SINAMAHAN ako ni Yuki sa kompanya kung saan ako mag apply bilang secretary.
Sinabihan ko na itong hindi na kailangan pero ang loko mapilit sa akin.
Nang tumunog ang tiyan ko napagpasiyahan nitong pumasok muna kami sa isang Japanese Restaurant na nadaanan namin.
"Wala akong pera." pigil ko pa rito bago pa kami makapasok.
"Leave it to me. Hindi kita dadalhin rito kung papabayarin kita."
"Marami na akong utang sa'yo. Hindi lang ako pati na ang pamilya ko. Nakakahiya-" inilagay nito ang daliri sa labi ko kaya natigil ko ang iba pang sasabihin.
"Shall we?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako.
Nang nakapasok kami sa restaurant, mabilis lang na nakahanap si Yuki ng mauupuan namin.
Ito mismo ang nag order ng makakain.
Nag excuse muna ko ritong pupuntang comfort room na sinang ayunan niya habang hawak ang cellphone. Nang hindi pa ko nakaabot sa comfort room ay nagkabanggaan kami ng isang lalaki.
"Sorry." sambit ko. Nang mag-angat ako ng tingin upang tignan kung sino yon.
Nanlaki ang mata ko.
"No need. It's my fault." umiwas ito sa akin ng hawakan ko ang braso niya dahilan para matigilan siya.
"What?" baling niya sa akin.
"Kayne.." banggit ko ng pangalan niya.
"What do you need?" tanong niya.
"Si..." Hindi ko mabanggit ang pangalan ni baby damulag. Pero mukhang na gets nito.
Sa sobrang excited ko para kong maluluha sa tuwa.
"You're asking me about my brother?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Bakit pa?" balik niya.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa sinabi niya.
"Why now? Why now that it's been years. May balak ka pa palang itanong yan edi sana nagtanong ka noon pa lang. Hindi ngayon na marami ng nangyari. Saka You shouldn't ask about my brother now. Coz u promise him right? Tinupad mo narin naman yung pinapangako niya sayong gawin mo noon gawin mo na ulit ngayon."
"anong ibig-"
"It's your fault why my brother suffer in the past few years. You're the reason why my brother .."
Umiling ito.
"He told you that promise but he didn't mean it. But you didn't do a move even though he said it. That's why he thinks he's not special to you or you don't love him enough that even you left. He's hoping you still going to find a way to communicate with him before. Dahil that's promise na sinasabi niyang gawin niya sa'yo is just a challenge of the measurement of how important he is in your life. To his dismay that challenge break him because you opposite for what he expect."
Marami pa itong sinabi.
Hindi ko nakalimutan ang sinabi niya hanggang umuwi na ako.
Isinintabi ko muna ang pag apply ng trabaho.
The promise is the challenge of how important he is in my life but I hurt him when I didn't communicate after everything...
Nagkasakit siya dahil don..
Kahit hindi ko nagawa ang challenge niya hindi siya nagalit sa akin. Bagkus gusto niya pa akong puntahan... and dahil ron...he met an accident.
Na comatose siya ng ilang buwan.
When he wake up, nangangapa siya sa dilim...
He become blind and his girlfriend left him again..That Stella.. and nang nagkaroon ulit siya ng girlfriend..para tumulong sa kaniya.. Patricia. That girl na nagbibigay ng milk sa kaniya ng si baby damulag pa siya..did a mistake and he found out he has an affair to his friend Rainiel. The Silent konting Cold Type.
Puro sakit...
Now he's no longer blind. He's trying to move on sa mga nangyari. That's why he enter a new relationship.
Thiarra, his new girlfriend and soon to be wife. They are now engaged.
Thiarra is the nurse who take care of him when he's blind and when he was miserable for Patricia caused.
and for some reason, kahit gusto kong sabihin ang kay Khaki.
Hindi ko na gagawin.
alam kong karapatan ng anak kong makilala ang Papa niya at tuparin ko ang pangako.
Pero kung gagawin ko yon..ay sisirain ko ang buhay ng Papa niya ulit.
I don't want a history to repeat itself.
--
PINILIT kong maging okay sa nakaraang araw. Pansamantala kong nakalimutan ang kalungkutan dahil isa ako sa nakapasok na applicants na pwedeng makapasok sa Secretary.
When the interview began yesterday, at sa online lang ako na interview.
Nasagot ko ang sagot kahit paano. But I'm still not confident na makakapasok ako dahil nagkaroon ng interruption sa pag-uusap namin ng Secretary na mag reretire na.
