AKIRA'S POV Nang makalapit sa amin si Shin ay hindi na ako kumibo o nagsalita pa. Nahalata naman iyon ni Nathalie dahil hindi na rin niya ako kinulit pa. Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa buong table namin nang maupo si Shin sa tabi ni Louie. Nakita ko pa si Inaki na nakatingin sa gawi namin. Halatang malalim ang iniisip niya dahil sa paraan ng pagtingin niya sa amin. Palihim ko ring tiningnan si Shin at ganoon din siya. Nakakunot pa ang noo niya at nakatitig lang sa pagkaing nasa harap niya. Hindi ko alam kung nagseselos ba sa akin si Inaki ngunit iyon ang pilit na naglalaro sa isipan ko. Pakiramdam ko ay isa akong malaking tinik sa relasyon nilang dalawa. Hanggang sa paglalakad namin pabalik sa classroom ay tahimik lang si Shin. Wala rin naman akong planong pansinin o kau

