Mga Bolang Ilaw sa Gabi

1646 Words
Pagbalik nina Andy, Jang-Mi, Colonel Laxamana at Lt. Esguerra sa base ay nag-aantay na sa labas si Corporal Diazon na may mahalagang ibabalita. Bagama't tigatig pa sila sa natunghayan sa simbahan at simenteryo, at sa teorya ni Andy na ang grave robbings ay ang mga patay na nabuhay at gumapang mula sa hukay, pansamantalang naalis ang isipan nila sa bagay na ito dahil sa balita ni Corporal Diazon. Pagbaba pa lang ni Colonel Laxamana ng sasakyan ay nariyan na sa harapan niya ang corporal. "Ano 'yon, corporal?" "Sir, may development." Agad silang dumiretso sa war room kung saan ipinakita ni Corporal Diazon sa malaking TV screen ang video na nasa Youtube. Nagkumpulan silang lahat sa harapan nito. "Kakapost lang nito, sir, mga two hours ago," ulat ng corporal. "Kuha ng mga mountaineers mula sa Mt. Banahaw." Sa Youtube, ang title ng video ay "UFOs near Mt. Banahaw" at may 2,489 hits na agad ito. Ang video ay kuha mula sa cellphone, gabi, at makikita ang anim na bolang ilaw sa kalangitan na lumilipad, na ayon sa corporal, ay sa itaas ng mismong bayan ng Callejon. Medyo shaky ang pagkakahawak ng cellphone, halatang tigatig ang pangkat ng mountaineers na kumukuha ng video sa nasasaksihan nila. Dinig ang mga mangha nilang boses. Sa video, kita sa ibaba ang mga ilaw ng bayan ng Callejon na sa pagtataka nila'y nagsipagpatayan nang dumaan ang mga UFOs. Maya-maya'y naging static ang video at nawala. Saglit na natahimik sila Corporal Laxamana makaraang ipalabas ang video. Pamilyar sila sa facts na ang mga UFOs ay nagdudulot ng pagkawala ng kuryente, at nag-iinterrupt ng mga bagay na electrical o electronic. "Anong oras ito?" tanong ng colonel. "Sir, according sa video, 2:05 AM, July 29," ulat ni Corporal Diazon. "Madaling araw," muni ni Lt. Esguerra. "Sa simbahan, nawala ang kuryente kaya sila nagsindi ng kandila sa simbahan," sabi ni Andy. At sinundan ito ni Lt. Esguerra ng: "At ayon sa mga report, parehong oras na may naka-witness mula sa labas ng Callejon ng pagdidilim ng kalangitan at pagkawala ng mga bituin." "According sa testimonies din, bumalik ang kuryente sa Callejon mga 3AM," dagdag naman ni Corporal Diazon. "2-3 AM," sabi ni Andy. "''Yan ang window natin. Kailangang nating alaming mabuti ang mga nangyari sa oras na 'yan. Dapat i-monitor natin 'yan." Tumango si Colonel Laxamana. "Narinig n'yo siya, 2-3 AM. I-relay nyo 'yan sa iba." "Yes, Sir," magkasunod na sagot nina Lt. Esguerra at Corporal Diazon. Nakaramdam ng p*******t ng ulo si Andy. "Are you, okay, Andy?" lapit ni Jang-Mi. Marahang tumango ang private investigator. "Mabuti pa't magpahinga ka muna, pare, kami na muna bahala dito," sabi ng colonel sa kanya at sa psychic na rin, "You too, Jang-Mi. Rest." Hindi pa man nagtatanghali ay pakiramdam ni Andy at ganoon na rin ni Jang-Mi, na marami ng mga kaganapang dapat pagmunihan muna, kung kaya't sumang-ayon sila na magpahinga. Iniwan nilang abala ang mga sundalo nang umakyat sila sa kanilang mga kuwarto. # Humiga si Andy sa kama at ipinikit ang mga mata. May pansamantalang kapayapaan sa loob ng kanyang kuwarto, nguni't laman pa rin ng kanyang isipan ang mga pangyayari ng nagdaang mga oras at ito'y nagpapagulo sa kanyang isipan. Pilit man niyang ipasintabi ang mga bagay-bagay para maka-idlip ay walang epekto. At napasimangot siya nang may kumatok sa pintuan. Nang kanyang buksan ay si Jang-Mi ang naroon at hindi naman niya magawang mainis dito. "Hello," bati ng Koreana. "H-hello. Come in." Pumasok ng kuwarto ang Koreana. Dala ang tray ng sandwich at