AKIRA’S POV Alas syete na ng umaga ngunit hindi ko pa rin magawang bumangon sa higaan ko. Late na ako sa school ngunit wala akong lakas para maghanda. Parang minamaso ng paulit-ulit ang ulo ko at pakiramdam ko ay madudurog na ito anumang oras. Idagdag pa ang tiyan ko na parang nasusuka kapag gumalaw ako. Ni hindi ko rin magawang makamulat dahil masyado akong nasisilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko. Sa ganitong kalagayan ko ay hindi na ako makakapasok pa. Tatawagan ko na lang si Tito June mamaya upang ipaalam kung bakit ako absent. Mas gugustuhin ko munang humiga maghapon ngayon dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Kung alam ko lang na ganito pala ang aftermath ng pag-iinom, hindi na sana ako nagpakalasing kagabi. And speaking of kagabi, kanina ko pa iniisip

