19

1907 Words
AKIRA’S POV Nagising ako sa alarm ko. Lunes na naman kaya maaga akong nagising para maghanda ng almusal. Nakauwi naman ako noong sabado dahil agad akong sinundan ni Shin. Umuwi na kami deretso pagkatapos no’ng pagtatalo namin at hindi na rin ako kumain ng dinner. Nagkulong lang ako sa kwarto ko pati kahapon dahil ayoko pang makita si Shin. May mga stock naman ako ng pagkain sa kwarto ko kaya hindi ako nagutom. Hindi rin naman ako kinulit ni Shin maghapon kaya naging okay naman na ako ngayon. Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung gising na ba si Shin pero nakita ko ang isang papel na nakapatong sa table. Akira, Alam kong masama ang loob mo dahil sa nangyari. Gusto ko lang malaman mo na hindi ko pinagseselos si Inaki. Nagpanggap akong boyfriend mo para protektahan ka sa mga nangti-trip sa ’yo. Kung iniisip mong ginagamit kita para makuha si Inaki, nagkakamali ka. ‘Wag mo na sana isipin iyon dahil totoo lahat ng ipinapakita ko sa ’yo. Kinailangan ko munang bumalik sa lugar namin pero babalik din ako sa isang araw. Sana sa pagbalik ko ay bumalik na rin ang Akirang kinakausap ako at hindi iniiwasan. Mag-iingat ka Akira. At lagi kang magpasama kay Tatay Damian kapag aalis ka. Huwag matigas ang ulo. Hintayin mo ang pagbabalik ko dahil mag-uusap tayo. Kanji Shin Pumasok ako sa kwarto ni Shin dahil baka pinagtitripan niya lang ako pero wala siya doon. Wala rin siya sa kusina at salas. Ibig sabihin ay umalis nga siya. Baka totoo nga ang nakasulat sa papel na iniwan niya. Bumalik na lang ako sa kwarto para maligo at maghanda na sa pagpasok sa school. Tutal naman ay mag-isa lang ulit ako, nawalan na ako ng ganang magluto. Balak ko pa naman sanang kumain ng almusal ngayon. At balak ko ring makipag-ayos na sa kaniya ngunit nagkataon naman na umalis siya. Kakausapin ko na lang siguro siya pagbalik niya. Katulad ng sinabi ni Shin ay sinundo ako ni Tatay Damian at inihatid sa Academy. Hindi na rin naman ako nagreklamo dahil tinatamad akong mag-commute. Tutal naman ay paniwalang paniwala na rin ang mga estudyante na kay Shin ang sasakyang ito at boyfriend ko siya kaya wala na akong problema pa. Pagbaba ko ng sasakyan, as usual ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante pero katulad noong isang linggo ay wala silang sinasabi. Sinunsundan lang nila ako nang tingin at hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa mga kinikilos nila. Hanggang sa makasalubong ko sa hallway si Miro. Kasama niya si Inaki na sa tingin ko ay ihahatid niya sa classroon nito. “Mag-isa ka ata Akira?” sabi niya sa akin. Pero katulad ng dati ay hindi ko siya pinansin. Nilampasan ko siya at dali daling naglakad palayo. Hindi ko pa rin nalilimutan ang nangyari noong sabado. Tuwing weekend ko na nga lang hindi nakikita si Miro pero sa kamalas-malasan ay nagtagpo pa rin ang landas namin noong isang araw. “AKIRA!” Napatigil ako sa paglalakad nang biglang isinigaw ni Miro ang pangalan ko. Pati ang mga estudyante ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa. Sa sobrang tahimik ay rinig ko ang mga sapatos niya na palapit sa akin. Hindi ko magawang makahakbang dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Para akong naparalisa na lang bigla. Lihim akong napahinga ng malalim kasabay ng mariing pagpikit. Ano na naman kayang pakulo ang pinaplano niya? Akala ko ba ay hindi na niya ako pagtitripan katulad nang sinabi niya? Masyado ata akong umasa na magiging tahimik na ang pag-aaral ko. Mukhang nagkamali na naman ako. Matatapos ata ang pag-aaral ko sa Academy na ito na hindi ako nilulubayan ng mga pangtitrip ni Miro. “Hanggang kailan mo ba ako babalewalain Akira?” seryoso niyang tanong