But looking at the result, napasigaw ako sa sobrang hindi maipaliwanag na galak ng makapasok lang naman ako bilang secretary sa kilalang kompanya sa Pilipinas.
Sa wakas mababayaran ko narin ang utang namin.
Ngayon humanda ka ate Rosalinda dahil may maipangbabayad narin kami sa utang namin sa'yo.
Feeling naaawa at may pake sa amin. Pero waley naman talaga.
"Mama? Bakit ka po sumisigaw? Gabing gabi na po ah! Tulog ka na po."
"Nagising ba kita, anak?"
Kumandong ang anak ko sa akin at tumango at humikab pa.
"Sino po bang hindi? Lakas po ng boses niyo eh."
"Sorry, my baby."
"Not baby na po, luv u ma, mwah mwah, night po." Pumikit na ang mata nito tanda na nakatulog na rin ng makita ko ang pagtaas baba ng dibdib.
Hinaplos ko ang buhok niya.
"Everything will be okay, Khaki. Kahit hindi na magiging kasama pa kailanman ang Papa mo sa atin." Bulong ko at lumuha.
He's building his future to his girl now.
Sorry, anak. Kung masasaktan ka sa desisyon ni Mama. Pero ayokong masaktan rin ang Papa mo lalo.
Mahal ko kayo...
Patawad.
Kung isang kasiyahan lang ang pipiliin ko at ang sa Papa mo pa.
--
"MAMA, hindi mo na po ba ko lab kaya ayaw niyo po ko kasama?" tanong ng anak ko habang kumakain kami ng almusal.
"Paano mo naman nasabi 'yan. Kung pwede lang talaga, Khaki anak. Isasama kita."
Ngumuso ito. "Pero dati po pwede naman."
"Kase ibang trabaho 'yun, Khaki."
Mas lalong humaba ang pagnguso nito at tumango na lang na parang labag pa sa kalooban.
"Okay po. Basta po ingat po kayo pag punta at pag-uwi mamaya, Mama."
Ngumiti ako sa anak ko.
"Sige po Ma. Kain ka na po ulit."
Kumain kami at nagkwento ito tungkol sa pag-aaral niya sa Kinder.
Nang matapos ako, hinalikan ko ito sa pisngi.
"Ma, Una na po ako." pag-paalam ko kay Mama na busy kakabasa ng diyaryo.
Tumingin ito sa akin. "Ingat ka,"
Saka bumalik ang tingin sa diyaryo.
Tinignan ko ulit ang anak ko na hindi pa tapos ang pagkain.
"Don't forget to drink the milk." paalala ko.
"Yes po!" Sigaw nito.
Napahawak ako sa dibdib sa gulat ng paglabas ko ng bahay namin ay nakita ko si Yuki na nakaabang sa labas.
"Hatid na kita."
"Hindi na kailangan. Mag ta-taxi na lang ako."
"Utos din to ng Kuya mo sa akin."
"Hays si Kuya talaga inabala ka pa."
"Hindi ka naman abala. Kaya pumasok ka na sa loob. Baka malate ka pa eh. Nga pala congrats ulit."
"Salamat."
Ngayon ang araw na pupuntahan ko ang company na papasukan ko.
Excited ako and at the same time kabado sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Ba-thump
I hear my heart beating over and over again.
"Salamat," bumaling ako kay Yuki upang sabihin iyon.
"Susunduin kita mamaya."
"Huh? Pero-"
"Wala ng pero. Basta mamaya."
Umiling na lang ako at pumasok na.
Napakakulit talaga ni Yuki pero hindi ko naman mapigilan dahil ayaw nitong sumunod.
Sinabi sa akin ng staff ang way papunta sa CEO office na madali ko namang ma gets.
Ilang palapag bago ko napunta sa harapan ng office.
Kumatok ako sa pinto.
"Come in." Rinig kong sabi ng baritonong boses.
The voice came from the office pero naririnig ito sa labas ng isang parang office rin.
Ito siguro ang Secretary office. Sa labas lamang.
Huminga ako ng malalim at pinihit ko ang seradura at nakita ang magiging Boss ko, ang CEO na busy sa kakatingin sa labas na kitang kita ang mga building.
Napapikit ako ng maamoy ang pamilyar na amoy na yon.
Nagkataon lang siguro.
Imposible.
Minulat ko na ang mata at tinawag ang pangalan nito.
"Sir Dorriente?" Pagtawag ko sa pangalan niya at napaawang ang labi ko ng humarap ito.
"BABY DAMULAG?" Patanong pang sambit ko nang makita ang mukha ng lalaking magiging Boss ko.
