Ayaw ko munang umuwi sa bahay nina mommy baka kase magtanong-tanong sila.
Kaya nag rent nalang ako ng apartment na may dalawang kama, kusina, Cr, at sala.. Okay na dito, pansamantala lang naman eh.
Nag-aayos ako ng gamit nang biglang tumunog ang cellphone ko, hindi ko na tiningnan ang caller basta sinagot ko nalang ito.
"Andromeda", nagulantang ako sa boses na iyon ni Stanley, ang kapatid ni Spencer na hindi lingid sa kaalaman ko na may gusto sa akin.
"Where the f**k are you?", sigaw niya. Halata sa boses nito ang galit.
"Bakit?", tanong ko dito. Hindi siya sumagot kaya, pinatay ko na ang tawag. Ini-off ko na ang cellphone ko para hindi na sila makatawag pang muli.
Please do understand me, naubos ako masyado, pumunta akong banyo at humarap sa salamin, nakikita ko ang pamumula ng mata ko, dala na rin ng pag-iyak ko ng ilang oras.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulangp mag tipa doon. Isang tao lang ang alam kong makakatulong sa akin.
Wala pang dalawang minuto noong sinend ko ang message ay nakatanggap na agad ako ng tawag mula sa kanya.
"Andromeda",matigas na aniya.
Hindi ko na napigilan ang umiyak "Kuya Matt", usal ko.
"Baby, I can't wipe your tears, I'm still in London, why? Why are you crying? Dahil na naman ba sa asawa mo?", nag-aalalang aniya.
Lahat ng problema ko, bukod sa mga kaibigan ko, sa kanyako din sinasabi. He's my Brother, He loves me so much, nasa London siya because of business trip, but kung may problem ako, hindi siya nagdadalawang isip na umuwi dito.
"Kuya, gusto na niyang makipaghiwalay", bulalas ko.
"Why? What happen?", tanong niyang muli.
"He said, he doesn't love me anymore--he does not love at all", at mas lalo akong naiyak.
"Tomorrow baby, I'll be there, ako na ang aayos sa annulment paper at ako na rin ang magpapadala sa kanya", sabi nito.
"Gusto ko nang pumunta dyan kuya", gumaral-gar ang boses ko.
"Finally! Okay, Bukas na bukas sasama ka na sa akin pabalik dito", aniya.
"Thanks kuya, Hindi ko na kase kaya pang pakisamahan si Spencer, mas lalo lang akong masasaktan".
"You will not be hurt anymore baby, not again, not again with the same person", aniya, at nakikita ko ang galit niyang mukha.
"I'll hung up kuya, I'll just pack my things".
"Okay, Bye baby!", sabi niya at pinatay ko na ang tawag.
KINABUKASAN pagkagising ko palang ay nakaamoy na ako ng parang sunog. Pumunta akong kusina at hindi nga ako nagkakamali dahil nandito na ang pinakmamahal kong kapatid, trying to cook some breakfast.
" Kuya! ", masayang ani ko.
Kumunot ang noo niya bago ako hagkan sa noo.
"Don't pretend to be happy, I know you baby", tugon niya tapos nagpuntang sala at may kinuha siya doong envelope, inilabas niya ang laman non at ibinigay sa akin kasama ang isang ballpen.
"Sign it baby, para maipadala ko na and makabalik na agad tayong London", sabi pa nito bago ako yakapin.
Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib niya.Humiwalay lang ako sa kanya at pinunasan ang luha ko nang marinig namin na may kumatok sa pinto.
Agad siyang nagtungo doon at pinagbuksan ang mga kumakatok. Laking gulat ko nang bumungad sa akin sina Mommy at daddy.
"Darling", si mommy, mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako, naramdaman ko ang pamamasa ng damit ko at nasisiguro ko na umiiyak ang nanay ko ngayon.
"I'm sorry, I'm sorry, ang akala namin ay okay na kayo, Patawarin mo ako anak ko", Sabi na namn ni mommy na patuloy paring umiiyak sa balikat ko.
"Alam na namin ang lahat anak, pumunta kami doon kanina at nakita ko sila ng desperada niyang sekretarya na masayang naglalampungan sa kama pa ninyong dalawa", Si daddy na ngayon ang nagsalita.
Parang tinusok ang puso ko ng milyon-milyong karayum. Bumigat ang paghinga ko, at hindi ko na napigilan ang pagtulo muli ng mga luha ko. Bakit pa siya nandoon?
"Isama mo na siya saiyo Matt, hindi ko kayang makita siyang ganito, mas mabuti nang nasa poder mo siya anak", Bulalas ni mommy habang nakatingin kay kuya.
"Ano po ang sabi nila Mama?", tanong ko patungkol sa mga magulang ni Spencer.
"Galit na galit ang Parents niya, tinanong ko sila kung pwede ka naming ilayo sa kanya ay pumayag naman sila, dahil talaga namang nasa amin ang desisyon", napahawak sa sentido niya si daddy.
Alas 10 ng gabi ang flight namin ni kuya, nandito pa kami sa Airport kasama sina Mommy't daddy.
Nong tinawag na ang flight namin, we kissed and say goodbye to our parents.
Pasimple akong tumingin sa entrance, nagbabaksakali na dadating ang taong inaasahan ko at pipigilan ako, pero nabigo ako. Hindi siya dumating. It's time to heal my Broken heart now. It's time for moving on, Let's forget him, self, he's not worth to love.
Muli ko na namang pinunasan ang luha ko sa pisngi.
Nang makarating kaming London ay agad akong sinalubong ng mga Kaibigan ko, nagulat pa ako noong una pero sinabi nila na kahapon pa sila nandito dahil sinabi sa kanila ni kuya.
"I miss you ghorl", Si Tanya. Bumeso sa akin.
"Kumusta ka namang Gaga ka?", Bungad sa akin ni Vera.
"Ayos naman---
" Kilala ka namin", sabay na sabi nila.
"Okay, okay----Nadurog ako at patuloy na nadudurog", tugon ko at agad nila akong niyakap.
Pumunta na kami sa bahay, may house kasi kami dito para pag nagbakasyon kami ay hindi na kami mag aano ng hotel. This was built four years ago, gift ni dad kay mom noong anniversary nila. Sana all mahal :(
Nandito rin pala si Treyton, My childhood bestfriend, He was living in South, Korea and working as Prosecutor, ewan at bakit siya nandito.
"Nice to see you again, babe!", salubong niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Luh, bat ka naman nandito?",tanong ko dito.
"Chill--
" May trabaho ka kaya", I cut him off.
"Nag leave ako ng 1 year", sabi na naman niya na hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Pwede ba yon--
"Oo, para sa'yo, nabalitaan ko ang nangyari saiyo babe", sadness appeared in his eyes.
Naiiyak na naman ako,I do not know why,pero maraming nagmamahal at patuloy na magmamahal sa akin but there's this one guy who owns my heart that can't live me back?
Sana lang panaginip ito, dahil gusto ko nang gumisin. Ayaw ko na.
"Sasamahan ka namin here kase gagang ikaw, para naman hindi ka maboring, last night your brother called us para pumunta dito", Si Vera.
Hindi ko na napigilan ang sarli ko't niyakap na silang tatlo.
I can now feel love with this three brats, haha.
Sana.... Sana lang..... Makalimutan na kita, walang katumbas ang sakit na pinadama mo, sabi ko noon na hinding-hindi kita susukuan pero naubos na ako at hinayaan ko nalang ang sarili kong sukuan ka.
Mahal na mahal kita, Asawa ko, sana Ganon ka rin, Maging masaya ka sana.
You're still be my Favorite Character in my untold story, My love.
Itutuloy.....