nang makalapit siya sa akin. Iniangat niya ang ulo ko kaya tiningnan ko siya ng deretso sa mga mata niya. Napakaseryoso ng mukha niya at wala akong makitang bakas ng kalokohan. Mahahalata rin sa kaniya na tensyonado siya. Hindi rin siya makatingin sa akin ng deretso. Pero ako ay nakatingin lang sa mga mata niya na ngayon ko lang yata ginawa sa kaniya. “Tell me Akira, mahal na mahal mo ba si Kanji na kaya mong magbulag-bulagan para lang makasama siya?” dugtong na sabi pa niya. Hanggang ngayon ay ipinagpipilitan pa rin niya ang panloloko raw sa akin ni Shin. Kung alam lang niya na siya ang niloloko namin dahil nagpapanggap lang naman kaming dalawa ni Shin. Hindi ko alam kung bakit paniwalang paniwala siya na mahal ko si Shin. Ganoon na ba kami kagaling umarte ni Shin dahil ang bilis niyang maniwala sa amin? Muli ko siyang nilampasan pero hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil na naman ako. Ngayon ko hinihiling na sana ay nandito si Shin para protektahan ako kay Miro. Dahil sa mga oras na ito, hindi ko alam kung anong gagawin ko. “Akira, bakit mo ba ako pinapahirapan?” seryosong seryoso na tanong sa akin ni Miro. Binawi ko sa kaniya ang braso ko at naglakad na ulit palayo sa kaniya. Hinding hindi na ako magre-react sa mga sinasabi niya kaya mas mabuti nang lumayo dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tama na ang isang beses na nagsalita ako sa kaniya. “Akira, I think I’m inlove with you!” malakas na sigaw ni Miro. Napuno nang mga bulungan ang hallway dahil sa sinabing iyon ni Miro. Marami nang estudyante kaya marami rin ang nakarinig sa sinabi niyang iyon. Sa sobrang pagkagulat nang lahat ay nagmistulang palengke ang hallway. Kaniya kaniya sila nang sinasabi habang ako ay walang maintindihan. Para akong nanghina dahil doon. Ang bilis bilis din ng t***k ng puso ko at parang gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa. Bakit sa lahat ng pwede niyang sabihin ay iyon pa? Ginawa niya ba ito para lalong magalit sa akin ang lahat ng estudyante? Parte ba ito ng pangti-trip niya? Bakit kailangan niyang humantong doon? Ganoon na ba talaga kalaki ang galit niya sa akin? Ano bang pagkakamali ang nagawa ko sa kaniya para pahirapan niya ako ng ganito? Kung nandito lang sana si Shin, natulungan na niya ako panigurado. Kung nandito lang siya, hindi ako nababahala ng ganito. INAKI’S POV Gumuho ang mundo ko sa narinig. Hindi ko akalain na masasabi iyon ni Miro sa harap ng maraming tao. Hindi dapat ako nababahala dahil knowing Miro, hindi siya nagseseryoso sa mga babae niya. Pwedeng pwede kong isipin na sinabi niya lang ‘yon para magalit ang lahat kay Akira. Pero iba ang naiisip ko. Ni minsan ay hindi niya ipinagsigawan ang mga ganoong salita para lang makuha ang mga babaeng nagugustuhan niya. Iba ngayon. Iba ang kay Akira at natatakot ako sa kung anong totoo. Tiningnan ko si Miro. Halatang kabado siya at hindi makatingin ng deretso kay Akira, bagay na ngayon ko lang nakita sa kaniya. Mataas ang confidence ni Miro sa kahit na sinong babae pero bakit tila kinakabahan siya sa presensya pa lang ni Akira? Totoo na ba talaga ang narinig ko? Mahal niya nga ba talaga ang babaeng iyon? Napuno ng bulungan ang buong hallway at si Akira naman ay mabilis na pumunta sa classroom nila. Susundan pa sana siya ni Miro pero agad ko siyang pinigilan. “Are you out of your mind?” galit na tanong ko kay Miro. “Why?” nagtatakang tanong naman niya sa akin. “Look!” Itinuro ko kay Miro ang mga estudyanteng nakarinig ng sinabi niya. Lahat sila ay nagbubulungan at mababakas sa mga mata nila ang pagkadismaya kay Miro. Ang iba ay hindi makapaniwala sa narinig nila at ang iba ay nagagalit kay Akira. “Sa