Totoo ba 'to?
Nang lumapit akong maigi upang tignan ang mukha nito dahil baka nagkakamali ako. Hindi nagbago ang mukha nito.
Totoong ito nga siya!
"I'm sorry..." garalgal at hindi ko mapigilang sambit at pinaglaruan ang daliri ko sa kamay habang umiiyak.
Ito na naman. Ito na naman ang luha ko.
Hanggang ngayon ay masakit parin pala.
Paano ba naman kase ay pinagsisihan ko na ang mga desisyon ko pagkatapos ng mga nalaman ko.
"Sige, aalis na ako." sabi ko pa bago pa nito mabuka ang bibig at pagsalitaan ako ng masama.
Kung alam ko lang na siya ang magiging Boss ko. Sana hindi na ako nag apply ng trabaho rito.
Nangako akong hindi na magpapakita pa pagkatapos ko itong saktan. Pero ano 'tong ginagawa ko?!
Pinunasan ko ang luha.
Hindi ko pa man nahahawakan ang doorknob ng pinigilan ako ng isang kamay sa braso ko.
"Do I know you? Did I do something bad at you? Have we met before?" Sunod sunod niyang tanong at ang tingin sa akin ay nagtataka.
Nagtaka rin ako at napatingin rito.
"Miss Lopez, right? Sorry, but I don't get why are you saying sorry that's why I'm asking you if I know you or did I do something bad at you." ulit nito.
Gone the baby damulag na may po sa akin at Mommy kung ako'y tawagin.
Umaarte ba ito? Umaarte na parang hindi ako kilala dahil sa ginawa ko noon?
T*ngna! Baket pa aalis narin ako rito pagkatapos kong malaman siya ang Boss. Hindi na nito kailangan umarte!
Kung uutuin ako nito hindi ngayon ang panahon dahil kailangan kong kumita ng pera.
"Miss Lopez?
Habang tinitigan ko ng ilang minuto ang mukha ng lalaki at kung paano ito magsalita.
"Sino ka? Your whole name?" tanong ko.
Kase walang halong biro. Hindi ganto umarte si baby damulag.
ang nakikita ko ngayon ay isang guwapong lalaki na nagtataka sa akin.
Bagaman nagtataka parin. Sinagot nito ang tanong ko.
"Khairro Blake Dorriente Scott. How about you?"
Kung ganon siya nga!
Siya si baby damulag!
Pero ano't hindi nito ako kilala or maalala?
Naiiyak ulit ako sa kaalamang nagkita ulit kami kahit hindi na dapat at kaalamang hindi nito ako kilala.
"Veronica Lopez." sagot ko rin rito.
"Why the hell your name is so f*cking familiar. Sa tatlo kong tanong, pwede bang sagutin mo ang isa." pahayag niya na kinakaba ko.
"a..ano.."
"F*ck...forget it. Makakaalis ka na."
"Pero hindi pa tapos ang interview mo sa akin kahit na secretary mo na ko." mahinang sabi ko.
Nagbago na ang desisyon ko.
Gusto kong manatili sa trabahong 'to.
Gusto itong makasama kahit na hindi ako nito maalala. Gusto ko rin hindi sundin ang pangako ko. Hangga't hindi ko ito nakikitang masaya hindi ako lalayo.
"I thought you don't want to be my secretary anymore. What's with the sudden change?"
Déjàvu
"Because I'm still your secretary?" sagot kong hindi sigurado.
"Right, you can start tommorow. Pwede kang magpahinga ngayon. You need it now since your work will be done late starting tommorow."
"Sige po, Sir. Salamat."
Tumalikod na ko at napahawak sa dibdib ng nasa labas na ng office.
Tumulo ulit ang luha ko.
Kung ano man ang nangyari kung bakit hindi ako nito maalala kasalanan ko siguro yon. Sa simula't sapol hanggang ngayon ako lagi ang may kasalanan kung bakit ito nasasaktan na dapat hindi na nito nararanasan dahil sa mga nangyari sa kaniya.
Kasalanan ko.
Pero kung ibabalik man ang panahon na 'yon. Hindi ko parin babaguhin.
Iiwan at iiwanan ko parin ito.
Sa isang rason at dahil din wala akong panama sa mga taong naging bahagi sa kaniya bago pa ko dumating.
I maybe not his happiness now and before when he's baby damulag at puro pasakit lang. But I can be the one who he will lean on when it comes of work and kahit pa advice.
Gagawin ko ang makakaya ko para makipaglapit ulit rito.