juice. "Here. You must eat." "Thank you." Naupo si Andy sa kama habang nilapag ni Jang-Mi ang tray sa sidetable at naupo naman sa chair sa may dresser. Walang ganang kumain si Andy, nguni't sa isip niya, panakbo oras din ito. Pansamantalang distraction. "Thank you, again," sabi ng private investigator habang kumagat sa sandwich. "You're welcome," balik ng psychic. Hinayaan muna ni Jang-Mi na maubos ni Andy ang pagkain at makainom ng juice bago niya nilabas ang bagay na sinadya niya. "Andy..." "Yes?" Mahinahon ang boses ng Koreana. "In graveyard...I saw her, too." Hindi ito ikinagulat ni Andy. Malaki ang kutob niyang nakita rin ng psychic ang yumao niyang ina sa simenteryo. Sa experyensya niya bilang private investigator, huli rin niya ang mga body language ng mga tao, at ang expressive na si Jang-Mi ay madali niyang nabasa. "Yes, I know," tango niya. "You know? "Yes, I can tell." Tumango si Jang-Mi. "Your mother," aniya. "She has message. But, I do not understand." Nagulat si Andy. Isang bagay iyong nakita ng psychic ang multo ng nanay niya, pero ibang usapan kung may gustong iparating ito na mensahe. "What message, Jang-Mi?" Napakunot-noo ang Koreana. "I'm sorry, I do not understand. But, I think it is important. Not only your mother, but others too." "Others? Sinong others? Who are others?" naging tense si Andy. "Spirits inside church. We must go back," mariing hiling ni Jang-Mi. Napatayo si Andy at nilakad ang tensyon niya sa kuwarto. Inaantay ni Jang-Mi ang kanyang kasagutan. Ito ang problema kay Andy. Isa siyang skeptic. Kahit na alam niyang kita na ng kanyang mga mata ang kababalaghan, at na-confirm pa ng isang psychic, ay nasa instinct ng kanyang katauhan na ideny pa rin ang lahat. "No. No. Its not real. You know..." sumenyas si Andy sa kanyang ulo. "Kathang-isip. Imagination." "But you saw." "Yes. But does not mean I believe, understand?" matigas na tugon ni Andy. "Its just in my head. My mind, very tricky!" Huminto si Andy sa may bintana at tumingin sa kalayuan na tanawin. Mga puno. Mga ulap. Malayo ang kanyang natatanaw. Saglit na katahimikan. "You must believe," mabagal nguni't malinaw na umpisa ni Jang-Mi. "Or else, you will not have peace." Sa isang kataga ay nahuli agad ni Jang-Mi ang kalahatan ng nararamdaman ni Andy, peace, at napalingon siya sa kasama na nakatingin sa kanya ng mga matang mapang-unawa. Peace. Kapayapaan. Sa pinagdadaanan ni Andy sa buhay niya, isang dayuhang kailan lamang niya nakilala ang nakaintindi pa sa kanya. At nakaramdam siya ng kaluwagan sa dibdib na kahit paano, may nakikiramay sa kanya. "We need to go back to church," ulit ng psychic. Tumango si Andy. Alam niyang mahalaga ito. "Yes, we go back. I will tell the colonel." Napangiti si Jang-Mi na binayaran ni Andy ng sariling ngiti. Saglit silang nagkatinginan bago tumayo ang Koreana at bumalik sa kanyang kuwarto. Nang wala na si Jang-Mi ay napabuntong-hininga si Andy, pumasok ng kanyang banyo, naghilamos, tinignan ang sarili sa salamin, bago nahiga muli sa kama at pumikit. Peace. Itong binulong niya sa sarili bago naidlip. # Bayan ng Callejon. Isang ghost town. Mula sa tuktok ng resort na ginawang headquarters ng military ay makikita ang pagdaan ng oras, mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog. At sa panahong ito, walang anino ninuman ang makikita. Ang misteryong bumalot sa bayang ito ay nanghihingi ng kasagutan. Bumangon si Andy para mananghalian kasama sina Jang-Mi, Colonel Laxamana at Lt. Esguerra at pag-usapan ang mga hakbang na kanilang gagawin. Pangunahin dito ay ang pagiimbestiga pa