tingin mo ba ay natutuwa sila sa ’yo ngayon? Ikaw ang numero unong nangti-trip sa commoner na ‘yon tapos ipagsisigawan mo sa lahat na mahal mo siya? Nagmumukha kang katawa tawa sa paningin ng iba. Kung part ito ng pangti-trip mo, sabihin mo sa lahat dahil mukhang naniniwala sila sa sinabi mo kanina,” mahabang sabi ko sa kaniya. Kailangang ma-realize ni Miro na parte lang ito ng pangti-trip niya kay Akira. Hindi pwedeng seryoso na siya. “Anong trip ang pinagsasabi mo Inaki? Totoo ang lahat ng sinabi ko,” deretsong sabi niya sa akin. No. Hindi pwede iyon. Kung may seseryosohin at mamahalin man si Miro, ako dapat ‘yon at hindi ang babaeng iyon. Hinila ko palayo si Miro sa hallway at dinala siya sa lugar na walang makakarinig ng pag-uusapan naming dalawa. I want to clear up things. HIndi pwedeng ganito na lang kadaling mawala sa akin si Miro. Marami akong isinakripisyo para sa kaniya at hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. “Mahal mo na si Akira? As far as I remember, sinabi mo sa akin na never kang mai-inlove,” pagpapaalala ko pa sa kaniya. “Iyon din ang akala ko Inaki. Pinag-isipan ko ito magdamag. At sigurado na ako, I fell inlove with her,” seryosong sabi naman niya. Napahinga ako ng malalim. Pinipigilan kong mapaluha dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong ipa-realize kay Miro na mali ang iniisip niya. “Ano na lang ang sasabihin ng lahat Miro? Nakita mo ba ang reaksyon ng lahat? Ikaw lang ang magiging katawa-tawa sa lahat. At nakita mo naman siguro kung paano ka isnabin ni Akira.” “Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Ngayon ko lang naramdaman ito Inaki at handa akong isugal ang lahat para mapatunayan kay Akira na seryoso ako sa kaniya,” sabio naman niya sa akin. No! Hindi pwede! Umalis si Miro at bumalik sa may hallway kung nasaan ang mga estudyanteng hindi pa makaget-over sa nangyari. “Everyone! Listen! Seryoso ako sa mga sinabi ko kanina. At kung sino man ang manakit kay Akira, ako ang makakalaban niyo,” malakas na sigaw ni Miro sa lahat ng estudyante sa hallway. After saying those words ay umalis na si Miro at pumunta sa classroom nila. Nakalimutan na ni Miro na ihahatid pa niya dapat ako sa classroom ko. Hindi ko na napigilan ang maiyak sa mga nasaksihan. After all my sacrifices, wala pa rin akong napala. Ang taong pinili at minahal ko ay nagmamahal nang iba. Pero hindi ako papayag. Hindi ako makakapayag na uuwi akong talunan. Kailangan kong mapatalsik ang babaeng iyon dito sa Academy. At ipapa-realize ko kay Miro na hindi karapat-dapat mahalin ang babaeng iyon. Kailangan kong iparealize sa kaniya na ako ang karapat-dapat sa kaniya. Pero anong gagawin ko? Si Kanji lang ang alam kong makakatulong sa akin dahil nagpapanggap siyang boyfriend ni Akira. Pero paano ko siya makukumbinsing tulungan ako? Paniguradong matutuwa pa iyon kapag nalaman na si Miro ang dahilan ng pag-stay ko rito pero hindi niya ako kayang mahalin. Siguradong gagamitin niya iyon para mas makumbinsi akong bumalik sa lahi namin. At baka mas lalo siyang ganahan na ipagsiksikan ang sarili niya sa akin na hinding hindi ko naman pahihintulutan. Kahit hindi ako kayang mahalin ni Miro, hindi ko rin magagawang mahalin si Kanji. Pero nakakapagtaka rin kung bakit kailangan niyang magpanggap. Alam kaya ni Akira ang tunay niyang pagkatao? Pero imposible dahil walang tao ang pwedeng makaalam ng pagkatao namin. At ngayon ay napapaisip na ako kung anong meron kina Kanji at Akira. Mukhang kailangan ko nang tanggapin na kailangan kong makausap si Kanji sa lalong madaling panahon. Kailangan ko siyang makausap para sa ikakapanatag ng loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD