AKIRA’S POV “Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit kinausap ko si Inaki?” deretsong tanong ko kay Shin. Katatapos lang ng afternoon class namin at hinihintay na lang namin ni Shin na makalabas ang lahat bago kami lumabas. Iniiwasan kasi niya na makipagsiksikan ako sa mga kaklase namin. Mas pabor din naman sa akin iyon dahil ayoko rin namang makipagsabayan sa mga kaklase namin. Lumingon sa akin si Shin at bahagya siyang ngumiti. “Ang alin? Na siya ang sinisisi mo sa lahat ng nangyayari?” Napaiwas ako ng tingin. So nagsumbong nga talaga sa kaniya si Inaki. Well, inaasahan ko naman na iyon. Hindi ko na kailangan pang magulat. “I’m sorry,” ang tanging nasabi ko na lang. Gusto ko mang sabihin sa kaniya ang tunay na dahilan ko kung bakit ginawa ko iyon, ngunit ayokong isipin ni Shin na pina