sa mga pangayayari ng kanilang window time na 2-3AM ng Hulyo 29. Si Andy naman ay ipinagpatuloy ang pananaliksik sa hiwaga ng mga grave robbings. Inabot siya ng gabi sa gawaing ito at agad na hinanap ang colonel para ipakita ang kanyang report. Inabutan ni Andy sa lobby ang colonel na may kausap sa telepono. "Yes, sir. I understand. We're doing our best, sir. Yes, sir," sabi ni Colonel Laxamana sa kausap at umiiling na ibinaba ang telepono. Lumapit si Andy dala ang ilang papel. "Kausap ko lang ang National Security Chief. Pressure from Malacanang," sabi ni colonel sa kanya. "They want answers. Dahil sa inupload na Youtube video, nagtatanong na ang Press. Makikita nila na kinordon natin ang area. Magiging curious sila at mage-escalate ito nationwide." Problematic ang mukha ng opisyal. "Kelangan talaga natin ng tulong ng FBI o ng CIA para mapabilis ito," suggest ni Andy. Pero, agad na umiling ang colonel. "That's a negative, Andy. I tried. Matigas ang ulo ng Presidente. Ayaw niya ng tulong ng mga Kano. Matter of national pride daw. Sa totoo lang? Political bullshit!" Maangas ang tono ni Colonel Laxamana at nakita niya ang dalang papel ni Andy. "Anong meron ka?" Pinakita ni Andy ang mga papel na hawak. "Listahan ito ng mga pangalan na nasa mga puntod na may mga hukay." "And?" "19 na pangalan," inform ni Andy. "Lahat ng nawawalang bangkay ay ipinanganak between 1930 to 1932. At namatay between 1988 to 2006." Pinulupot ng colonel ang kanyang mga braso. Napaisip. "Puro matatanda, kung ganon?" "Oo," confirm ni Andy. "Pero, ang medyo nakakataka ay dalawa lang ang babae sa listahan, nanay ko at isa pa. At pareho silang year 2000s namatay. 'Yung 17 na iba, puro lalake na namatay between 1987 to 1988." Kinuha ng colonel ang kaha ng sigarilyo sa breast pocket niya at nagsindi ng stick. "Okay, so kung aalisin mo sa equation ang dalawang babae, the rest na 17 na lalaki ay more or less, same profile, magkakalapit ang edad, ng birthday at petsa ng pagkamatay, ganun ba?" tanong ng colonel. "Ganun na nga," sagot ng private investigator. Tumango si Colonel Laxamana at nakakita ng maliit na breakthrough sa ulat ng kaibigan. "May pinupuntahan 'yan, pare. Anong balak mo?" "Kelangan ko ng kumpirmasyon. Kung maaaring hukayin ang mga puntod," hiling ni Andy. Bumuga ng makapal na usok ang opisyal. "Okay. Bibigyan kita ng tao para d'yan." "Salamat, pare." Tinapik ni Colonel Laxamana si Andy sa balikat bilang job-well-done at nagsimulang lumakad paalis, nguni't may pahabol ang private investigator. "At oo nga pala, Greg, importante na bumalik si Jang-Mi ng simbahan." "Kailan? Anong oras?" lingon ng colonel. "2-3 AM. Window time." Napatango ang colonel. "Okay, we'll be there." Hiwalay sila ng lakad at hindi pa nakakadalawang hakbang ay si Colonel Laxamana naman ang me pahabol. "Andy..." Napahinto si Andy. "Isang bagay ang medyo 'di ko maimagine," sabi ng colonel, may bahid ng kuryosidad sa mukha. "Ano 'yon?" "Yung nawawalang mga bangkay, lalo na ang mga lalaki, by this time buto na lang sila, right?" sabi ni Colonel Laxamana. "Let's say na tutoo ang teorya. You mean to say, gumapang sila palabas ng hukay na mga skeleton?" Sinabi iyon ng colonel na nakakunot-noo at tila ba gustong matawa. Nagtaas lamang ng balikat si Andy, naubos na ang pagkasorpresa niya sa mga bagay-bagay. "Posible," sagot ni Andy. Napailing si Colonel Laxamana, at: "Pare, after nito, paalala mo na magretiro na rin ako." Napangiti na lamang si Andy. NEXT CHAPTER: "Kabaong ng mga Muling Nabuhay"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD