INAKI’S POV Napabalikwas ako ng bangon nang magmulat ako ng mga mata. Nakahinga ako ng maluwag nang ma-realize na nasa kwarto ko ako ngayon. Ang huling naaalala ko ay nasa sasakyan ako ni Miro nang mawalan ako ng malay. Napahinga ako ng malalim bago ko muling inilibot ang paningin ko. Wala akong kasama dito sa kwarto kaya hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Pabagsak akong humiga ulit dahil sa panghihinang nararamdaman ko. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Miro na may dalang isang palanggana. “Mabuti naman na gising ka na,” seryoso niyang sabi sa akin. Lumapit siya sa akin at ipinatong niya ang hawak na palanggana sa may bedside table. Kinuha niya rin ang towel na nalaglag sa sahig nang bigla akong bumangon. Sa tingin ko ay nakapatong ang towel na iyon sa noo ko.

