AKIRA’S POV Hindi na ako tuluyang nakatulog pa kaya maaga na lang akong naligo upang makapagbihis agad. Alas sais pa lang ng umaga ay tapos na ako at handa nang pumasok. Tutal naman ay maaga pa, mag-aalmusal na lang muna ako dahil nagugutom na ako. Kagabi pa ako hindi kumakain at pakiramdam ko ay nanlalambot ako dahil sa gutom. Pagkababa ko sa kusina ay iilang bodyguard ang nandoon at nag-aalmusal. Nang makita nila ako ay agad nila akong binati ng “Good morning”. Ngumiti naman ako sa kanila at umupo na rin. Agad na ikinuha ako ng isang katulong ng pagkain ko at nagsimula na akong kumain. Halos patapos na akong kumain nang marinig ko ang mga mahihinang yabag na palapit sa may kusina. At bahagya ko nang naririnig ang pag-uusap nina Louie at Shin. “Hindi ka na dapat pa nagtapat sa kaniya

