31

1868 Words
AKIRA POV “Pwede bang lima lang ang sumama sa akin sa school?” seryosong tanong ko kay Shin. Kasalukuyan kaming nasa dining table ni Shin at kumakain siya ngayon ng almusal niya. Kanina ko pa rin siya pinakikiusapan na baka pwedeng hindi lahat ng bodyguards ay sumama sa akin. Ang awkward na kasi masyado kung lahat sila ay nakabuntot sa akin. Dinaig ko pa ang mga sikat na artista sa dami ng bantay ko. Baka pati mga Faculty Members ay matakot na sa akin. At iyon ang ayaw kong mangyari. “Anong gagawin nang lima pa? Hindi sila pwedeng maiwan dito sa bahay,” sabi naman ni Shin habang kumakain ng sayote. “Edi maggala muna sila at pumunta sa mga lugar na gusto nilang puntahan,” suhestiyon ko naman. “Tingnan mo sila Akira,” seryosong sabi ni Shin. Sinunod ko naman ang sinabi ni Shin. Tiningnan ko ang sampung bodyguards na pirming nakatayo sa may labas ng mansion. Hindi sila gumagalaw o nakikipagkwentuhan sa kapwa nila. Para silang mga kawal ng isang palasyo sa mga nababasa kong Fantasy stories. “Sa tingin mo ba, sila ang mga taong kapag sinabing magliwaliw ay magliliwaliw talaga sila?” tanong pa sa akin ni Shin. Hindi ako nakasagot sa tanong na iyon ni Shin. May punto siya. Mukhang ang mga bodyguards na pinadala nina Mommy ay well-disciplined at sobrang mapapagkatiwalaan. Bumuntong hininga na lang ako at pinagmasdan si Shin na kumain ng gulay niya. Tumingin din siya sa akin ng ma-realize niya na nakatingin ako sa kaniya. “Kahit anong gawin mo, nandyan lang sila at hindi ka nila lulubayan. Iyon ang trabaho nila Akira,” seryosong sabi niya sa akin. Npaabuntong hininga naman ako. “Nagtataka lang ako na bigla bigla ang paghihigpit ng parents ko sa akin.” “Syempre dahil nalaman nila ang mga nangyari sa iyo sa school. Siguradong nangamba lang sila sa kaligtasan mo lalo na at marami nang nakakaalam ng tunay mong pagkatao,” dere-deretsong sabi naman niya. “Nakita mo naman kung paano pinagbantaan ni Daddy ang lahat ng estudyante ng Academy. Sigurado sila na hindi na ako tatangkain pang saktan ng mga estudyante. Pakiramdam ko ay mas malalim na dahilan kung bakit nag-hire sila ng sampung bodyguard,” seryosong sabi ko naman. Marahil ay masyado nang malayo ang naiisip ko ngunit isang malaking palaisipan talaga sa akin ang sampung bodyguards na kinuha ng mga magulang ko para sa akin. “Ano namang dahilan ang naiisip mo?” kunot noong tanong niya sa akin. Tumayo na rin si Shin at uminom ng tubig. Natapos na ata siyang kumain. Mabuti naman dahil baka ma-late pa kami sa school kapag mas tinagalan pa niya ang pagkain sa almusal niya. “Hindi ko alam. Hindi naman magiging ganito ka-over protective sina Mommy kung walang banta sa buhay ko,” wala sa sariling sabi ko. Natigilan ako sa sinabi ko. Exactly, hindi maghahanap sina Mommy ng sampung bodyguard kung wala sa panganib ang buhay ko. Ibig bang sabihin ay may nagtatangka sa buhay ko? Pero bakit? I mean, wala masyadong nakakaalam na ako ang anak nina Mommy. At isa pa, wala naman akong nababalitaan na may nakaalitan sila sa business. “Kung ano ano na naman ang iniisip mo Akira,” iiling iling na sabi naman ni Shin sa akin. Ginulo pa niya ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Lagi na lang niya gustong gusto na guluhin ang buhok ko. KANJI SHIN’S POV Buong biyahe ay nakasimangot lang si Akira. Paano ba naman kasi, napapaggitnaan ng dalawang sasakyan ang sinasakyan namin ngayon. Sa dalawang sasakyan na iyon ay doon nakasakay sina Louie. Kinakailangan na rin kasing isama sila kahit saan magpunta si Akira dahil kahit saan ay pwedeng umatake ang mga Black Nine Tailed Fox. Wala na silang pakialam kung makita man sila ng mga normal na tao. Ganoon na sila ka-agresibo. Hindi pa namin nararamdaman ang presensya nila kaya malakas ang kutob namin na gumagamit sila ng itim na kapangyarihan upang hindi namin sila matunton. Kaya mas kailangan ang ibayong pag-iingat dahil maaaring ang mga makakasalubong namin ay mga itim na Nine Tailed na pala. Pagbaba namin ni Akira ay agad na pinalibutan kami ng mga kalahi ko. Alam kong inis na inis na siya pero hindi lang siya makareklamo lalo na at halos dumugin siya ng mga estudyante. Halos lahat ng estudyante ay may dalang mga bulaklak at chocolate. Pilit nila itong inaabot kay Akira pero hinaharangan sila ng mga kalahi ko. “Ano bang mayroon?” inis na sabi ni Akira. “Ms. Akira, gusto lang namin magsorry!” sigaw ng isang estudyante. Narinig kong bumuntong hininga si Akira. Hindi kami halos makaalis sa pwesto namin dahil sa mga estudyanteng nakaharang. Mabuti na lang din pala na isinama ko sina Louie dahil kung hindi ay baka nasaktan na si Akira. “Ms. Akira, sorry sa mga nagawa namin.” “Ms. Akira, hindi namin alam na ikaw pala ang anak ng may-ari ng school, sorry.” Ilan lang iyon sa mga sinasabi ng mga estudyante habang patuloy pa rin ang pag-aabot nila ng kung ano-ano kay Akira. “THAT’S ENOUGH!” Lahat ay natigilan nang biglang sumigaw si Akira. Masama na ang aura niya kaya medyo lumayo ang mga estudyante. Maski ako ay medyo nahintakutan sa pagsigaw niya. Ganito pala siya kapag sobrang nagagalit na. Kulang na lang ay tubuan na rin siya ng siyam na buntot. “Hindi ko kailangan ng mga chocolates at bulaklak niyo. Can you just please leave me alone?” mataray niyang sabi pa. Isa-isang nagsialisan ang mga estudyante kaya nakausad na kami sa paglalakad. Hindi na rin ako nagsalita dahil masama talaga ang aura ni Akira ngayon. Baka ako pa ang mapagbalingan niya kapag nagsalita pa ako. “Kanji, sa labas ng classroom kami magbabantay,” sabi ni Louie sa isip ko. “Go on,” sagot ko naman. Tahimik kaming pumasok sa classroom. Punong-puno rin ng mga chocolates at kung ano-ano pa ang upuan ni Akira. Tumingin ako sa kaniya at mababakas sa mukha niya ang pagkadismaya. Ibang iba na ang buhay ngayon ni Akira kumpara noon na hindi siya masyadong napapansin ng karamihan. At alam kong naiibahan din sa kaniya ang lahat ng estudyante dahil nagpapakita na siya ng emosyon. “I hate this,” narinig kong bulong ni Akira. Tinawag ko si Louie at pinakuha ko ang mga nakalagay sa upuan ni Akira. Pagkatapos ni Louie ay pabagsak na umupo si Akira. Halos natigilan pa ang lahat dahil sa pagdadabog ni Akira at mababakas sa mga mata ng kaklase namin ang takot. “Ayos ka lang?” may pag-aalala kong tanong. “Mukha ba akong okay? Sumasakit na ang ulo ko,” masungit niyang sagot sa akin. Tiningnan ko si Akira at medyo namumutla nga siya. Sinalat ko ang noo niya pero hindi naman siya mainit. Naii-stress ata siya sa mga nangyari kanina. Hindi pa naman siya sanay sa maraming tao. “Gusto mo bang umuwi muna?” seryosong tanong ko naman. “Hindi. Kaya ko naman,” pagtanggi niya. “Kanji, may mga itim na Nine Tailed Fox!” sigaw ni Louie sa isipan ko. Sumilip ako sa bintana at nakita na wala ang limang kalahi ko. Marahil ay sila ang humabol sa mga itim na Nine Tailed Fox. Ang hirap ng sitwasyon namin dahil hindi namin pwedeng ipahalata sa lahat ang mga nangyayari lalo na kay Akira. Kaya kahit kating-kati na ako sa upuan ko ay mas pinili kong manatili at kumalma. Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko dahil sa katotohanang wala akong magawa ngayon. Natapos ang buong maghapon na walang gulong nangyari. Ang sabi ni Louie ay hindi nila nahabol ang mga itim na Nine Tailed Fox. Agad daw itong tumakbo nang maramdaman ang presensya namin. Pero alam kong babalik sila anumang oras. Marahil ay nagpaparamdam lang sila sa amin na nandito rin sila. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Akira palabas ng school nang makita namin si Inaki na mag-isang naglalakad din. Akmang lalapit siya sa akin pero nakita niya sina Louie kaya agad siyang umalis palayo. Tumingin sa akin si Louie pero umiling lang ako. Ako ang naatasan na magkumbinsi kay Inaki kaya hindi ko hahayaan na madamay sina Louie. Nandito sila upang protektahan si Akira kaya dapat ay doon lang sila naka-focus. Hindi pwedeng ma-distract sina Louie sa pagbabantay kay Akira dahil masyadong mapupusok ang mga kaaway. “Alam mong si Inaki ang nagsumbong sa mga magulang ko, hindi ba?” biglang sabi ni Akira. Natigilan ako ngunit kalaunan ay nakabawi rin. “Akira.” “At sa tingin ko ay wala kang balak sabihin sa akin iyon,” plain na sabi pa niya. “Hindi ko muna sinabi dahil ayokong makadagdag pa sa isipin mo iyon. Paano mo pala nalaman?” sabi ko naman. “Sinabi sa akin ni Mommy. Hindi ko alam kung anong pakay ni Inaki kung bakit niya sinabi sa mga magulang ko. Pero masyado nang nakakagulo sa buhay ko ang pananatili niya dito. Ayokong lumabas na masama pero sana makumbinsi mo na siya na sumama sa iyo. Hindi na ako natutuwa kapag nakikita ko siya,” dere-deretsong sabi ni Akira. “At isa pa pala, hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawang p*******t niya sa akin dahil lang sa ako ang gusto ni Miro at hindi siya. Huwag niyong hintayin na maubos ang pasensya ko. Hindi ako kasing bait katulad ng inaakala niyo,” dagdag pa niya. Sumakay ng kotse si Akira at naiwan akong tulala rito. Hindi ko akalain na lalabas sa bibig ni Akira ang mga ganoong salita. Mukhang nakuha niya ang ugali ni Tito Alejandro, mabait pero hindi magandang galitin. Sumakay ako ng sasakyan sa tabi niya at muli ko siyang tiningnan. Mas lalong namumutla si Akira kaya muli kong sinalat ang noo niya. “Mainit ka Akira,” seryosong sabi ko. Tinabig niya ang kamay ko at tumingin lang sa labas ng sasakyan. Napapansin ko na mabilis magbago ang mood ni Akira, dala na rin siguro ng mga nangyari. Hindi ko na lang siya muna kinulit at nanahimik na lang din. Pagkarating namin sa mansion ay nagprisinta akong alagaan siya pero tumanggi siya. Inutusan niya lang ang isang katulong na magdala ng gamot sa kwarto niya. Napailing na lang ako. Habang tumatagal ay nakikita ko sa kaniya si Tito Alejandro. Pagkatapos noon ay nagkulong lang siya sa kwarto niya. Hinayaan ko na lang dahil mukhang ayaw niyang magpa-istorbo. Tanging ang katulong lang kasi ang pinapayagan niyang pumasok sa kwarto niya para tingnan ang temperature ng katawan niya. Sabi naman ng katulong ay bumaba na raw ang lagnat ni Akira kaya medyo nakampante ako. Pero binilinan ko ang katulong na icheck siya kada apat na oras. “Sir, si Ma’am Akira po.” Napatayo ako nang biglang lumapit sa akin ang katulong na nag-aalaga kay Akira. Mangiyak ngiyak siya at hindi mapakali. “Bakit? Anong problema?” agad kong tanong. “Nagbibihis po siya ngayon dahil aalis daw po siya,” balisang agot naman niya sa akin. Hindi na ako nagsalita pa. Agad akong nagtungo sa kwarto ni Akira at saktong palabas na siya ng kwarto niya. “Saan ka pupunta?” kunot noong tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD