AKIRA’S POV “Good morning Akira!” nakangiting bati sa akin ni Shin nang makababa ako galing sa kwarto ko. Mukhang maganda ang naging takbo ng usapan nila kagabi ni Louie dahil mukhang hindi siya problemado. Tumango lang ako kay Shin at agad na binalingan ang taga-luto sa bahay na tahimik na naghahain ng almusal sa dining table. “Manang, hindi po kayo nagluto ng dinner kagabi?” magalang kong tanong sa kaniya. “Nagluto po ako Ms. Akira para kung sakaling magising po kayo ay may kakainin po kayo,” magalang naman niyang sagot sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Sinigurado kong naghanap talaga ako ng pagkain kagabi ngunit wala naman akong nakita. Puro gulay lang ang nakita ko sa ref. “Bumangon ka kagabi Akira?” seryosong tanong naman sa akin ni Shin. Marahan akong umiling. Hindi ko pweden

