Ganiyan ka na ba talaga Miro? Ayaw mong maging masaya siya?” seryosong sabi naman ni Shin. Napatingin ako kay Shin. Sobrang seryoso niya habang sinasabi iyon. Maski ako ay parang nadadala sa mga sinasabi niya. Pero hindi dapat dahil walang katotohanan ang mga sinasabi niya. Sigurado naman akong nagdidiwang na siya dahil napapaglaruan niya si Miro. Ganti niya yata ito dahil sa pang-aagaw ni Miro sa mahal niya. “Kung ako sa iyo Miro, layuan mo na si Akira. Stay away from my girl,” dugtong pa ni Shin. “No. Hindi ako titigil hanggang hindi ko napapatunayan na niloloko mo lang siya,” determinadong sabi ni Miro. “Kung may napatunayan man dito, ikaw ‘yon Miro. Nagawa mo nang saktan si Akira noon at hindi na ako makakapayag na mangyari ulit ‘yon. I will protect her from you,” mariing sabi naman ni Shin. Tinanggal ni Shin ang pagkakaakbay niya sa akin pero hinawakan naman niya ang kamay ko. Hinila niya ako pababa ng rooftop hanggang sa makarating kami sa classroom. Wala pang estudyante sa classroom dahil maaga pa. Kami pa lang dalawa ang nandito. “Paniwalang paniwala talaga si Miro sa mga sinabi ko sa kaniya,” tatawa tawang sabi ni Shin. I knew it. Sinasabi ko na nga ba, ginagawa niya lang ito para pagtawanan si Miro. “At dinamay mo pa talaga ako sa mga kalokohan mong iyan,” masungit ko namang sabi. “Ayos ba? Pasado na bang maging boyfriend mo?” nakangising tanong pa niya. Napairap na lang ako. Kung hindi nga lang kami nagpapanggap, baka kilig na kilig na ako dahil sa mga pinagsasabi niya kay Miro. Ngunit tanging inis ang nararamdaman ko ngayon. Masyado niyang sineseryoso ang pagpapanggap na boyfriend ko. Hindi niya muna inisip ang aftermath nito kapag bumalik na siya sa lahi niya. Wala namang ibang magdudusa sa kalokohan nilang dalawa kundi ako lang. “Shin, what is the really purpose? Bakit ginagano’n mo si Miro?” seryosong tanong ko sa kaniya. Bigla namang natigilan si Shin ngunit kalaunan ay nakabawi rin siya. Tumikhim pa siya bago bahagyang ngumiti sa akin. “Ano sa tingin mo?” Napairap naman ako. “Magtatanong ba ako sa ‘yo kung alam ko?” Bumuntong hininga naman si Shin. “He’s serious Akira,” makahulugan niyang sabi sa akin. Kumunot naman ang noo ko. “Serious about?” “You,” maiksing sagot naman niya. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nagsidatingan na ang mga kaklase namin. Lumingon ako kay Shin nakatingin lang sa may unahan. Seryoso ang mukha niya at nandoon pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Sinundan ko ang tinitingnan niya at nakita ko si Miro na nakatayo pa sa may pintuan. Nakatingin siya sa gawi namin ni Shin pero hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin. Mababakas din sa mga mata ni Miro ang lungkot. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung ano nang dapat isipin pa. Pakiramdam ko ay ang kumplikado na masyado ng buhay ko simula nang makilala ko si Shin. Ang gusto ko lang naman ay tahimik na buhay, maka-graduate dito sa Academy na hindi nalalaman ng lahat ang tunay kong pagkatao. Pero ibang iba na ang sitwasyon ngayon. At hindi ko na alam kung may dapat ba akong gawin o hayaan na lang ang mga mangyayari pa. I’m just confused, and bothered at the same time. "By the way Akira, salamat sa pagkain na niluto mo kanina. I really appreciate it," sincere na sabi pa ni Shin. Nginitian ko na lang siya at hindi na ako nagsalita pa. Pakiramdam ko kasi ay namula bigla ang magkabilang pisngi ko. Isa pa ito sa nagpapagulo ng buhay ko, ang mga reaksyon ng katawan ko sa bawat kilos ni Shin. Hindi na ata normal ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD