AKIRA’S POV Hindi sumabay sa amin ng lunch si Shin dahil sabi ni Louie ay may kakausapin daw ito. Hindi ko naman na kailangang itanong dahil alam kong si Inaki lang naman ang pupuntahan niya. Masyado nang halata ang relasyon nila kaya halos pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito sa cafeteria. Hindi ko nga alam kung natutuwa o naaawa ba sila na malaman na niloloko lang ako ng isang Kanji Shin. Parang gusto ko nga silang pagtawanan dahil paniwalang paniwala sila sa pagpapanggap namin. Iyong akala nila na ako ang niloloko pero ang totoo ay sila ang niloloko namin ni Shin. Napapansin ko rin ang madalas na pagsulyap sa akin ni Nathalie. Hindi ko na matagalan ang ikinikilos niya kaya nagpakawala ako ng buntong hininga at saka tumingin sa kaniya. “Just say it Nathalie,” seryosong sabi ko s

